Friday, January 2, 2009

Ice Skating

Sa Mall of Asia, may nainggit sa mga nag-ice skating.



Kaya naman, naki-join na rin.


Thursday, January 1, 2009

Ako...Sila...Kami...Sa Bagong Taon

Bagong taon na.


Nakaugalian na nating salubungin ang bagong taong na masaya kasama ang ating mga mahal sa buhay. May sayawan, kantahan, inuman, masayang kwentuhan at putukan na nagpapaingay sa buong paligid. Siyempre pa, hindi mawawala d'yan ang bonggang-bonggang kainan.

Pero sa kabila ng kasiyahang nagaganap saan mang sulok ng Pilipinas, hindi maiiwasang may mga taong hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay para sa sama-samang pagsalubong ng bagong taon.

At ang mga taong ito ay AKO, SILA, KAMI !

AKO na hindi nabigyan ng pagkakataong ma-approve ang vacation leave at mas piniling hindi mag-undertime at magtrabaho na lamang kesa mag-isang sasalubong ng bagong taon sa bahay.

SILA na pumasok na lang dahil nasasayangan din sa 30% on top of the basic salary for the first 8 hours.

KAMI na walang ibang choice kundi ang pumasok sa kol sintir.

Martir, 'di ba?