Linggo ng gabi.
Para akong judge sa isang beauty pageant.
It's a close fight.
Sino ang magwawagi?
Sino ang mag-uuwi ng korona?
Si Buko ba o Si Kape?
Matagal akong nag-isip.
Matagal ding nag-aantay si tiyan sa desisyon ni isip.
Buko.
Masarap, manamis-namis at masustans'ya.
Galing mismo sa puno ng niyog.
Maaring sinungkit o inakyat ng magniniyog para mapitas.
At bigla akong natigilan at tinanong ang sarili:
"Ang niyog ba ang pambansang puno ng Pilipinas?"
Sumagot naman si sarili: "Hindi. Tsismis lang 'yon. Mangga po"
Kape.
Pampagising. Masarap din.
Pero ayoko ng mainit na kape.
Gusto ko malamig.'Yong sa Starbucks o Coffee Bean.
At bigla na naman akong natigilan at tinanong ang sarili.
This time, alam ko ng hindi Kape ang pambansang puno ng Pilipinas.
"May pera ka bang pambili? "
Oo nga pala, hindi kakayanin ng bulsa ko ang bumili ng mamahaling kape.
Nakalimutan kong Pulubi pala ako.
Mahal ang gusto kong kape kesa gusto kong buko.
Sa katunayan, wala naman masyadong pagtatalo ang naganap.
Halatang-halata naman kung sino ang mananalo,di ba?
Gaya ng mga beauty pageants, minsan alam na kung sino ang nakakalamang.
Si Buko na nga.
Siya ang nagwagi.
Pero darating din ang araw na maghihigante si Kape.....
Abangan.
Showing posts with label Hapag-Kainan. Show all posts

Tuesday, February 22, 2011
Buko o Kape?
Labels:
Hapag-Kainan,
Kaganapan sa Kalye
Wednesday, January 19, 2011
Sige Alak Pa!
"Gusto mo kita tayo, boring dito sa amin eh,"
Natanggap ko ang text na ito ni Leo habang besing-besi ako sa loob ng classroom. Gustong-gusto ko kapag nagdi-discuss si Paul de Jesus kaya naman hindi ako kumukurap para lang makasunod sa lesson namin about Franchise.
"9pm pa ang labas ko eh. Gabi na 'yon," reply ko.
Nagdadalawang isip din ako kasi nga may pasok pa ako bukas.
Nawala ako sa konsentrasyon kay Paul. Nagpalitan na kasi kami ng text messages ni Leo. Hanggang sa napagkasunduan naming magkikita ng 9pm para sabay na kaming pumunta ng bahay. Inuman lang pala ang hanap ng loko. Eh di ayos lang na pagbigyan...sabagay ilang araw na ring wala ng alak na dumadaloy sa aking katawan.
Hindi ko alam kung bakit sinapian si Paul kaya maaga nya kaming pinauwi na gustong-gusto ko naman.
Umuulan sa labas. Wala pa naman akong payong. Pero sa ngalan ng kasunduan, nagpaulan na lang ako papunta sa sakayan ng jeep. Mas gusto ko ngang magkasakit para sick leave sa opis. Pagod na rin akong magtrabaho kaya kung luluwang ang turnilyo ko ay bigla ko na lang silang gugulatin ng resignation letter.
Andun na ako sa LRT. D Jose Station. Hinihintay ko na si Leo. Maya-maya lang ay dumating na siya. Nauna na pala sa loob ng istasyon. Kunwari hindi ko sya nakita para siya ang kusang lalapit sa akin. Na nangyari naman. Konting kwentuhan at dumating na ang tren.
Tahimik lang kami sa loob. Inoobserbahan ko lang ang reaksyon ng mga tao sa loob ng tren. Syempre may nahuhuli akong mga babae't bakla na nakapako ang tingin kay Leo.
At sino ba namang hindi?
Sa tangkad niyang, 5 feet at 9 inches; half-Puerto-Rican at bakat na bakat ang laki ng muscles sa katawan. At naka-short lang siya. Model na model ang dating...In short,pogi.
LRT.MRT.Jeep.Nasa Market Market na kami. Hindi pa daw siya nakapunta dun ever kaya naman nag-tour around the place muna. Maraming tao. Sa paglalakad namin, may nakasalubong akong kakilala.
Si Ed. Mabuti na lang at hindi nya ako nakita. Sigh! Ayaw ni Leo sa lugar maraming tao. Gusto nya tahimik. Siguro para makapag-usap kami ng maayos.
At 'yon. Sa restobar na kokonti lang ang tao kami napadpad. Umorder ng pagkain at isang bucket ng beer. Tig-tatalong San Mig Light kami so ayos na 'yon para di masyadong malasing...Kain muna bago inom. Kwentuhan din ng kung anu-ano lang.
Pano kami nagkakilala ni Leo?
Well,sa hindi sinasadyang pagkakataon. Naalala n'yo pa ba si Ekstranghero sa nauna kong mga posts? Siya ang dahilan kung bakit may isang Leo ngayon. Si Ekstranghero kasi wala ng cellphone. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ng loko. Siyempre pa, dahil gusto daw nya akong makatext, nanghiram siya ng CP sa friend ng friend nya at si Leo 'yon. At 'yun ang simula.
Makwento si Leo. Mga kwentong hindi mo akalaing mararanasan ng isang tulad niya, istorya ng pagsubok at pag-asa. Na sa kabila ng lahat, bumabangon at handang suungin ang anumang laban.Marami akong nalaman sa buhay niya at sa mga pangarap nyang nais makamit. Sa pagkakataong 'yon, na-realized kong mas maswerte pala ako ng konti sa buhay.
Hatinggabi. Umuwi na kami. Sa bahay na siya natulog....

Sunday, November 21, 2010
Served Upside Down or It's Free!
"Blizzard. Strawberry Banana po. 'Yong 12 oz."
At sa wakas ay nahanap ko na ang kanina pang nagtatagong Dairy Queen. Nasa ground floor lang pala at medyo nainis pa ako dahil kung saan-saan pa ako dinala ng aking mga paa.
Ice cream! Ice cream!
Nabibingi na rin ako sa malalakas na sigaw ng aking tiyan. Kaya minarapat ko ng pagbigyan.
Hmmmm...sarap na sarap kong kinakain ang ice-cream. Nang madako ang aking mga paningin sa nakasulat:
Served Upside Down or it's free!
Natuwa lang ako sa tagline nila. Agaw pansin. Kakaiba. Sino kaya ang nakaisip nito?
At may gana pa akong makialam eh no.
Hanggang sa nakaramdaman ko ang panlalamig ng katawan. Malamig kasi ang ice cream at malamig din sa loob ng mall. Magtataka ako kung hindi malamig ang ice cream...
Ininggit ko si Ekstranghero sa text.
At nainggit naman ang loko!

Hapag-Kainan
Subscribe to:
Posts (Atom)