Gustuhin ko man o hindi, kapatid ko pa rin si Edward. Siya ang pangatlo sa anim na magkakapatid. Limang taon ang agwat ng edad namin. Hindi kami close. Hindi rin magkasundo sa halos lahat ng bagay. Iba siya. Iba rin ako. Naiinis akong nakikita ang pagmumukha n'ya. 'Di hamak na mas pogi ako dun. Hahaha. Ayoko sa ugali at takbo ng pag-iisip nya. Mabuti na lamang at nakikipagsapalaran ako sa Maynila kaya 'di ko na siya nakikita.
Nakarating sa akin ang balita. Grumadwet na ng HAYSKUL ang loko sa edad na BENTE. At sa wakas! BENTE rin ako nun nong grumadwet ng COLLEGE. Sabagay, bakit ko naman ikukumpara ang sarili ko sa mga taong parang walang pangarap sa buhay o kung meron man ay di lang masyadong halata.
Eh, di tuwang-tuwa naman ang Mama at Papa ko sa pagtatapos ni Edward. At sino ba namang hindi? Balita ko pa, naghanda pa daw sila sa amin. At dahil sa mabaet akong kapatid at anak, sa akin pala galing ang pinanghanda.
Hindi rin biro ang dinanas ng mga magulang ko sa piling ng hinayupak kong kapatid. Naroo't nilagay sa kahihiyan ang buong angkan ng minsang nahuling nagnakaw ng pera sa kapitbahay namin. Pati tuloy ako ay walang mukhang ihaharap at gusto ko ng maglaho dahil sa nangyari. Pinalaki kami ng maayos at tama ng mga magulang namin, tinuruan ng kagandahang-asal at matinong pakikitungo sa kapwa.Subalit hindi ko maintindihan si Edward. Hinding-hindi!
Naroo't kunwari ay pumapasok sa paaralan, yun naman pala ay sa bilyaran lang ang punta. Ang baon ang ginagawang pantaya sa sugal. Kapal talaga ng mukha! Hindi man lang naisip ang hirap ng mga magulang namin para magkaroon lang kami ng makain sa araw-araw at pantustos sa pag-aaral.
Halos lahat ng subject ay binagsak. Hindi man lang nagmana sa matatalinong mga nakakatandang kapatid. Hindi na nahiya.
Laro lang ang laging inatupag. Basketbol at Billiard, 'yan mga paborito nya yan. Kung saan-saan pa nakakarating. Kung saan-saan natutulog. Madalas hindi umuuwi ng gabi. Madalas nakikipaglasingan sa mga barkada n'yang wala ring mga direksyon sa buhay.
Kelan pa kaya titino ang taong 'yon?
'Yon ang hiling ko sa langit!
Showing posts with label Doon Po Sa Amin. Show all posts
Showing posts with label Doon Po Sa Amin. Show all posts
Tuesday, April 5, 2011
Ang Kapatid Kong Bulakbulero
Labels:
Doon Po Sa Amin
Wednesday, March 30, 2011
Goodbye Black Hair!
"Pinaganda mo pala ang kilay ng babae?" tanong ng babaeng hairstylist na ang tinutukoy ay ang kakaalis lang na kustomer.
"Oo 'te. Tingnan mo naman 'yong kilay niya parang kilay ni Bakekang. Dapat paglabas nila dito, maganda sila," sagot ng baklang hairstylist habang ginugupitan ako.
At lihim akong natawa sa pag-uusap ng dalawa.
Aha, ganito pala ang nangyayari kapag nakaalis na ang kustomer. Iniisip ko tuloy kung ano ang pwedeng ikomento ng mga 'yon pagkalabas ko ng salon. Sana naman ay hindi nila ako nilait sa makapal kong buhok. Wala naman siguro silang nakitang kuto o kung anumang hindi kanais-nais na elemento sa buhok ko.Mahigit dalawang buwan na atang hindi natasahan ang buhok ko. Kaya naman naisipan kong dumaan sa salon.
Noong bata pa ako hanggang nag-college, hindi man lang nakatikim ang aking buhok ng mga modernong teknolohiya gaya ng uso ngayon. Gunting at suklay lang ay solb na. Payag na nga lang din akong si Tatay ko na ang nagugupit sa akin noong bata pa ako.Sa ganoong paraan, nakakatipid sa pambayad sa barbero. Pero para namang pinagpraktisan lang ni Tatay ang gupit ko. Hindi naman talaga siya barbero. Kaya tuloy sa school, lagi akong tinatanong ng titser at mga kaklase ko kung sino ang gumupit sa akin. Sabi ko naman, si Tatay. Wala naman akong karapatan mag-inarte noon kasi nga mahirap lang din kami.
Pero siyempre noong hayskul at college ako, dyahe ng kay Tatay pa rin ako magpagupit, di ba? So sa kapitbahay na lang naming barbero.Sa halagang bente-singko pesos ay may magandang gupit ka na. Noong nakaraang taon,nabalitaan kong patay na pala 'yong barbero ko ng halos walong taon. Buhay nga naman.
Balik tayo sa kasalukuyan.
Ilang minuto lang ay may bago na akong hairdo. As usual, maikli pa rin para matagal tumubo at alam na ng hairstylist ko 'yon dahil sa kanya ako nagpapagupit ng paulit-ulit.
"Ngayon na lang kaya kulayan natin ang buhok mo," suhestiyon ng hairstylist.
Noon pa niya ako inaawitan na magpakulay daw ng buhok. Sabi ko dati na sa Pasko na lang para marami akong perang pambayad. Dumaan ang pasko, pero hindi pa rin ako nagpakulay. Haha. Natatakot din kasi ako baka kung anong mangyari sa hair ko. Sanay pa naman ako sa natural black hair.
Subalit sa pagkakataong ito, ika-28 ng Marso 2011, ako'y tuluyang ng nagpaalam sa natural black hair ko. Pumayag na kasi akong magpa-hair color. Sabi ko, yong kulay na hindi masyadong halata na nagpakulay ako. Hahaha. Ayon, pinapili ako ng kulay at pinili ko naman 'yong brown na may halong black pa rin (ewan ko anung tawag sa kulay nun, english kasi at mahirap i-pronounce)
Ilang minuto ang matuling lumipas, natapos ang kung-anu-anong ginagawa sa buhok ko. Maayos naman. At nagustuhan ko. Haha
Umani naman ako ng parangal nang pumasok ako sa opis dahil bagay daw sa akin ang new hairdo at new hair color.
Bola.
![]() |
| Larawang Hiram mula sa http://www.trekearth.com/gallery/photo452272.htm |

Doon Po Sa Amin,
Kaganapan sa Kalye
Sunday, February 27, 2011
Awit Sa Bohol
Naiitindihan mo ba ang lyrics ng kanta? Marahil ay hindi.
Pero kung ikaw ay lumaki o nag-aral o nag-aaral sa lalawigan ng Bohol, alam kong intinding-intindi mo ito.
Ang Awit sa Bohol ay kinakanta tuwing flag ceremony pagkatapos kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas araw-araw.
Aba, memorize ko ito noon. Apat na taon ko itong kinakanta noong hayskul. Tuwing may pasok at tuwing may special activity o program sa school, barangay o lungsod.
Minsan, tuwing periodical test isinasama ito bilang bonus question, pinapasulat ang lyrics nito kahit sa Math at Science subjects.
Noong first year hayskul ako, hindi ko pa masyadong kabisado ito. Nangangapa pa ako sa lyrics at di ko pa masyadong alam ang tono. 'Yon ay dahil ekstranghero pa ako sa lugar na 'yon. Ngunit kelangan kong aralin 'to kaya hindi nagtagal ay natutunan ko na rin.
Yuta kong minahal,
Hatag ni Bathala;
Sa adlaw’g gabi-i,
Taknang tanan
Dinasig sa kinaiyahan
Sa mga bayaning yutawhan
Imong kalinaw gi-ampingan
Lungsod sa bungtod nga matunhay
Ug matam-is nga kinampay
Puti ang kabaybayunan
Walog sa suba binisbisan
Bahandi sa dagat ug kapatagan
Gugma ang tuburan
Sa kagawasan sa tanan
Panalanginan ka
Ihalad ko lawas ug kalag
Sa mutya kong Bohol.
Labels:
Doon Po Sa Amin,
Heograpiya
Chocolate Hills
Ang Chocolate Hills ay malawak na lupain na binubuo ng napakaraming burol. Ayon kay Wikipedia, sa pinaka-latest na survey, ito ay binubuo ng 1776 na burol sa lawak na humigit-kumulang 50 sqm. Narinig n'yo na ba ang kumakalat na tsismis na unti-unting nababawasan ang mga burol? Ah, hindi ko kayang patunayan ang tsismis na ito.
Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil sa kulay tsokolate tuwing tag-init at kulay berde naman tuwing tag-ulan. Ayon sa aking masusing pananaliksik (anu daw?),ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit na anong puno dahil puno ng limestone ang ilalim nito. Ows, talaga? Naalala ko bigla ang Science lesson namin noong Elementrary, HighSchool at pati na noong College ang tungkol sa iba't ibang uri ng rocks..
Sige nga, sagutin ang tanong:
Anong uri ng rock ang Limestone?
a. Igneous Rock
b. Sedimentary Rock
c. Metamorphic Rock
d. None of the Above
Isip..isip.
At balik tayo sa usapang Chocolate Hills. Noong musmos pa ako, Kinder pa ata ako noon, dalawang dekada na ang matuling lumipas, naririnig ko ang kwento-kwento ng aking mga magulang pati na rin ng mga ka-tsismisan ng mama ko ang tungkol dito. Akala ko noon, nakakain talaga ang Chocolate Hills dahil ito ay isang uri ng tsokolate. Hindi pala.
Gusto mo bang marating ang Chocolate Hills?
Simple lang. Dahil ang Bohol ay isang malaking isla, kailangang sumakay ng eroplano o di kaya'y barko kung ikaw ay manggaling sa ibang lalawigan. Pero mas advisable na sumakay ng eroplano dahil wala pang isang oras ay nasa Tagbilaran Airport ka na. Kung barko naman, tiyak aabutin ka ng bente hanggang bente-kwatro oras na paglalayag sa karagatan kung ika'y sa Maynila pa mangagaling. Kapag nasa Tagbilaran Airport ka na, mga 60 kms pa ang byahe mo bago mo masilayan ang magandang tanawin. Pwedeng kotse, van o bus ang maghahatid sa'yo sa Chocolate Hills. Diskarte mo na lang pa'no ang sasakyan at tutuluyan mo. Sa katunayan, marami namang package deal na nagkalat d'yan sa internet. Kapag nasa Chocolate Hills ka na, ikaw na ang bahalang humusga....
Sa totoo lang,nakakalungkot isipin na sa haba ng walong taong pamamalagi ko sa lalawigan ng Bohol at sa lapit ng isang oras na biyahe mula Tubigon hanggang Carmen ay ito lang ang masasabi ko:
HINDI PA TALAGA AKO NAKAPUNTA SA CHOCOLATE HILLS....PRAMIS.
Labels:
Doon Po Sa Amin,
Heograpiya
Tuesday, February 22, 2011
CPA Board Exam Story
Ito ay isang kwento ng pagkabigo at hindi pagsuko sa isang labang nasimulan....
Pagka-graduate ko ng kolehiyo sa isang munting lalawigan sa aming probinsya, wala pa sa plano ko ang mag-take ng CPA Board exam. Gustuhin ko man maging CPA subalit marami ang naging hadlang. Unang-una, wala kaming panggastos para sa tuition fee ,sa uupahang dorm, pagkain at kung anu-ano pang kailangan para makapagrebyu sa Maynila. Wala kasing CPA Review school sa aming lugar kaya halos lahat ng gustong maging CPA ay kinailangan pang lumuwas ng Maynila.

Board Exam,
Cheers Tungo sa Tagumpay,
Doon Po Sa Amin,
Iskandalo sa Kol Sintir,
Kwentong Klasrum,
Love and Life
Tuesday, February 8, 2011
Doon Din Po Sa Amin
Inspired by Doon Po Sa Amin
Simpleng buhay lang ang nakagisnan ko.Tahimik.Hindi magulo.Kasama ng mga taong sanay sa hirap at kuntento na sa payak na pamumuhay. Makakain lang tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Hindi masyadong naghahangad ng mga materyal na bagay. Kuntento na sa kung ano ang meron....
Pagkagising sa umaga ay tiyak na handa na ang almusal. Puto Maya at mainit na tsokolate lagi ang agahan. Si Aling Nene na suki namin bawat umaga ay kakatok na 'yan sa amin para ihatid ang masarap na Puto Maya at mainit na tsokolate. Kung minsan, hindi siya nakakapagluto, 'yon naman ang mga pagkakataong gigisingin ako ng maaga ni Mama o Tatay para utusang bumili ng bente pesos na pandesal at 3-in-1 na kape. Dalawa o tatlong pirasong pandesal ang nakakain ko. Medyo bitin nga pero ayos lang 'yon. Bihira lang kasing nagkakanin tuwing umaga. At kung meron man, wala din namang ulam. Pero ayos lang, dumidiskarte naman kami minsan.
Preskong-presko ang hangin kaya naman umagang-umaga, hindi ko nakakaligtaang tumungo sa beach. Masarap sa pakiramdam ang hanging nagmula sa karagatan. Nasusulyapan ko ang mga agokoy na mabilis na nagtatakbuhan papunta sa maliliit nilang lungga sa ilalim ng lupa kapag nilalapitan ko sila tuwing low tide. Ang mga hayop-dagat na 'to ay para bang takot na takot sa tao. Agokoy ang tawag sa Bisaya pero ewan ko kung ano 'to sa Tagalog o English o Chinese. Basta sila 'yong maliliit na parang crabs pero hindi naman daw nakakain.Kapag high tide naman, hindi ko alam kung saan nagtatago ang mga agokoy, marahil sa ilalim ng lupa o sa mga bato. Parang hindi sila nalulunod kapag natatabunan ng tubig-dagat ang lupa.
Minsan, namimingwit din ako ng isda kasama ng mga kapatid at pinsan ko kapag high tide. Manghuhuli kami n'yan ng mga kuhol sa tabi-tabi.Pinupukpok namin ng bato ang snail hanggang sa mawasak ito. Kawawang nilalang!
Kinukuha namin ang laman loob at 'yon ang nilalagay namin sa bingwit bilang pain. Para kapag itinatapon sa dagat ay mahuhuli sa patibong ang mga isda. Ang mga maliliit na isdang nahuhuli , binabalik ko rin lang sa dagat kapag nagsawa ng paglaruan o minsan tinatapon. Pero 'yong isa kong kapatid, inuuwi sa bahay, piniprito at kinakain. Kadiri kaya.
Maraming mangrove trees ang itinanim ng lolo ko sa dagat. Kapag naisipan naming mamingwit ng isda ay doon lang kami pumupwesto. Bukod sa hindi pa mainit dahil malalaki na ang mga 'to, may ginawa ang kapitbahay naming manginginom na lamesa na ipinako lang sa katawan ng puno. Minsan ang mga binatang kalalakihan sa amin ay doon nag-iinuman, nagkukwentuhan, nagigitira at nagkakantahan ng Eraserheads at Parokya ni Edgar songs.
Kapag sawa na sa pamimingwit, maghuhubad na 'yan at kanya-kanyang langoy o sisid sa dagat. Minsan may dumadayo na taga ibang barangay para maligo, ayon di ko rin maiwasan makipagkaibigan. Niyayang maglalaro ng habul-habulan sa gitna ng dagat. Kakatuwa kaya.
Tuwing hapon, kapag sinipag, nangunguha ako ng mga kabibe sa dagat. Kapag nakarami-rami na ay inuuwi ko at niluluto naman ng Mama ko. At may panghapunan na kami. Kapag wala naman kaming panggatong, sa dalampasigan ay namumulot ako ng mga kahoy at kung anu-anong pwedeng panggatong, binibilad ko lang sa init ng araw, at ilang oras lang ay pwedeng-pwede ng isabak sa lutuan.
Ayos di ba?
Nakakain kami ng hindi masyadong gumagastos. Pero minsan, nakakasawa rin kung araw-arawin ang kabibeng ulam. Kaya naman kapag pumupunta sa gitna ng karagatan ang lolo ko, inaabangan ko ang pagdating, tumutulong akong dalhin ang mga huling isda papunta sa bahay nila. Medyo mabigat pero tinitiis ko lang para naman magkaulam kami, binibigyan din kasi kami ng isda. 'Yong lola ko naman, ginagawang daing ang ibang huli ng lolo ko, kaya tumutulong din ako sa pagbilad ng mga isda sa araw. Kapag natuyo, nilalako naman ng lola ko sa kanyang mga suki. Minsan sumasama ako para mabigyan ng pera kahit papano. Bibigyan ako ng limampiso noong hayskul ako ay masaya na.
Kahit noong college ako sa probinsya namin, wala pa ring pinagbago sa simpleng pamumuhay namin. Mahirap pero masaya.
Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong tanaw ang kalunus-lunos na mukha ng kapaligaran habang papadaong ang barkong sinasakyan ko. Mga kabahayan malapit sa pier na parang pinagtagpi-tagping kung anu-ano lang. Mga batang nakahubad at naliligo sa pier. Mga basurang lumulutang. Maraming tao. Maingay. At kung anu-ano pang mga bagay na hindi sanay makita ng aking mga mata...
Ito na pala ang tinatawag nilang Maynila. Sa pagtapak ko sa dinadayong Maynila, ang lahat sa buhay ko ay biglang nagbago.
Ang pagtampisaw sa dalampasigan...ang pamamasyal sa buhanginan...ang panonood ng paglubog ng araw...ang sariwang hanging dagat...ang karagatan...ang kabibe...ang mga isda...at ang mga agokoy. . .ay parang bahagi ng panaginip na lamang .At si Lolo. Si Lola. Si Mama. Si Tatay.Mga kapatid at pinsan ko.....ay mga tau-tauhan sa panaginip na 'yon.
Hindi ko alam kung kelan muling mangyayari. O mangyayari pa ba kaya? Mga bahagi ng nakaraan na kaysarap balikan.Oo, kaysarap balikan ang nakaraan....
Pero heto na ako't ginagapos na ni Maynila......Sana makawala. Sana.
Labels:
Doon Po Sa Amin,
Love and Life
Subscribe to:
Posts (Atom)