Sunday, February 27, 2011

Chocolate Hills

  


Doon po sa amin ay matatagpuan ang pinakasikat na isa sa pinakamagandang tanawin dito sa ating bansa, ang Chocolate Hills. Ito ay isang yaman na taas-noo at buong galak na ipagmamalaki ng aming lalawigang Bohol. Kung kaya naman, ito ay sadyang dinarayo ng mga turista sa bahagi ng lungsod ng Carmen.

Ang Chocolate Hills ay malawak na lupain na binubuo ng napakaraming burol. Ayon kay Wikipedia, sa pinaka-latest na survey, ito ay binubuo ng 1776 na burol sa lawak na humigit-kumulang 50 sqm. Narinig n'yo na ba ang kumakalat na tsismis na unti-unting nababawasan ang mga burol? Ah, hindi ko kayang patunayan ang tsismis na ito.

Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil sa kulay tsokolate tuwing tag-init at kulay berde naman tuwing tag-ulan. Ayon sa aking masusing pananaliksik (anu daw?),ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit na anong puno dahil puno ng limestone ang ilalim nito. Ows, talaga?  Naalala ko bigla ang Science lesson namin noong Elementrary, HighSchool at pati na noong College ang tungkol sa iba't ibang uri ng rocks..

Sige nga, sagutin ang tanong:

Anong uri ng rock ang Limestone?
a. Igneous Rock
b. Sedimentary Rock
c. Metamorphic Rock
d. None of the Above

Isip..isip.

At balik tayo sa usapang Chocolate Hills. Noong musmos pa ako, Kinder pa ata ako noon, dalawang dekada na ang matuling lumipas, naririnig ko ang kwento-kwento ng aking mga magulang pati na rin ng mga ka-tsismisan ng mama ko ang tungkol dito. Akala ko noon, nakakain talaga ang Chocolate Hills dahil ito ay isang uri ng tsokolate. Hindi pala.

Gusto mo bang marating ang Chocolate Hills?
Simple lang. Dahil ang Bohol ay isang malaking isla, kailangang sumakay ng eroplano o di kaya'y barko kung ikaw ay manggaling sa ibang lalawigan. Pero mas advisable na sumakay ng eroplano dahil wala pang isang oras ay nasa Tagbilaran Airport ka na. Kung barko naman, tiyak aabutin ka ng bente hanggang bente-kwatro oras na paglalayag sa karagatan kung ika'y sa Maynila pa mangagaling. Kapag nasa Tagbilaran Airport ka na, mga 60 kms pa ang byahe mo bago mo masilayan ang magandang tanawin. Pwedeng kotse, van o bus ang maghahatid sa'yo sa Chocolate Hills. Diskarte mo na lang pa'no ang sasakyan at tutuluyan mo. Sa katunayan, marami namang package deal na nagkalat d'yan sa internet. Kapag nasa Chocolate Hills ka na, ikaw na ang bahalang humusga....

Sa totoo lang,nakakalungkot isipin na sa haba ng walong taong pamamalagi ko sa lalawigan ng Bohol at sa lapit ng isang oras na biyahe mula Tubigon hanggang Carmen ay ito lang ang masasabi ko:

HINDI PA TALAGA AKO NAKAPUNTA SA CHOCOLATE HILLS....PRAMIS.

3 comments:

Anonymous said...

ahaha! doon pala ang sa inyo... at bait di ka pa nakakapunta sa chocolate hills? naman...

nakikita ko lang ang hills sa eroplano, hehe. di pa rin ako nakakapunta, baka next year. :)

NoOtherEarl said...

Sabi nila maganda daw.
Kapag nakauwi ako ng Bohol, try kong pumunta. Try lang. Malayo kasi yan sa amin.haha.

Pumunta ka next year. Baka maunahan mo pa akong makita sa 'personal'ang mga hills.

Unknown said...

saan makikita ito?