Showing posts with label opisina. Show all posts
Showing posts with label opisina. Show all posts

Thursday, July 26, 2012

Ang Nawawalang Pedestal

Umagang-umaga ay 'yon agad ang aking napansin. Parang may kulang. Parang may nawawala. And oh no, 'asan ang pedestal ko dito?

Ganito kasi 'yon.
Lunes, nilipat ko ang pedestal 124 sa bago kong relocation area.
Martes, napunta sa kung kaninong pwesto kaya kinuha ko ulet at dinala sa pwesto ko
Miyerkules, nawawala na.
Huwebes, nawawala pa rin at kasalukuyan kong pinaghahanap
Biyernes, sana mahanap ko na

Saturday, July 21, 2012

Resignation Letter 2


***

Muntik ko ng maipasa 'to noong mga panahong nagtitiis sa kirot at hapdi ng karamdaman. Bigla na lang nagbago ang aking isip dahil na-realize ko na hindi pa ito ang takdang panahon at darating din tayo d'yan.

Mabuhay ako!!!

Friday, July 13, 2012

Three Years

July 13,2009 to July 13,2012. Three years na akong alipin empleyado ng dambuhalang bangkong ito.

At nais ko lang balikan ang mga masasaya, malulungkot at nakakainis na mga eksena sa buhay ko sa loob ng tatlong taon bilang isang bangkero.

1. Na-interview ako sa loob ng Jaka building sa Makati. Ipagpaumanhin at hindi ko mapigilan ang sarili sa paglait sa nasabing building. Mainit ang lobby area, hindi gumagana ang ibang elevators, luma na at mukhang fully-depreciated (laspag na laspag) at konti na lang ang salvage value sa katapusan ng kanyang buhay. Dahil d'yan, naimbento ang bansag na 'Chaka Building' .Pero sa kabila ng lahat, memorable para sa akin ang building na 'yon dahil dun nagsimula ang lahat. Tatlong set of interviews ang pinagdaanan ko. In-interview ako ng Vice President (VP), ng Assistant Vice President (AVP) at ng Process Manager (PM) sa magkakaibang araw. Kaya pabalik-balik ako sa Chaka building.

2. Hindi ako pumayag na ilagay sa kol sintir ng bangko. Mas bagay daw ako dun dahil may 2 years call center experience ako at mas mataas daw ang sahod sabi ng HR manager. Over my dead and beautiful body! Sumumpa na ako na hindi na kailanman babalik pa sa kalait-lait na mundo ng kol sintir.

3. Patience is a virtue.Naghintay ako ng mahigit isang oras sa loob ng maliit na room na 'yon para sa job offer at mukang nakalimutan na akong balikan ng HR manager.  Dalawang buwan din akong naghintay bago nakapagsimula sa trabaho. Buwan ng Mayo ako nag-apply pero Hulyo pa ang start date.


4. Isang malaking problema ko ang isusuot. Pormal-pormalan kasi ang drama. At hindi nauso sa buhay ko ang magsuot ng longsleeves/shortsleeves at slacks sa opisina. At sa putik na kol sintir kung saan ako nanggaling, hindi rin uso ang ganung suot dahil simpleng shirt at jeans ay pwede na.

5. Marami akong mga naging kaibigan sa training at kumakain kami ng lunch ng sabay-sabay. At lunch pa rin ang tawag kahit sa gabi na kumakain.


6. Pinaka-ayaw namin dumating ang Biyernes dahil exam day at pinapatawag sa principal's office ang mga mabababa ang scores. Isang beses kong nai-perfect ang exam at feeling ko, ang tali-talino ko na. Kahit papano, sumikat din ako!  Pero bumagsak naman ako sa ika-sampung exam at feeling ko ang bobey ko talaga.
7. Pinagalitan ako ng isang SME (subject-matter expert daw), babaeng indian na mahilig magsuot ng itim  kaya halata tuloy na may kung ano na nahuhulog galing sa kanyang buhok.

   SME: Elton come here. Why did you do this?
   Ako: I thought what I did is right.
   SME: No, no. That's wrong.

At simula noon, hindi na ako pwedeng makialam sa account na 'yun. Nadala sila sa kamalian ko.

8. Kumakain ako ng lunch sa cafeteria nang minsang sinugod ng poging manager. Kailangan ko daw tapusin ang ginagawa dahil may deadline. Ang kawawang ako, itinigil ang pagkain at tinapos ang dapat tapusin. Nawalan na tuloy ako ng gana.

9. Maraming beses akong natakot i-press ang 'enter' sa pag-process ng transaction lalo na kapag hindi ako sure na sure sa ginagawa ko. Akala ko kasi kapag na-enter mo na, hindi na madi-delete. Ang hindi ko lang alam, pwede pa lang i-delete kapag nagkamali.

10. Pinasikat ko ang mga linyang, 'And that is correct!', 'Your sorry will not bring me to London!', 'Bakit? Maganda ka ba?', at 'Nakaka-stress sa bangs!' May kanya-kanyang kwento ang mga linyang ito.

11. Nakatanggap ako ng 'Pringles award' ng dalawang beses. Ito ay award na binibigay sa mga magagaling sa team at sipsip sa manager. At ang premyo ay pringles.

12. Feeling ko lang nainggit sa akin mga officemates dahil lagi akong binibigyan ng projects ng manager. Tanggap naman ako ng tanggap at hindi nagrereklamo. Ginagawa ko naman ang lahat sa abot ng aking makakaya.

13. Nawala ako sa Baguio noong minsang may team outing kami. Hinanap nila ako ng mahigit isang oras at galit na galit sa akin lalo na 'yung TL ko dahil kung saan-saan daw ako nagpupunta at uuwi na kami dapat. Muntik na akong maiyak nun. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin inaaming kasalanan ko. Sila pa ang sinisi ko dahil iniwan nila ako. So,ang lumalabas eh kasalanan pa nila.

14. Bitter ako nung hindi matanggap as TL sa sariling team. Na-promote kasi 'yung TL as manager. Dapat ako ang next in line pero sa kabilang team sila kumuha ng kapalit. At ang kapalit ay matabang panget na maitim.

15.Hindi na ako bitter nung hindi natanggap as TL for the second time na nag-apply ko dahil alam kung sa umpisa ka lang ay .01% na ang tsansa kong matanggap. Sumakay lang ako sa laro na sinimulan nila.

16. Tuwang-tuwa naman ako dahil hindi ko inasahan nang ipinaghanda ako ng cake at spaghetti na binili sa Red Ribbon noong pumasa sa CPA Board exam. Salamat kay AVP (ngayon VP na siya sa ibang team). Tats ako. Sobra.

17. Fan ako ni Coco Martin at alam 'yan ng management.

18. Kahit maraming workload, pinayagan akong mag-half day ng manager para manood ng concert ni Markki Stroem and other PGT finalists. Very supportive lang!

19. Bitter na naman ako ulit. Dahil nag-apply ako ng TL sa isang newly-organized team. Tuwang-tuwa ako ng sinabing tanggap ako. Pero nang dumating ang oras ng pirmahan ng kontrata, napag-alaman kong hindi pa daw pwede akong maging TL dahil may bagong HR policy na ayaw ko ng ipaliwanag pa dahil nakakainis talaga. Pera na sana naging bato pa. Masarap ibato ang bato sa noo sa kung sinumang HR ang gumawa ng policy na 'yun na ayaw ko ng ipaliwanag pa. Tinanggap ko ang offer kahit hindi TL post (one level down lang) dahil morning shift ito at mukhang promising naman.

20. Nasa malubhang kalagayan ako at out of the office for more than a month. Dinaig ko pa daw si Elisa sa pagkawala. Nag-alala na silang lahat ('yung iba panggap lang).

21. Sayang 'yung opportunity na nawala sa akin. Ako sana ang ipapadala sa HongKong para sa isang training pero dahil sa number 20, hindi ako natuloy. Si George ang pumalit sa akin at dahil dun, isinumpa ako. Ayaw niya sana pero wala na siyang magagawa pa dahil wala ng ibang pwede kundi siya lang. Pero nag-sorry naman ako dahil hindi ko naman kasalanan ang lahat ng mga nangyari.

22. Muntik na akong magpasa ng resignation letter at magsimula ng panibagong buhay sa probinsiya. Nagbago ang ihip ng hangin at hindi na itinuloy dahil sa tindi ng pangagailangan ng salapi.

23. 'Yung ibang mga eksena ay nakalimutan ko na. Pero isa lang ang tiyak ko, ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko ay nakatulong ng malaki sa kung ano at sino ako ngayon, isang superbaet at supergenius na nilalang sa mundo ng mga tao.Haha.

Monday, July 9, 2012

Husgahan mo ako!

Dumating na naman ang judgment day. Ang araw na huhusgahan ako bilang isang empleyado ng dambuhalang bangkong ito.

Mid-year Performance Evaluation na!

Hindi naman ako kinabahan. Hindi rin excited. Na-amaze lang ako sa mga ipinakitang mga grades sa scorecard. Parang school lang at may grading system pang nalalaman. May matataas na grades at meron ding mabababa.

At superbaba ako sa attendance. Ang hirap naman kasi gumising ng maaga. Alas-sais ng umaga ang pasok ko. Magpuyat man o hindi, late pa rin gumising, ano ang aasahan mo? Atsaka, late rin naman pumapasok ang mga boss. They should serve as role models, di ba? Pero mali pa rin pala ang paniniwalang okay lang ang ma-late dahil late rin ang mga boss mo.

Hindi ko na kinuwestiyon ang aking mga grades. Mas pinili kong manahimik na lamang dahil baka bawasan pa. Alam mo naman, uso din ang dagdag-bawas. At saka, hindi ako naniniwala na sa grades nakikita kung gaano kagaling ang isang empleyado. Dahil tulad ng grades sa recitation sa school, hinuhulaan lang din 'yan.

Basta ang importante, ginagawa ko ang trabaho ng super-ayos at bonggang-bongga.

Friday, June 15, 2012

Holdap 'to!

Nais ko lang ibahagi ang kwento ng isang opismeyt na naholdap.
Ingats ingats po tayo.

Narito ang kanyang kwento....

Date happened: June 14, 2012

Time: Around 4:00 AM

Litratong kuha sa http://www.mylot.com/
Nakakuha ako ng taxi sa harap ng Harvest, The Fort. I felt relieved that time na ang nakuha kong taxi ay MGE, popular to be the safe taxi. Nung nasa Estrella na kami (whic is approx. 2 min ride from my office), nakaramdam na ako na parang may mali. Hindi ko mapara yung taxi kasi may kadiliman sa Estrella para magpababa. After 1-2 minutes, nakarating na kami ng Guadalupe. Gustong-gusto ko ng bumaba. Kaya naman tinawagan ko yung friend ko na kunwari bigla ko siyang imi-meet. Hindi na ako natakot ilabas yung phone ko kasi alam kong alam nung driver na may phone akong dala since bago ako sumakay, gamit ko yung phone ko pang-BBM sa isa kong team mate na mauuna na ako.

Napakabilis lang ng biyahe mula Guadalupe hanggang lampas nang kaunti sa Boni MRT Station since wala pang sasakyan sa EDSA ng 4AM. Sa tansya ko, halos magiisang minuto pa lamang nung kausap ko ang tinawagan kong kaibigan nang sabihin kong bababa na ako. Sabi ng driver sa akin,"Ah bababa ka na?" At dinaan niya sa papuntang Shaw tunnel/underpass kung saan private vehicles lang ang dumadaan (after ng tunnel labas ay Megamall na). Ngunit hindi kami nakarating ng Megamall dahil itinigil niya ang sasakyan sa gitna ng tunnel na malalim. Dito na niya ako tinutukan ng itak na sobrang laki.

Gamit ang kanyang malalaking mga braso, una niyang sinuguradong hindi ako makakagalaw dahil hawak-hawak na niya ang leeg ko. Sabi niya, "Putang ina mo, PAPATAYIN kita." Pag katapos niya itong sinabi, in-incline niya ang upuan na halos ako na ay nakahiga sabay kuha ng aking bag (leather postman bag, color black). Nasa loob ng bag ang wallet ko na may lamang pera, 2 ATM cards, 2 IDs, 2 Credit cards). Hinablot niya rin ang phone ko (Blackberry) na nasa linya pa ang kaibigan ko. Rinig na rinig lahat ng ginagawa sa akin ng kaibigan ko. Kinapa ng driver na holdupper ang lahat ng mga bulsa ko at kinuha pati na ang mga barya. Ang alam ko may 70+ ako sa bulsa (isang 50, isang 20 at ilang coins). Nagmamakaawa ako na bigyan ako kahit pang-bus lang pauwi. Pero hindi niya ginawa.

Nang makasiguro na siya na wala nang laman ang mga bulsa ko, sinabihan niya ako na, "Putang ina mo bumaba ka na. Wag mo akong titignan. Wag mo akong mumukaan." Bumaba ako sa gitna ng malalim na tunnel sa Shaw. Walang dumadaan doon kundi private vehicles kasi ang mga pampasaherong sasakyan ay sa itaas dumadaan. Nilakad ko paakyat hanggang makarating ako ng EDSA kung saan may mga bus na. Humingi ako ng tulong sa guard na malapit sa isang call center (Teleperformance) sa Shaw. Nagpatulong akong makahanap ng telepono para makatawag ako sa bahay. Salamat naman sa Diyos, nakauwi ako nang ligtas.

Sunday, May 27, 2012

Bawal na ang sagot na 'Oo'

Minsan kailangan mo talagang mag-give up. Hindi dahil 'yun ang tama. Dahil 'yun ang hinihingi ng pagkakataon. Para kang nasa daan na hindi alam kung kakaliwa o kakanan o magpapasagasa na lang. Pero sa bandang huli, magpapasagasa ka na lang talaga!

Tinanong ako: Tutuloy ba ako sa training sa HongKong o hindi?  'Okay lang' tapos bigla akong nag-oo tapos hanging muna ang sagot ko. Kunwari wala pa akong sagot. Hihintayin muna ang resulta ng xray at CBC. Na makalalipas ang isang linggo, napag-alamang maysakit ako. Kaya hindi na ako tumuloy sa HK. Medyo handa pa naman ako at naka-set na ang utak ko na pupunta ako dun. Ipapakain ko na lang sa pusang itim ng kapitbahay namin ang Visa label ko. Hindi ako bitter, ha. Sadyang hindi ko lang tanggap ang sakit na ito.

Nagsasawa na ako, puro kadramahan ko na lang sa sakit ang mga post ko lately. Parang wala na akong maisip na ibang ikwento o pag-usapan. Marahil ay dahil sa dami ng gamot na pinainom sa akin at sa tusok ng karayom , feeling ko naapektuhan ang takbo ng pag-iisip ko.

Wednesday, May 16, 2012

Oo nga pala, Maraming Bukas!

Sabi ko kahapon, ngayon ako pupunta sa opis. Hindi natuloy. Mahirap palang maglakad-lakad na maysakit. Sa hagdanan pa lang ay hinihingal na ako. Parang hindi ko yata kaya.

Iniisip kong sa email na lang ipapadala. Para mas madali ang buhay. At saka na ako magpapakita kapag kayang-kaya ko na talaga. Pero parang nahihiya ako kung sa email lang, masyado atang informal.

Susubukan ko bukas.

Tuesday, March 20, 2012

Hawla

Hinihintay ko na lang ang approval ng training visa ko for Hong Kong. Dapat akong matuwa dahil mabibigyan ako ng pagkakataong magkapagtrabaho abroad kahit ilang buwan lang. Ang dapat ay hindi dapat. May mga plano na ako sa buhay bago pa man sumingit ang training na ito. Planong mag-move on sa iba, magpakalayo-layo, hahanap ng tinatawag nilang greener pasture, 'yung may career growth at very promising compensation. Magta-tatlong taon na ako sa kompanyang ito at wala man lang magandang nangyari.  Kasi naman sa corporate world, marami ding politicians na ang sarap pag-uumpugin. 'Yung tipong sino 'yung ka-close at favorite, siya ang ipo-promote, kahit na hindi dapat, pinipilit kahit hilaw pa sa kakayahan at kaalaman. Ganito talaga sa lipunang ginagalawan natin, kaya tanggapin na lang natin. It's okay to feel bitter. In few days, lilipas din naman 'yan. Ako naman kasi, masyadong ambisyosong maabot ang mga bituin sa langit. Sana lang hindi ako babagsak sa kangkungan.

Monday, March 5, 2012

Up and Down

Pagpasok

Madilim ang ang aking natatanaw.Tinulak ko ang sliding door.Dahan-dahan. Gusto ko sanang gayahin 'yung mga eksena sa mga horror movies. Na malapit na sa'yo ang monster pero hindi mo pa mabuksan-buksan ang pinto. Wala lang.Naisip ko lang. Isang katangahan for a quick moment.

Thursday, March 1, 2012

Nagtatanong ang Isip

Hindi ko na talaga ano ang nangyayari o mangyayari sa career ko. Ayon sa isang masusing pananaliksik ng seatmate kong si George sa mga files sa shared drive, una niyang napag-alaman, at sinabi sa akin na wala na ako sa latest organizational chart ng team namin. Confirmed. Wala na nga nang tsinek ko. Bakit ganun? At ito pa, to be released na pala ako to a different process/team.

Sunday, December 11, 2011

Honda-Dot Award!

Mr. Honda-Dot: Alas-Dos Na Award

is hereby presented to

Elton Johan Martin

Tuesday, September 27, 2011

Hindi Lalaban Ang Payong Ko Pedring!


Litratong hango sa www.talakayanatkalusugan.com
 Alas kwatro y medya ng madaling araw.Tumunog ang alarm clock.Nagising ako.Bumangon.Binuksan ang ilaw.Kinuha ko ang alarm clock.Ini-off para tumigil na sa pag-iingay.Tahimik na ulit.Humiga ulit sa kama. Malamig, pinindot ko ang off button ng electric fan.Nagkumot.Bukas pa pala ang ilaw.Bumangon ulit.Dilim.Binalot ang sarili ng kumot.Ipinikit ang mga mata.Tulog.