Ingats ingats po tayo.
Narito ang kanyang kwento....
Date happened: June 14, 2012
Time: Around 4:00 AM
Litratong kuha sa http://www.mylot.com/ |
Napakabilis lang ng biyahe mula Guadalupe hanggang lampas nang kaunti sa Boni MRT Station since wala pang sasakyan sa EDSA ng 4AM. Sa tansya ko, halos magiisang minuto pa lamang nung kausap ko ang tinawagan kong kaibigan nang sabihin kong bababa na ako. Sabi ng driver sa akin,"Ah bababa ka na?" At dinaan niya sa papuntang Shaw tunnel/underpass kung saan private vehicles lang ang dumadaan (after ng tunnel labas ay Megamall na). Ngunit hindi kami nakarating ng Megamall dahil itinigil niya ang sasakyan sa gitna ng tunnel na malalim. Dito na niya ako tinutukan ng itak na sobrang laki.
Gamit ang kanyang malalaking mga braso, una niyang sinuguradong hindi ako makakagalaw dahil hawak-hawak na niya ang leeg ko. Sabi niya, "Putang ina mo, PAPATAYIN kita." Pag katapos niya itong sinabi, in-incline niya ang upuan na halos ako na ay nakahiga sabay kuha ng aking bag (leather postman bag, color black). Nasa loob ng bag ang wallet ko na may lamang pera, 2 ATM cards, 2 IDs, 2 Credit cards). Hinablot niya rin ang phone ko (Blackberry) na nasa linya pa ang kaibigan ko. Rinig na rinig lahat ng ginagawa sa akin ng kaibigan ko. Kinapa ng driver na holdupper ang lahat ng mga bulsa ko at kinuha pati na ang mga barya. Ang alam ko may 70+ ako sa bulsa (isang 50, isang 20 at ilang coins). Nagmamakaawa ako na bigyan ako kahit pang-bus lang pauwi. Pero hindi niya ginawa.
Nang makasiguro na siya na wala nang laman ang mga bulsa ko, sinabihan niya ako na, "Putang ina mo bumaba ka na. Wag mo akong titignan. Wag mo akong mumukaan." Bumaba ako sa gitna ng malalim na tunnel sa Shaw. Walang dumadaan doon kundi private vehicles kasi ang mga pampasaherong sasakyan ay sa itaas dumadaan. Nilakad ko paakyat hanggang makarating ako ng EDSA kung saan may mga bus na. Humingi ako ng tulong sa guard na malapit sa isang call center (Teleperformance) sa Shaw. Nagpatulong akong makahanap ng telepono para makatawag ako sa bahay. Salamat naman sa Diyos, nakauwi ako nang ligtas.
No comments:
Post a Comment