Showing posts with label Trip na Trip. Show all posts
Showing posts with label Trip na Trip. Show all posts

Sunday, November 13, 2011

Gusto Mo Bang Kumita?


S'yempre, isang malaking OO ang sagot sa tanong na 'to.

Paano?

Simple lang. Tutulungan ka ng VMobile Technologies, Inc.

Paano nga?

May dalawang paraan:

1. Pwede kang magbenta ng load gamit ang isang SIM para sa lahat ng networks (Retailer/TechnoUser)
*Bumili lang ng Access Card sa kahit kaninong VMobile Dealer/Technopreneur sa halagang Php 250
*Bumili din ng load para ibenta. Php 300 lang pwedeng-pwede ka nang magnegosyo gamit ang cellphone mo!
*Kung hindi mo trip magnegosyo, ayos lang din! Gamitin mo na lang ang Access card at load wallet for personal consumption, may DISCOUNT ka pa!


2. Pwede kang maging isang Technopreneur o Dealer.
*Panoorin na lang po ang video para sa makabuluhang paliwanag.

Pindutin lang ito para mapanood ang video
Kung trip mo pwede din kitang samahan sa isang Business Oppurtunity Meeting. Trip trip lang. Text me na lang po sa 0906-507-8186 para sa mga karagdagang impormasyon.
*************************************************************

Nga po pala,

For Sale:


Access Cards for Load Retailers


Original Price- Php 250


Discounted Price- Php 150


If interested, text me at 0906-507-8186 so we can talk about it!

Monday, September 12, 2011

Sumayaw, Sumunod

Gaya ng lagi kong ginagawa, dadaan muna ako sa Market Market pagkatapos ng isang makasaysayang pagpapanggap sa opisina. Palibhasa petiks mode lagi, na wish ko lang ay tuluy-tuloy na. Ayon sa isang ka-opisina, dapat daw akong parangalan na ‘Best Employee of The Year in a Most Pretending Role’. Okay na ang award na yun kesa naman ‘Most Stressful Employee of The Year’ ang igawad pa sa akin.

Friday, July 22, 2011

The Octopus Challenge

Trip mo bang kumain ng tentacles ng Octopus?


Siya, OO!

Pero napilitan lang....


Siya ang bidang lalaki sa 'Hello Stranger'

Sunday, July 17, 2011

One Party Night at 7th High

At 7th High Club
Bihira lang ako pumupunta sa mga bars o clubs dito sa Maynila.Siguro kasi besing-besi ako sa pagrerebyu dati kaya pati gimik ay nabawas-bawasan. Pero ngayon, handa ko ng harapin ang mundo ng galaan at gimikan ng buong laya at walang pag-aalinlangan.

Dalawang taon na kami sa kompanya, good thing sagot ng managers ang gastos sa party. Maghahating-gabi na nang dumating ako kasama ang tatlo ko pang opismeyts sa 7th High sa The Fort. Kagagaling lang namin nanood ng last full show ng Harry Potter 7 sa Market Market Mall.
Kasama kami sa guest list kaya naman walang bayad.

"Sir, ilang taon na kayo?" tanong ng lalaki na nagbabantay sa may entrance area. Para lang din kasi akong bata at marahil akala niya ay menorde-edad lang ako. Siyempre, may rule yata sila na hindi pinapapasok ang mga menorde-edad. Simpleng checkered polo at jeans ang suot ko.

"Twenty plus," sagot ko naman. Na mukha namang naniwala kaya hinayaan na akong makapasok.

Naka-dalawang baso lang ako ng kung anong alak na 'yon na pinainom ng mga kasamahan ko sa akin. Konting-inom. Sayaw. Sayaw. Sayaw. Maingay sa loob ng bar. Hindi magkarinigan kung mag-uusap dahil nga sa lakas ng musikang pumapailanlang sa ere. Maraming tao. Mga seksing babae na kinulang sa saplot sa katawan at puno ng make-up ang mukha. Mga lalaki naman, kanya-kanyang paporma. Iba't ibang lahi.Hindi lang Pinoy. May Kano, negro atbp.

Sayaw lang ako nang sayaw. Hanggang sa mapagod. Pahinga ng konti. Balik sa dance floor. Sayaw na naman. May mga babaeng gumigiling sa stage. Paiba-iba. Yung iba marahil bumababa kapag pagod na. Tapos iba na naman. Pinagtitinginan. Pinagpapantasyaan ng ilan.

Maraming sumasayaw na parang wala ng bukas. At isa na ako doon. Minsan lang ako nakakapunta sa ganitong lugar.Kaya itinodo ko na. Nabubunggo ako ng ilan. Deadma lang. Patuloy pa rin sa pag-indak.

Marami ang nalasing. Marami ang napagod. Pero hindi ako nalasing kasi konti lang nainom ko. Maayos pa rin akong nakauwi ng bahay ngayon lang at gumawa nitong blog entry.

Antok na ako. Tulog muna.

Thursday, July 14, 2011

Harry Potter: IT ALL ENDS

Ang lahat ay may katapusan.
Just can't believe na matatapos na ang Harry Potter.
 I love to watch the movie this weekend and see how it goes!
Never read the book so totally I have no idea on its ending.


Thursday, April 21, 2011

Excited sa UBBE Magalawa Island


UBBE Magalawa Island

May 28-29, 2011
Zambales, Philippines


Here’s a new destination for all of you beach bummers!


Tucked in northern Zambales, Magalawa Island beckons with its white sand beaches and flourishing marine life. So lather up on the sunblock, pack your boardshorts and take on this beach adventure! UBBE Magalawa Island, another ultimate trip brought to you by Travel Factor!


Antagal pa ng May 28. Excited na ako dito! Can't wait!



Saturday, April 9, 2011

Pinoy Henyo:Majella

Sabi nga nila:“Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.”

Parang kailan lang, naglaro tayo ng Pinoy Henyo, ikaw ang nanghuhula, ikaw ang nag-iisip. Oo, hindi at pwede lang ang pwede naming isagot. Pero sa huli, nakuha mo pa rin ang tamang sagot: COCO MARTIN. Masaya. Nakakalungkot mang isipin na malabo ng muling maibabalik ang saya ng kahapon. Iba na. Iba na ang mundong tatahakin mo. Iba na rin ang mundong tinatahak ng iba. Subalit ganun pa man, nag-iwan ka naman ng bakas na hindi maiwawaglit sa puso at isipan ng bawat isa, panoorin na lang ang video.




Biyaheng The Fort

BONIFACIO GLOBAL CITY, TAGUIG o mas kilala sa tawag na THE FORT.
Hindi pinapahintulutan ang mga jeep na pumasok sa loob ng The Fort. Marahil ay gusto ng pamunuan na mapanatiling maayos ang lugar, hindi masyadong puno ng sasakyan at malinis ang nalalanghap na hangin. Alam naman nating hindi kanais-nais ang usok na binubuga ng mga jeep na isa sa mga dahilan ng polusyon sa hangin. Dahil sa mga benipisyong ito, nakakaranas naman ng kabigatan sa bulsa ang mga mamamayang nagko-commute papasok sa opisina. Pero hindi nagtagal, nabigyan din ito ng solusyon ng pamahalaan dahil sa pagsulpot ng E-Trike.

***

The Fort Bus

Ang Fort Bus. Dahil nagtaasan na ng pamasahe, hindi rin naman nagpahuli sa pagtaas ang The Fort Bus. Dating  11 pesos, ngayon ay 12 pesos na.  May biyaheng Market- Market to Ayala (vice versa) ,biyaheng Market-Market to Bonifacio Global City (BGC) (vice versa din) at biyaheng Ayala to BGC (vice versa din).  Pero kelangang mag-antay pa rin ng ilang minuto sa terminal lalo na kapag wala pa ang bus. Ang mga biyaheng ito ay hindi masyadong mabilis magpatakbo. Para lang kasi silang namamasyal habang nagbi-byahe. Kelangan ding huminto sa mga hintayan ng bus, may pasahero mang nag-aantay o wala. Idagdag pa ang dami ng stoplights. Halos lahat ata ng kanto ay may stoplights. Sa oras ng kagipitan, yon bang mali-late ka na sa trabaho, kung sa The Fort ka sasakay, siguradong late ka na kaya 'wag ka ng umasa. Mga 15-20 minutes ang byahe at kapag natyimpuhang laging napapahinto dahil nag-RED na ang kulay ng Stoplight bawat kanto, marahil ay aabutin ng 30 minutes.

Para sa karagdagang impormasyon sa ruta ng The Fort Bus, KLIK DITO!  At may The Fort Bus Facebook Fanpage din sila.

***

Litratong Hiram sa http://www.silent-gardens.com/img/taxi-1.jpg
Ang Taxi. Isa pa 'to! Nagtaas na ng flagdown rate mula 30 pesos to 40 pesos, at di pa nakuntento nagtaas pa ng rate per km (tama ba?), piso ang dinagdag. Luging-lugi na nga ako sa pagtatrabaho kasi nga late na ako nagigising at sa oras ng kagipitan,  taxi ang lagi kong naaasahan. 'Yong nga lang, talagang butas ang bulsa ko. Kasalanan ko din naman eh. Sarap kasi matulog eh at medyo nakakapangwalang-ganang pumasok minsan.  'Yong ibang taxi driver, kulang pa kung manukli o nagpapadagdag pa ng bayad. Kaya naman lagi kong nirereport sa hotline ang ganun kapag naiinis ako. Hindi ko lang alam kung inaaksyunan ba talaga 'yon.

***

 
Litratong Hiram sa http://americanindavao.com/blog/wp-content/uploads/2009/04/motorcycle.jpg
Ang Habal-Habal. Ayon,super-maaasahan sa oras ng malapit ka ng ma-late. Medyo mura pa kesa taxi pero medyo mahal kesa The Fort Bus. Nakakatakot nga lang sumakay dito dahil mabilis sila magpatakbo. Sa halagang bente-singko o trenta isang byahe, baon mo naman ang pangambang baka ka mahulog o madisgrasya. Kaya superdasal ako kapag sumasakay nito.

***


E-TRIKE

AT SYEMPRE PA, kung pamurahan ng pamasahe ang pag-uusapan, walang binatbat ang Taxi, The Fort Bus at Habal- Habal sa E-TRIKE o Electric Tricycle. Sa halagang LIMANG PISO ay makakasakay ka na. Dati libre lang 'to o pwede nga kahit magkano lang daw ang ibabayad. Ang biyahe nito ay mula Market-Market hanggang looban ng The Fort (31st St  'yong sa harap ng Chowking). Walo ang pwedeng pasahero nito. Environment-friendly at walang gas emissions.Nakakatuwa pang sumakay dito dahil sa iba't ibang kulay nito. Pero hindi ito advisable sakyan para sa mga nagmamadali dahil hindi ito masyadong mabilis bumiyahe.

Ayon, kung ikaw ay mapadpad sa magandang lugar namin sa The Fort, may ideya ka na kung ano ang pwedeng sakyan.

Sakay na!