Sunday, July 17, 2011

One Party Night at 7th High

At 7th High Club
Bihira lang ako pumupunta sa mga bars o clubs dito sa Maynila.Siguro kasi besing-besi ako sa pagrerebyu dati kaya pati gimik ay nabawas-bawasan. Pero ngayon, handa ko ng harapin ang mundo ng galaan at gimikan ng buong laya at walang pag-aalinlangan.

Dalawang taon na kami sa kompanya, good thing sagot ng managers ang gastos sa party. Maghahating-gabi na nang dumating ako kasama ang tatlo ko pang opismeyts sa 7th High sa The Fort. Kagagaling lang namin nanood ng last full show ng Harry Potter 7 sa Market Market Mall.
Kasama kami sa guest list kaya naman walang bayad.

"Sir, ilang taon na kayo?" tanong ng lalaki na nagbabantay sa may entrance area. Para lang din kasi akong bata at marahil akala niya ay menorde-edad lang ako. Siyempre, may rule yata sila na hindi pinapapasok ang mga menorde-edad. Simpleng checkered polo at jeans ang suot ko.

"Twenty plus," sagot ko naman. Na mukha namang naniwala kaya hinayaan na akong makapasok.

Naka-dalawang baso lang ako ng kung anong alak na 'yon na pinainom ng mga kasamahan ko sa akin. Konting-inom. Sayaw. Sayaw. Sayaw. Maingay sa loob ng bar. Hindi magkarinigan kung mag-uusap dahil nga sa lakas ng musikang pumapailanlang sa ere. Maraming tao. Mga seksing babae na kinulang sa saplot sa katawan at puno ng make-up ang mukha. Mga lalaki naman, kanya-kanyang paporma. Iba't ibang lahi.Hindi lang Pinoy. May Kano, negro atbp.

Sayaw lang ako nang sayaw. Hanggang sa mapagod. Pahinga ng konti. Balik sa dance floor. Sayaw na naman. May mga babaeng gumigiling sa stage. Paiba-iba. Yung iba marahil bumababa kapag pagod na. Tapos iba na naman. Pinagtitinginan. Pinagpapantasyaan ng ilan.

Maraming sumasayaw na parang wala ng bukas. At isa na ako doon. Minsan lang ako nakakapunta sa ganitong lugar.Kaya itinodo ko na. Nabubunggo ako ng ilan. Deadma lang. Patuloy pa rin sa pag-indak.

Marami ang nalasing. Marami ang napagod. Pero hindi ako nalasing kasi konti lang nainom ko. Maayos pa rin akong nakauwi ng bahay ngayon lang at gumawa nitong blog entry.

Antok na ako. Tulog muna.

2 comments:

Anonymous said...

haha, nakapag-blog pa after gumimik, ang galing! buti, nag-enjoy ka...

hello, elton, kumusta? :)

NoOtherEarl said...

hahaha...xempre po. di naman ako naglasing masyado kaya medyo matino pa...haha

ayos lang naman po ako...Good vibes everyday! hehe ^.^