Para sa akin, hindi kumpleto ang pagkatao ng isang Accountancy graduate kung hindi CPA. At kulang sa rekado ang isang CPA kung hindi nakapag-Oath Taking. Dati isang pangarap lang ang pagiging CPA, at nagpapasalamat ako ng sobra-sobra sa tulong ng Poong Maykapal dahil ang isang pangarap ay nabigyan ng katuparan.
Heto ako, tapos ng manumpa . Hulyo 8, 2011,naka-barong for the first time in my whole life,habang nakataas ang kanang kamay, kasama ang ilan sa 2130 new CPA’s, sa harap ng mga makapangyarihang tao sa tanggapan ng PRC, BOA at PICPA, ako ay taimtim na namunumpa na itataguyod ko at ipagtatanggol ang Saligang Batas ng Pilipinas;na ako’y tunay na mananalig at tatalima rito; na susundin ko ang mga batas, mga utos na legal, at mga atas na ipinahayag ng mga sadyang itinakdang may-kapangyarihan ng Republika ng Pilipinas, at kusa kong babalikatin ang pananagutang ito, nang walang ano mang pasubali o hangaring umiwas.
Taimtim pa rin akong nanunumpa na sa lahat ng panahon at pook na kinalalagyan ay mahigpit akong manghahawakan sa mga etikal at tuntuning propesyonal ng mga Certified Public Accountants sa Pilipinas, at matapat kong gagampanan nang buong husay sa abot ng aking makakaya ang mga tungkulin at pananagutang iniatang sa isang itinakdang Certified Public Accountant.
It’s official.CPA na talaga ako. Masaya.Nakakaiyak din kung babalikan ko ang mga pangyayari ng nagkaraan. Hindi rin naman biro ang mga pinagdaan ko makuha lang ang titulong ito, habambuhay ko itong iingatan at proud ako dito.
Heto ang Programme:
Processional
Invocation Hon. Jose S. Tayag Jr.
National Anthem
Opening Remarks Hon. Rufo R. Mendoza
Message from the Commission Hon. Teresita R.Mananzala
Introduction of Guest Speaker Hon. Ma. Elenita B Cabrera
Inspirational Message Atty. Hermogenes P. Pobre, President of Manila Bulletin
Musical Intermission
Presentation of Awards to the CPA Board Topnotchers
Oath-taking and Induction
As CPA Hon. Eugene T. Mateo
As Members of PICPA Ms. Josefina G. Chua
Response Mr. Marwin Baldevia, CPA, May 2011 1st Placer
Closing Remarks Hon. Luis A Canete
Base sa criteria: With 50 or more examinees and with at least 80% passing percentage, walang qualified as top performing schools for May 2011 CPA Board exams. 17 CPA’s naman ang pasok sa Top 10. Congrats sa inyo! Minsan pinangarap ko din na makapasok sa Top 10. Alam ko namang hindi ko kaya. Haha. Kaya nanatiling pangarap na lang ‘yon. Masarap ang feeling ng pumasa,para kang nasa Cloud 9, paano pa kaya kapag napabilang sa Top 10,langit na ‘yon.
Ang nakakuha ng 1st place ay si Marwin Agamon Baldevia, CPA from Saint Paul’s Business School, Palo, Leyte, a working scholar who graduated Summa Cum Laude. Ang galing-galing! Saludo ako sa’yo, parekoy! According to his speech, nag-review siya sa RESA (Review School of Accountancy), 6th place sa First pre-board, 3rd place sa Final pre-board, 8th place sa PRTC open pre-board and look, 1st Place sa Actual CPA Board Exam with 92.14%. That’s a wow! For sure,pinag-aagawan na siya ngayon ng mga auditing firms at private sectors. God Bless sa career mo!
Ako naman, nag-aantay na lang ng result for a promotion sa current company na pinagtatrabahuan ko. The job interview went well naman. Matagal ko na ‘tong hinintay. Sana, palarin ako.
Sana.
No comments:
Post a Comment