Sunday, July 3, 2011

Mensahe Para Sa CPA Board Examinees atbp.


Marami ang nangangarap na maging CPA balang araw. Aminin na nating mahirap pumasa sa CPA Board Exam. Sa undergrad pa lang, aminin na nating halos isumpa ng ilan sa ating mga ka-tropa sa Accounting world ang accounting subjects. Pampadugo ng utak. Pahirapan. Kaya maswerte ang pinalad na pumasa sa CPA Board exam.



Bilang bagong CPA ng Republika ng Pilipinas, ako ay may mahiwagang mensahe sa lahat ng Accountancy students at graduates, CPA, malapit ng maging CPA, walang balak maging CPA saan mang sulok ng mundo.


Para sa mga CPA na, proud ako sa’yo dahil nalampasan mo ang mga pagsubok at nakamit mo ang tagumpay! Anuman ang kwento sa likod ng iyong pagkapasa, saludo ako sa'yo! Congratulations

At eto nga pala ang aking CPA Board Exam Story na isinulat ko noong nagrerebyu pa ako. Sana ma-inspire ko kayo. Gagawa pa ako ng Part 2 para sa kwento ng study habits ko at mga ginawa ko hanggang pumasa ako.  Sana makatulong ako sa lahat ng mga working-reviewees sa buong kapuluan.Abangan!


Para sa mga nag-aaral pa lamang ng Accountancy:
>Pagbutihin ang iyong pag-aaral. Huwag magbulakbol.
>Huwag kalimutan ang mga lessons sa Accounting.
>Kung may assignment, ayos lang naman mangopya basta naiintindihan mo ang iyong kinokopya. Kung hindi mo naiintindihan, magtanong na lang sa source ng assignment.
>Ugaliing magbasa na rin ng mga reviewers para hindi na mahirapan pagdating ng review.


Para sa mga full-time reviewees:
>Ugaliing dapat nasundan mo lahat ng lessons ng reviewer sa bawat subjects.Walong subjects ay hindi biro.
>Huwag mahiyang magtanong sa reviewer kung may hindi ka naintindihan sa dini-discuss. Itanong mo na lang after the class o punta ka na lang sa opis ng reviewer mo
 >Mas maiging maupo sa pinakaharap kesa sa likod. Para hindi ka makatulog.
>Huwag matulog sa review class.Nakakahiya lalo na kapag nahuli ka ng mga katabing tumutulo ang iyong laway.
>Take a nap during breaks kapag inaantok ka na.
>Kapag may binigay na hand-outs, siguraduhing sinubukan mong sagutan bago i-discuss ng reviewer. For sure, wala ka namang ibang ginagawa maghapon kundi mag-aral lang
>Iwasan magkaroon ng backlogs, mahirap maghabol.
>Mag-aral pag-uwi sa bahay o sa boarding house.
>Bawas-bawasan ang pakikipagchismisan sa mga kaklase
>Magpaturo sa matalinong kakilala, kaklase o kaibigan sa mga topics na mahina ka. Kung wala kang mahingan ng tulong, gamitin mo ang iyong charm para magkaroon ng kaibigan sa review class. Kaibiganin mo ang iyong katabi.
>Kumain sa tamang oras. Bawal lipasan ng gutom.
>Mag-practice mag-solve
>Kung para sa’yo di pa sapat ang hand-outs,mag-aral ng ibang review materials
>Kung wala kang pambili ng mga books, manghiram ka na lang sa kaklase at kakilala
>Huwag umabsent lalo na sa Business Law at Taxation. Maraming uma-absent sa mga subjects na ‘to.
>Huwag mag-focus sa mga topics na alam o na. Aralin mong maigi ang hindi mo pa alam.
>Huwag ma-late sa review class. Kung late ka dahil napuyat sa kakaaral, mangopya ka na lang ng notes o sagot sa hand-outs sa mga katabi mo.
>Huwag magdamot.Magpakopya ka ng notes!
>Huwag laiitin ang reviewer o katabi. Bad yan!
>Huwag kang mang-agaw ng upuan ng may upuan!
>Huwag maingay sa klase. Naiinis ang mga katabi mo.
>Magdala ng jacket. Malamig sa loob ng room
>Iwasan muna ang pagpi-facebook
>Huwag din isisi sa mga college prof mo o sa school kung saan ka grumadwet kung bakit mahina ka sa ibang accounting subjects. Focus ka na lang kung saan ka mahina
>Huwag kang KJ. Para hindi ka antukin.Tumawa ka sa mga jokes ng mga reviewers mo, nakakatawa talaga!
>Higit sa lahat, MAGDASAL araw-araw.


Para sa mga working-reviewees:
>Mahirap ang buhay na tatahakin mo. Hindi biro pagsabayin ang pagre-review at pagtatrabaho. Isa sa pinaka-kailangan mo ay TIME Management.
>Dalhin mo ang ibang hand-outs o kahit isang book saan ka man magpunta. ‘Yong mga theory topics lang like Auditing Theory, Theory of Accounts o di kaya Business Law. Habang bumibyahe, pede kang magbasa kahit isang page lang.O kahit habang breaktime. Malaking tulong na rin ‘yon.
>Iwasan munang gumala kundi rin naman importante. Aalahanin mo gahul ka na sa oras sa simula pa lang.
>Hindi maiiwasan na hindi magkaroon ka ng backlogs,prioritize mo na lang ang mga aaralin. Uulitin ko, aralin mo na lang ang mga topics na hindi mo pa alam o saan mahina ka.
>Pustahan tayong malinis ang iyong hand-outs dahil wala pang sagot at hindi mo pa naaaral, huwag kang mahiyang mangopya sa katabi mo.
>Pag-uwi mo sa bahay galing opisina, tiyak pagod ka na at marahil hindi ka na magkapag-aral nyan. , Pwedeng pahinga ka muna saglit, tapos aral ka kahit isa o dalawang oras bago matulog. Pero kung hindi na talaga kaya, huwag ng pilitin dahil hindi din maganda ‘yon, matulog ka na lang.
>Pwedeng gumising ka ng maaga sa madaling araw para mag-aral. Masarap mag-aral kapag madaling araw. Subukan mo. Pero kung hindi effective sa’yo, mag-aral ka sa oras na gustong-gusto mo
>Mas maganda kung meron kang planner, para ilista mo dun ang mga topics na aaralin mo. May posibilidad na hindi mo masusunod pero at least may guide ka.
>Hindi pwedeng hindi mo alam ang mga bagong topics o coverage sa board exam gaya ng PFRS for SME’s. Lumalabas ‘yon sa board exam.
>Huwag pahuhuli sa balita, magtanong ka sa dating mga nag-exam kung ano ang usual na lumalabas sa board exam.Kung wala kang kakilala,marami naman forum sa internet like pinoyexchange.com at pinoycpa.com na makapagbibigay sa’yo ng impormasyon
>Huwag mawalan ng pag-asa. Maraming pumapasa na working-reviewee kagaya ko. Tiwala lang sa sarili ang kailangan
>Kung hindi mo pa kaya mag-exam sa isang review, review ka ulit for the 2nd time bago mag-exam
>Huwag sumuko. Maraming kung kelan malapit na ang board exam, ay umaatras dahil natatakot bumagsak. Dahil sinimulan mo, tatapusin mo. Kung bumagsak man, eh di exam ulit.
>Kung pwede, mag-leave one month bago ang board exam.
>Huwag mag-resign para lang sa board exam kung kaya mo namang pagsabayin. Mas nakaka-proud kong pumasa ka habang nag-wo-work ka. Aani ka pa ng parangal. At least kung bumagsak ka, may babalikan ka pang work. Mas masaklap kung nag-resign ka nga, eh bumagsak ka rin naman. Make sense!
>Magdasal at Magsimba!


Sa mga bumagsak sa unang pagkakataon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Iiyak at iinom mo na lang ‘yan. Tapos,mag-exam ka ulit!


Sa mga bumagsak sa pangalawang pagkakataon, mag-enrol ka sa Refresher course doon sa NRC. Huwag kang mawalan ng pag-asa, hindi pa huli ang lahat!


Sa mga bumagsak sa pangatlo o higit pang pagkakataon, huwag mong isipin na End of the world na. Ano ka ba? Exam lang ‘yan. Take ka na lang ulit. Malay mo sa susunod na pagkakataon ay papasa ka na.Huwag kang titigil hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mong makamit!


Sa mga nakapag-review pero natatakot mag-exam, labanan mo ang iyong takot kapatid! Exam lang ‘yan. Sayang ang oras,pagod at pera mo kung hindi ka mag-eexam. Kung takot kang bumagsak, isipin mong part ng risk ang bumagsak. Magdasal ka at humingi ng guidance kay Lord para magabayan tungo sa tamang landas na tatahakin.

Sa mga BSA graduates na ayaw mag-review, subukan mong mag-review kaibigan. Kung wala kang pera, pwedeng magtrabaho ka muna para makapag-ipon tapos, review ka!

Sa mga conditioned candidates, malapit ka na tungo sa tagumpay. Ilang hakbang na lang. Kaya pag-aralang mabuti ang mga natitirang subjects. Konti na lang 'yan!




God Bless October 2011 CPA Board Examinees!!!


6 comments:

Kevin said...

Salamat sa mensahe mo... PExer din ako...Na-conditional ako nung May. Second take ko yun. Kahit pano e nabuhayan ng loob ko sa post mo hehe. God bless din!

NoOtherEarl said...

Salamat Kevin. Sabay atah tayo nag-take.Sige galingan mo sa remaining subjects para CPA ka na. Don't lose hope. Yakang-yaka yan. ^.^

marj said...

nice blog..
truly inspiring..

NoOtherEarl said...

@Marj. Salamat po.
Sana marami pa ang gaganahan mag-aral at mag-review para maging CPA balang araw.

Baltazar V. Mangaliman said...

I was not personally affected with the cpa board exam story but i was bit sad because now i know how my bestfriend who has the same situation as you way back then you are reviewing feels. i had goosebumps and tears fell with your quotation "Sa kasamaang palad, wala sa listahan ang name ko. Nalungkot ako ng sobra. Nagmamadali akong umuwi ng boarding house, tinungo ang banyo at naligo. Hindi ako umiyak. Habang naliligo, doon ko inalala lahat ng pagod ko sa pag-aaral." We all deserve to have the title, we just need to wait for the perfect timing as mandated by our
Creator. AJA CPA's

NoOtherEarl said...

@BVM
Yeah, I agree, it's about perfect timing through God's will. I still remember the message of my boss to me:"Good things happen for those who wait..."

I'm sooo grateful that my time finally came...