Showing posts with label Showbiz Chikka. Show all posts
Showing posts with label Showbiz Chikka. Show all posts

Friday, July 29, 2011

Ang Azkals at Ako

Nagising ako. Tingin sa oras. Nagmamadaling tinungo ang banyo. Magiging anim na ang late ko sa buwan ng Hulyo kapag babagal-bagal pa ako. Wala pa namang nati-terminate dahil late sa team namin. Ayokong ako ang una, umpisa at simula. Tumunog naman ang alarm clock sa tamang oras. Pinatay ko lang. Tapos balik tulog ulit. Masarap kayang matulog nitong tag-ulan.


Sira ang koneksyon ng tubig namin. Kaya pala walang tumatagas na tubig sa gripo nang binuksan ko. Kung kelan nagmamadali, saka naman nangyayari ang ganitong mga eksena. Naalala ko pala, naikwento sa akin, nasira pala ng makulit na batang naglalaro sa labas ng apartment ang tubo ng gripo kahapon. Kung anong mahika ang ginawa ng bubuwit na ‘yon at nagawang sirain ang tubo, ay hindi ko na inaalam pa. Sa kasamaang palad, koneksyon lang namin ang apektado. At ang pamilya ng batang ‘yon ay hindi man lang nagkusa na tawagin ang tagapangasiwa ng tubig para ipaalam ang kaganapan. Wala silang pakiaalam dahil hindi naman sila apektado. Mabuti naman at dumating na rin ang tubero na mag-aayos na ipinatawag pa ng kasamahan ko sa apartment.Ilang saglit lang ay ayos na ang lahat.


Naka-bihis na ako. Handa namang suungin ang isa na namang malagim na gabi sa opisina. Gabi. Oo alas singko ng hapon ang pasok ko. Weird na sched. Halos isumpa ko ang iskedyul na ito. Pero nagawa ko namang magtiis sa loob ng dalawang taon. Pero di bale, huling labingdalawang gabing pagpupuyat na lang ang mararanasan ko. At sa August 16, magbabago na ang takbo ng buhay ko. Mamumuhay ako ng normal nang naaayon sa nararapat. Makakapanood na ako ng mga teleserye sa gabi. Makakapunta na ako sa mga malls kapag uwian. At marami pang pagbabago na excited na akong mangyari.


Dahil sa hirap ng buhay,nangako ako sa sarili kong magtitipid muna. Subalit sa pagkakataong ito na ilang minuto na lang ang nalalabi at siguradong late na ako, kinalimutan ko muna ang pangakong ‘yon. Bukas ko na lang muling ipapatupad. Pumara ako ng Taxi na maghahatid sa akin sa trabaho.


DZMM ang istasyon na pinakikinggan ni manong Taxi Driver. Si Karen Davila ang nagsasalita. Saka ko lang nalaman, may laro pala ngayon ng football ang pambato nating mga Pinoy sa larangan ng football, ang Azkals laban sa Kuwait Al-Azraq. Sa totoo lang,ngayong taon ko lang narinig ang tungkol sa football team ng Pinas, at ang Azkals nga. Marami silang fans. Pati si Manong driver ay halatang fan din.


Ayon sa balita, na maigi ko namang pinakikinggan, dahil aaminin kong gaya ng marami d’yan, fan din ako ng Azkals,patuloy daw sa pagdagsa ang mga tao sa Rizal Memorial stadium at may iba’t ibang grupo ng kabataan na may kanya-kanyang gimik para ipakita ang kanilang suporta sa Philippine Football Team Azkals. May iba daw na nakasuot ng puting t-shirt at face paint. Sobra din daw ang trapik sa mga kalsadang malapit sa stadium.


Habang binabagtas ng taxi ang daang bawat kanto ay may stoplight, naisip ko na kahit one time lang ay masilayan ko man lang ang Azkals. Makapagpa-piktyur man lang. Pero muk’ang malabong mangyari ‘to sa hectic ng schedule ko (parang showbiz lang).


At nakarating ako sa opis. Hindi ako late.


Break Time. Tumakas-takas. Pasulyap-sulyap sa TV sa pantry. Halos lahat ata ng tv sa building na ‘yon ay ang laban ng Azkals ang pinapanood. Green vs. White.


Hindi ko napanood ng buo ang laro. Kelangang bumalik sa trabaho. Hanggang sa huli, nalaman kong talo ang manok natin.


Ayos lang ‘yon. Sportsmanship.











Friday, July 22, 2011

Saan Kinopya ang Amoy ng Zonrox?

AT ang sagot ni Chito ay....




Sunday, July 3, 2011

Love Tips:Crazy Little Thing Called Love

 
P'Nam at P'Shone

Narito ang ilan sa mga Love Tips na napulot ko sa nakakakilig na kwentong pag-iibigan nina P'Nam at P'Shone sa Crazy Little Thing Called Love .

Hindi ito kompleto. Anyone may wish to add kung ano ang kulang.

* Ang paniniwala ng mga Greek kung paano mahuhulog sa'yo ang puso ng mahal mo. Pumunta ka sa lugar kung saan marami kang makikitang bituin. Tapos pagdikitin mo ang mga bituin gamit ang iyong daliri at isulat ang pangalan ng mahal mo.

* Mula sa Maya ng mga sinaunang nilalang. Kelangan i-focus ang pag-iisip. Tapos tignan ang taong mahal mo. Subukan mo siyang i-hypnotize para gawin niya kahit anong gusto mong ipagawa sa kanya .Kapag ginawa niya ‘yon, ibig sabihin SOULMATE  kayo.

* Ang paraan ng mga taga Scotland, kapag may mahal ka, bigyan mo ng regalo na hindi nya nalalaman nang sa ganu'n alam n'yang may nagmamahal sa kanya. Siguradong mapapansin ka niya dahil sa ginawa mo.

* Hayaan mong magkaroon ka ng inspirasyon dahil sa pag-ibig at gamitin mo ‘yon para maging matalino ka, maganda at magaling sa lahat ng bagay para mapansin ka ng mahal mong lalaki.

* Gawin mo ang iyong makakaya . Kung gagawin mo para sa pag-ibig, gagawin mo ng walang labis at walang kulang. Para yong taong mahal mo mahahanap ka.

Sunday, April 17, 2011

RIP Aj Perez


Life is too short people! Knowing that our stay in this world is temporary, we should make the most of it

You may rest in peace, Aj Perez!


Read the news.
Aj Perez Killed in Tarlac Highway Accident

Saturday, April 9, 2011

Pinoy Henyo:Majella

Sabi nga nila:“Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.”

Parang kailan lang, naglaro tayo ng Pinoy Henyo, ikaw ang nanghuhula, ikaw ang nag-iisip. Oo, hindi at pwede lang ang pwede naming isagot. Pero sa huli, nakuha mo pa rin ang tamang sagot: COCO MARTIN. Masaya. Nakakalungkot mang isipin na malabo ng muling maibabalik ang saya ng kahapon. Iba na. Iba na ang mundong tatahakin mo. Iba na rin ang mundong tinatahak ng iba. Subalit ganun pa man, nag-iwan ka naman ng bakas na hindi maiwawaglit sa puso at isipan ng bawat isa, panoorin na lang ang video.




Thursday, April 7, 2011

Si Markki Stroem at Ako

Nagwawalis ako ng mga files sa My Pictures nang natisod ko ang isang album na naglalaman  ng mga litrato namin ni Markki Stroem.

Nga pala, si Markki Stroem o Marcello Angelo Ledesma Stroem sa totoong buhay ay isang half-Norweigan na finalist ng Pilipinas Got Talent. Bente-tres at nakatira sa Antipolo.

Maraming beses ko na siyang nakita, nakausap at nakipagpiktyuran.Kesa naman itago ko lang sa mahiwagang baul ang aming mga litrato sa pader, buong-laya ko na lang ipo-post dito. Medyo nakakahiya ng konti kasi makikita ang tunay kong pagmumukha sa totoong buhay, pero paki ko naman. Haha.


JUNE 2010. Pilipinas Got Talent Grand Finals. Matapos ang patimpalak, bandang hatinggabi nang lumabas si Markki sa Araneta Coliseum para magpasalamat sa kanyang mga kaibigan at fans na sumuporta. Ang lakas ng loob kong magpa-piktyur. Haha.

 ***




JUNE 24, 2010. PGT You Got It Concert, Ynares Arena, Pasig. Ang eksenang papaalis na si Markki at sa amin ay nagpapaalam na. Naalala ko na nag-offer sa akin ang Manager ko na mag-half-day na lang sa work para mapanood daw ang concert.

***



JULY 10, 2010. Friends' Day. SM Sucat, Paranaque. Litrato ng minsang sumipot ako sa kanyang mall show. At nakipagpiktyuran din ako sa kapwa nya PGT Finalists na sina Keith Delleva at Sherwin Baguion.


*** 
  

JULY 18, 2010. Grand Fans Dsy. Group Piktur na lang. Wala akong nahalungkat na solo pix eh.


 ***


AUGUST 2010. Nang minsang gumala sa Bonifacio High Street kasama si Markki Stroem at kanyang mga kapatid. Ang araw kung saan nanlibre siya ng Krispy Kreme. Hehehe. 

***

SEPTEMBER 4, 2010. Sumipot ako sa launching ng 100 days of Christmas sponsored by Eden Cheese. Sa Starbucks ito nang pumunta kami matapos ang show. 

***

HANGGANG sa dumating 'yong oras na superbusy na ako at hindi na nakasubaybay sa mga lakad ng isang kaibigan. Babawi na lang ako pagdating ng araw.

Nakakamis.



Wednesday, February 23, 2011

Jacob is Strong....Edward is Beautiful.


Inatake ako ng CURIOSITY.
Pa'no kung si Jacob at Edward ang nagmamahalan?
Ano kaya ang takbo ng kwento nila sa Twilight at New Moon?
Paano na kaya si Bella?

Alam mo naman.
Sa ating lipunan, mas tanggap pa ang dalawang lalaking may hawak na baril at nagpapatayan.
Kesa dalawang lalaking magkahawak ang kamay at nagmamahalan.

Jacob is Strong....
Edward is Beautiful...
They are perfect for each other.

Sino kaya ang nakaisip ng kalokohang ito?

Saturday, June 6, 2009

Careless Whisper

It's a song popularized by George Michael in mid 80's. He wrote it when he was seventeen. It became one of the most played songs of the decade and voted Londoner’s Favourite record of all time in January 1995 in a competition run jointly by the capital’s leading evening newspaper and radio station.

And now in the Philippines........

Ito ay isang tanyag na awitin sa taong kasulukuyan.

Bakit?
Part of the chorus of the song ang kinanta ni Dr. Hayden Kho sa isang sex video scandal na laganap na saan mang sulok ng Pilipinas. Ang nasabing video ay mapapanood sa internet, cellphone o sa mga pirated dvd's.

Kapag naririnig ang kantang ito na pinapatugtog sa isang FM radio station o di kaya ay kinakanta mo o ng kakilala mo ay maalala talaga ang isang malaking iskandalo na kalat na kalat sa Pilipinas.

Here's the lyrics of the song:

I Feel So Unsure
As i take your hand
And lead you to the dance floor
As the music dies
Something in your eyes
Calls to mind a silver screen
And all its sad goodbyes

[Chorus]

I'm never gonna dance again
Guilty feet have got no rhythm
Though it's easy to pretend
I know you're not a fool
I should have known better than to cheat a friend
And waste a chance that i've been given
So i'm never gonna dance again
The way i danced with you

Time can never mend
The careless whisper of a good friend
To the heart and mind
Ignorance is kind
There's no comfort in the truth
Pain is all you'll find

[Chorus]

Tonight the music seems so loud
I wish that we could lose this crowd
Maybe it's better this way
We'd hurt each other with the things we want to say
We could have been so good together
We could have lived this dance forever
But now who's gonna dance with me
Please stay

[Chorus]

Now that you've gone
Now that you've gone
Now that you've gone
Was what i did so wrong
So wrong that you had to leave me alone

Saturday, April 18, 2009

Pacquiao VS Hatton


Live at The MGM Grand Garden Arena in Las Vegas, Nevada on Saturday May 2, 2009. It's a superfight between Filipino boxing icon Manny "Pacman" Pacquiao and Britain’s own local hero, Ricky “The Hitman” Hatton.


Will Pacquiao bring home the bacon?


Sunday, December 14, 2008

Meet & Greet Jon Avila





Bandang alas singko ng hapon, nagkagulo ang buong Isetann Recto sa pagdating ng isang dating PBB housemate na si Jon Avila. Apat na hunks ang bibisita sa Isetann Recto na tinatawag nilang Voyz of December. Kakatapos lang bumisita ni Victor Basa noong nakaraang Sabado at ngayon naman ay si Jon Avila.Hindi maiwasan ng kanyang mga fans ang tumili sa pagkakita sa kanya dahil talaga namang katakam-takam siya sa kanyang white polo na manipis at see through talaga ang katawan. Macho at gwapo, kaya naman pinapantasya siya ng ilan sa ating mga kababaihan at miyembro ng ikatlong kasarian ng bagong henerasyon.

Kumanta si Jon. Hindi mo akalain na ang isang hunk na katulad niya ay marunong rin palang kumanta. Maganda ang boses siya. Pwede na siyang recording artist.

May game date with Jon. Apat na babaeng fans ang binigyan ng pagkakataong makasama si Jon sa isang acting. Pagkatapos, ang apat ay isa-isang nakipagsayaw kay Jon. Nakakaloka ang galaw ng matipunong katawan ni Jon. Katakam-takam sa mata ng mga humahanga. Pagkatapos ng lahat ng mga pagsubok na ipinagawa sa apat na babae with Jon, pinili ang mananalo sa pamamagitan ng palakasan ng palakpakan ng mga manonood. Bilang gantimpala, ang babaeng nanalo ay nabigyan ng pagkakataong mahalikan sa pisngi si Jon. Wish pa nga ng babae, sana sa labi daw.

Jon Avila's Profile:
Real Name: Jonathan Mullaly
Origin:United Kingdom
Age: 22
Birthdate: September 1
Place of Birth:United Kingdom
Nationality: Irish-Filipino
Occupation: Model
Sports: Boxing
Hidden Ambition: To be a Hollywood actor
Claim to Fame: Century Tuna Superbod 2006, BenchBody model


Abangan sa Isetann Recto:

VOYZ OF DECEMBER
December 20 -Ron Morales
December 27- Jake Cuenca

Monday, December 8, 2008

Marky Cielo's Death


MANILA, Philippines—Actor Marky Cielo, 20, who rose to fame after winning a youth talent search on television network GMA 7, was found dead by his mother
inside their home Sunday morning and police are still investigating exactly how
he died.

According to a statement from the TV network, Cielo’s mother, Mildred, went into her son’s room in their house in Antipolo City to wake him up at around 10 a.m.

When Cielo (Mark Angelo Cadaweng Cielo in real life) did not respond, Mildred rushed him to the nearby Antipolo Doctor’s Hospital where the actor was declared dead on arrival, the statement added.

While it appeared that Cielo died in his sleep, as of this posting, the cause of Cielo’s death was unknown as his family was still waiting for his medical records to be released.


Inquirer.net
By Marinel Cruz, Frank Cimatu

Philippine Daily Inquirer



++++++++++++++++++++++


Death is like a thief in the night. Kaya we should be ready at all times. Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala dito sa mundo. We should consider each minute as if is the last minute that we're alive. Kaya dapat gawin na natin ang dapat gawin before it's too late, habang may oras pa...because we'll never know what will happen next.


In death, age doesn't matter. Like, Marky Cielo, he still too young to die. Malayo pa sana ang kanyang mararating in life.




Let's all pray for his soul.

Sunday, November 16, 2008

Oh, John Lloyd !


At 2pm, I went to Isetann Recto for a purpose of seeing John Lloyd Cruz in person. People in all walks of life gathered in the mall's lower ground floor waiting for Loydi's arrival.

He's not there yet! So I went to the mall's department store to look for something to buy...shirts...pants..shoes..anything.

Suddenly,I heard loud screams.

He's there, probably. "I'll be right back.Bababa lang ako ", I said to the salesboy who assisted me in choosing the best jacket ever.

"Manonood ka rin, sir?" he asked. Gusto ko sana siyang sagutin ng : 'Pakialam mo! Instead,I answered: "Yeah."

And he's finally there. But I can't see him. The area was crowded. Siksikan to the highest level. Iba talaga kapag John Lloyd ang pinag-uusapan. I haven't seen him in person ever since kaya naman I'm so feeling excited to see him. Sumiksik ako hanggang sa may masisiksikan.Lumusot ako hanggang sa may malulusutan.For John Lloyd's sake. Swerte niya ha. At last, I've seen him. Cute. Gwapo. Ma-appeal. Charming. Si John Lloyd nga talaga. Sigaw. Tili. Maingay ang paligid. Maingay na maingay. What I did? I took videos and pictures of him. Nasa malayo ako, na-appreciate ko naman ng sobra ang silbi ng ZOOM feature ng digicam ko. Kumanta si John Lloyd. May games. May pictorials. May autograph signing. 'Yon lang tapos umalis na si John Llyod at iniwan na niya kami.

Here are some of John Lloyd's photos:


It's not only me...taking John Lloyd's photos.


An interview with J0hn Lloyd Cruz



Oh John Lloyd !