Ito ay isang kwento ng pagkabigo at hindi pagsuko sa isang labang nasimulan....
Pagka-graduate ko ng kolehiyo sa isang munting lalawigan sa aming probinsya, wala pa sa plano ko ang mag-take ng CPA Board exam. Gustuhin ko man maging CPA subalit marami ang naging hadlang. Unang-una, wala kaming panggastos para sa tuition fee ,sa uupahang dorm, pagkain at kung anu-ano pang kailangan para makapagrebyu sa Maynila. Wala kasing CPA Review school sa aming lugar kaya halos lahat ng gustong maging CPA ay kinailangan pang lumuwas ng Maynila.
Kinailangan kong humanap ng trabaho dahil gusto kong makatulong sa naghihirap naming pamilya. Ako kasi ang panganay sa anim na magkakapatid, sapat lang din ang kinikita ng Tatay ko sa pang-araw araw na gastusin at walang trabaho ang Mama ko.Sabi ko sa sarili ko, siguro naman panahon na para sila naman ang tulungan ko para kahit papano ay makaahon ng konti sa kahirapan.
Lumuwas ako ng Maynila dahil may trabaho na nag-aantay sa akin. Computer Teacher at Bookkeeper ang naging trabaho ko sa isang pribadong paaralan sa Tondo. Ang school director ng school ay siya mismong nagpaaral sa akin noong kolehiyo kaya madali akong nakapasok sa trabaho. Mababa lang ang sahod, pero ayos lang muna siguro 'yun kesa naman sa wala. Lagi akong gipit sa pera dahil pinapaaral ko pa ang kapatid ko. Pero ni minsan hindi ako kumapit sa patalim. Isang taon lang ako doon at naghanap ng malilipatan na medyo okay ang sahod.
Sabi nila, instant pera daw sa call center dahil malaki magpasahod. Medyo okay naman ang English communication ko kaya sinubukan kong mag-apply sa isang call center company. At sa awa ng Diyos ay natanggap naman ako. Medyo mapera-pera na ako ng konti kahit papano kaya naman naisipan kong mag mag-review.
Nag-enroll ako sa RESA para sa October 2009 board exam. Hindi pa ako sigurado sa sarili ko kung mag-eexam talaga. Medyo nakalimutan ko na rin kasi ang mga Accounting lessons ko ng college kaya dapat todo bigay sa pag-review. Gustuhin ko mang mag-aral ng mabuti pero hindi ko kinaya. Graveyard din kasi ang shift ko sa call center, 8pm to 5am at Friday at Saturday ang restday. Hindi ako natutulog tuwing Sunday dahil may pasok ako sa review ng umaga at may trabaho sa gabi. Kapagod talaga. Sa kalagitnaan ng review, nag-isipan kong huminto muna. Isa pa, hindi pa tapos ang processing ng late registration ng birth certificate ko kaya hindi rin ako makapag-exam kung saka-sakali. Sabi ko next time na lang.
Next sem, nag-enroll ulit ako sa RESA for May 2009 Board exam. This time, sabi ko sure na sure na 'to. Okay na rin kasi ang Birth Certificate ko. Evening session ang kinuha kong schedule. Nagpalit na rin ako ng shift sa call center to give way for my review, shift ko ay 8am to 5pm na tapos 6pm to 9pm naman ang pasok ko sa review. Lagi akong late sa review dahil laging trapik 'pag galing ako ng Makati papuntang Sampaloc. Kaya naman minsan pati weekend session ay pinasukan ko na. After review class, uwi ako ng boarding house, kain, pahinga ng konti tapos aral na hanggang 12 midnight. Minsan kapag pagod na pagod ako ay hindi ako nakakapag-aral. Minsan gumigising ako ng madaling araw para mag-aral. Ang hirap talaga ng buhay. Pero sige lang, naniniwala akong masusuklian din ng maganda ang lahat ng paghihirap ko.
Nakapag-file na rin ako sa PRC kaya tuloy na tuloy na talaga ang pag-take ko. Nagpaalam na rin ako sa Manager ko na mag-leave ng isang buwan bago mag-board exam.Subalit hindi ako napayagan mag-leave. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin. Hindi ko pwedeng bitawan ang trabaho ko dahil 'yun lang ang pinagkukuhanan ko ng income. Hindi ko rin pwedeng 'wag ituloy ang pag-take dahil sayang naman ang effort ko. Parang nasa gitna ako ng daan, na hindi alam kung kakanan o kakaliwa.Mabilis na dumating ang araw ng pre-week. Para makapasok sa klase, nagpanggap ako ng maysakit para makapag-sick leave. Subalit sobrang halata na dahil sunod-sunod ang SL ko at for warning na daw ata ako, ayon sa usap-usapan sa Facebook. Bahala na nga. Bahala na si Batman.
Nagdesisyon ako.Biglaan. Nagulat ang lahat ng kasamahan ko sa trabaho. Nag-tender ako ng resignation letter. Si Manager namari, pirma lang agad. Hindi ko rin naman expect na pipigilan n'ya ako, dahil marami namang kapalit. Hindi ko alam kung tama o mali ang naging desisyon ko pero isa lang ang gusto kong mangyari,ang maging CPA.
Nag-take ako ng board exam. Medyo nahirapan ako. Pero buo pa rin ang loob ko na papasa. Sabi nga nila, think positive. At dumating na daw ang results, 'yong isa kong boardmate, tuwang-tuwa dahil pumasa na siya. 1pm na 'yon at kakagising ko lang. Hindi pa ako naliligo at excited akong pumunta sa RESA para matingnan ang name ko sa listahan.
Sa kasamaang palad, wala sa listahan ang name ko. Nalungkot ako ng sobra. Nagmamadali akong umuwi ng boarding house, tinungo ang banyo at naligo. Hindi ako umiyak. Habang naliligo, doon ko inalala lahat ng pagod ko sa pag-aaral.Isinakripisyo ko pa ang trabaho ko...tapos...tapos...wala rin palang nangyari. Bagsak ang inabot ko. Sobrang nakakahiya sa mga opismeyts ko. Sobrang nakakahiya sa pamilya ko. Sobrang nakakahiya sa school namin. Pilit kong iniisip ano ba talaga ang kulang at bakit? Maraming sagot ang aking isip.
Kinuha ko ang results sa PRC. OMG wala man lang above 75 %. Ang bobey ko talaga! Siguro nagkataon lang na halos lahat ng hindi ko alam ang tinanong. Nilakasan ko na lang ang loob ko at ipanagpatuloy ang buhay. Hindi man naibigay sa akin ngayon, pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sa susunod ay ako naman ang magwawagi.
Tambay ako ng dalawang buwan. Mabuti na lamang at may sapat akong naipon para panggastos ko sa araw-araw. July 2009 ng makapagsimula akong makapagtrabaho sa isang international bank. Ako 'yong tipo ng taong hindi basta-basta sumusuko sa anumang laban, kaya naman nag-enroll na naman ako. Na naman? This time sa CPAR na for May 2010 Board exam. Weekend session. Dating gawi, trabaho at aral pinagsabay na naman. Umaasang sa pangalawang pagkakataon ay pumasa na. Subalit sadyang hindi ako sinwerte.
Bumagsak na naman. Hindi ako umiyak. Pero gusto ko ng ma-depressed.
Eh sa ganun talaga ang buhay. Medyo nahihirapan lang talaga ako sa P1 at P2. Pamatay na mga subjects na ito! Sobrang nalungkot lang ako ng makita ko ang grades ko, 3 ang above 75%, 2 subjects ang 74% at 2 subjects ang below 65% (P1 at P2). Kung naging 75% lang sana ang dalawang subjects (AP at AT) eh di conditioned ako. Sayang isang tanong na lang sana yon. Ang malas-malas ko talaga. Aminado naman ako na hindi ako subsob sa pag-aaral dahil nga may work ako. Pero konting-konti na lang sana 'yon. Hmmf!
Wala akong sinisi sa mga nangyari, sa lahat ng failures. Oo, nawalan ako ng social life dahil sa review. Lahat ng invitations ng friends and officemates ko for gimik,inuman at outing, I declined. Kasi nga I have to make it talaga. But what happened? This is for the second time. Pero hindi ko pwedeng isisi sa sarili ko ang sinapit ng buhay ko, hindi maari dahil I've done my best and I maximize the scarce time I have to study. I prayed to God. At lahat na ata ng santo tinawag ko para magsanib- pwersa para ipasa ako.
Susuko na ba ako? Marami akong kilala, first take pa lang, bagsak, ayaw na agad. Natatakot sa maaring mangyari sa pangalawang pagkakataon kung susubukan muli. Ayaw ng mag-take ng risk. Umayaw na sa pangarap na maging CPA. 'Yung iba naman, bumagsak for the second time, ayaw na agad. Hanggang dun na lang nagtapos ang CPA Board exam story.Ayaw kumuha ng refresher. Hanggang dito ko na rin ba tatapusin ang CPA Board exam story ko? FAILURE!
Hindi muna dito magtatapos ang lahat. Hindi pa tapos ang kwento. Hindi pa. Kailangan magpatuloy ang buhay....
Sabi ko nga, ako 'yong tipo ng taong hindi basta-basta sumusuko sa anumang laban. Kaya naman, nag-enroll na naman ako for review class sa CPAR. Weekend session. Room 2. Enrolled din ako sa Refresher Course sa NTC. Pero ayos lang. Gagalingan ko na lang. As much as possible, ayokong umabsent sa review.....
Sana naman swertehin this time..
Sana.
13 comments:
pumasa na po ba kayo?
yes, successfully passed-May 2011 CPA Board.Sequence No. 197_. hehe
yes, successfully passed-May 2011 CPA Board.Sequence No. 197_. hehe
Congrats! =) CPA rin ako pero ndi ako kasing determinado tulad mo hindi ko kasi iyun hilig at hindi ko nagamit. Buti ikaw natupad mo na ang pangarap mo. Wag sumuko lage. Basta kung saan mo gusto go lang.
Wag ka gigiveup ... tama lang yang determinasayon mo. Aralin mo anong kulang mo dati at punuan mo. Kaya mo yan.
congrats! nakapasa ka na pala ... o diba?
Na inspire ako sa story mo, ako last take oct 2009 pa di na naulit. january next year ikakasal na ako.inisip ko kaya ko ba magtake? 3rd take ko na if ever. sna mabigyan mo ko ng payo. salamat
i WILL BE GRADUATING this march 2012. . and I feel the pressure already since it is expected that I should take the CPA Board exam. . but somehow..there is the doubt in me and the feeling that I cant PASS,. . please Help. . .
Any Advice?..:-(
inspiring..i just failed the october 2012 board exam..like you,i was working,i did not take any leave..pagkatapos ng exam trabaho nman kinabukasan.hindi din ako umiyak ksi ayaw ko malungkot.but i will take the may 2013 board exam.super determined tlaga ako.bka maghome review na lang muna tapos hiram na lang ng handouts sa friend ko na papasok s review center.sana makalusot!!!
very inspiring. i graduated last 2003 and never had the chance mag take and review.w0rk kc agad f0r 10 years. and ths time nag aalaga ng 2 y.o. na anak. parang gus2 k0 mag review at take s may 2014. any advice kng resa or cpar ang pasukan k0. tnx.
very inspiring. i graduated last 2003 and never had the chance mag take and review.w0rk kc agad f0r 10 years. and ths time nag aalaga ng 2 y.o. na anak. parang gus2 k0 mag review at take s may 2014. any advice kng resa or cpar ang pasukan k0. tnx.
If png 3rd take po san po pde kumuha ng refresher? Weekends po b pde? Working dn po kce
Hello CPA na po ako ngayon pero ang hirap talaga mapunta sa trabaho na gusto niyo
Post a Comment