Thursday, October 6, 2011

Ang Drawing ng Grade 1



Aminin na nating nakapag-drawing tayo ng parang ganyan noong tayo ay mga bata pa. Dapat nakangiti ang araw sa gitna ng dalawang bundok. May isang punung-kahoy. May bahay na dapat may hagdanan, haligi, pintuan, at dalawang bintana. May palayan na dapat may nakatanim na palay. May clouds din at mga ibon. Si Tatay na nagtatrabaho sa bukid. Si Nanay na nasa bahay lang. Mga anak na naglalaro sa labas ng bahay

Pagkatapos mag-drawing ipapakita kay titser para ma-check. Lalagyan ni titser ng isang mahabang check ng red na ballpen na may nakasulat na 'Very Good' o 'Good' o di kaya'y tatakan ni titser ng red na stars gamit ang stamp. Tuwang-tuwa ka naman kapag naka-'Very Good' ka tapos ipapakita mo sa Mama at Papa mo. Sasabihin ng Mama o Papa mo na maganda ang drawing mo. Ipapakita mo din sa ate o kuya mo ang drawing tapos sasabihin nilang hindi maganda. Pero siyempre mas maniniwala ka sa Mama at Papa kesa sa Ate at Kuya.

Tapos kinabukasan naman ay ganun din ang ido-drawing mo.Kasi yun lang ang alam mong i-drawing.

***Ang hirap naman pala mag-drawing sa MSPaint. Effort.Haha.

2 comments:

duking said...

ganyan din ako mag drowing dati. parang awtomatik yan sa lahat ng batang pinoy lalo siguro kapag nasa public skul.

NoOtherEarl said...

ako din ganyan mag-drawing. haha. madali lang kasing i-drawing. At saka sa public school ako nung elementary.haha