Bumili kasi ako ng ulam para sa aking ikalawang tanghalian dahil gutom na naman ako. Sinadya kong magdala ng camera sa dahilang hindi ko alam.
Kapag mainit nga naman ang panahon, ang ating mga kababayan ay may kanya-kanyang paraan pa'no i-handle ang pakikipagsapalaran sa init ng araw/panahon. Tulad na lamang ng mga litratong nasa ibaba.
Piktyur #1: Ang Payong ni Kuya
Patunay na naiinitan talaga siya dahil sadyang mainit nga talaga sa labas ng bahay. Patunay na hindi lang tuwing umuulan ginagamit ang payong.
Ang pagdadala ng payong ay hindi isang kaartehan. Sadyang masakit talaga sa balat kapag masyadong nabibilad sa sikat ng araw.
Hindi rin ibig sabihin na ang isang lalaking nagpapayong ay bakla na. Sabi kasi ng Mama ko nu'ng bata pa ako na ang payong ay pambabae lang daw. At bakla daw o tatawaging bakla ang lalaking gumagamit ng payong (na hindi naman totoo).
Malamang sa Telus nagtatrabaho si Kuya o isa sa mga kasambahay ni Kuya (hula ko lang). Pansinin ang nakasulat sa payong.
Piktyur #2 Ang Kakanin ni Ate
Mainit nga talaga. Pinapayungan ni Ate ang kanyang mga tindang kakanin. Minsan kapag trip ko, bibili ako sa nilalako ni Ate bilang pasasalamat na rin na nakuhanan ko sila ng piktyur ng di nila namamalayan.
Piktyur # 3 Ang Lagari ni Manong
Kahit nasa loob ng building, sigurado akong naiinitan din si Manong at napapagod din sa paglalagari. First take, 'yan agad nakuha ko ng hindi n'ya namamalayan.Tagaktak ang pawis niya na pinunasan din naman. Hindi lang kita sa piktyur ang pawis at ang pagpunas ng pawis.
Piktyur #4 Ang Basura at mga Basurero
Sa gitna ng sikat ni Haring araw, ginagawa nila ang dapat gawin sa mga basurang nakatambay lang sa tabi ng kalsada. Siyempre,naiinitan ang isang Kuya, inilagay ang jacket pantakip sa ulo habang nakikipagtitigan sa mga basura.
Piktyur # 5 Ang Mag-iigib ng Tubig
Napapagod din po si Kuya kaya nagpahinga muna saglit. Maaring natutulog siya, nagdadasal o nag-iisip sa ganyang posisyon. At mainit rin talaga kaya kailangan ng payong para sa pagde-deliver ng tubig.
Hindi po alam ng mga nasa larawan na nakuhan sila ng piktyur (Sorry po).. Lahat po ng mga 'yan ay nakaw na kuha lamang.
No comments:
Post a Comment