Thursday, October 20, 2011

Usapang Hayop

Mailap ang antok ng gabing 'yon. Tinext ko ang isang kaibigan at mabilis namang nag-reply.

Ito ang takbo ng pag-uusap namin na parang may konting sense naman (feeling ko lang). Trip ko lang i-share. Gusto n'yo rin ba akong ka-text? Haha.


Ako: Muztah?

Siya: Medyo sad po.


Ako: Oh why?


Siya: Ksi po meron nanganak na pusang kalye dito samen. Pinatapon ng ate ko, ksi ayaw nya mkita..Naaawa ako :(


Ako:Natawa naman aq. Anung plano mo dun sa pusakal sana?




Siya:Balak ko pa nga sana gawan ng kulungan e,ksi kawawa aman. Tska ung nanay nun pusa mabait sken,nahahawakan ko nga e.


Ako: Ah tlga. Mapagmahal ka pala sa mga hayop


Siya: Naman! Pet lover ako.Naiyak nga ako before nun dinala sa probinsya ung aso ko e.


Ako: Mukhang mahilig ka sa aso’t pusa.


Siya: Hmmm more on aso ako. Pero ikaw wats ur stand dun s nkwnto ko na pinatapon na pusa. Take note ha, mga 4 hours old plng ung dlwang kuting.


Ako: Hindi kasi ako pet lover lalo na sa mga pusa. Sinisipa ko lang sila kapag nakikita ko sa daan. Haha. Pero sa tingin ko, kelangan mo hanapin ung mga kuting at alagaan muna. Baka kasi kainin sila ng daga sa kalye.


Siya: Naku ung pinsan ko ang pinatapon sa mga kuting…Kahit anung pet ayaw mo?


Ako: Bird gusto ko. Mga angry birds. Haha. Nakuh panu ung mga kuting nyan?


Siya: Hahaha…Meron ako dati mga kalapati. Pinagpray ko nlng ung mga kuting…Kawawa ung nanay nila, knina pa paikot-ikot dito samen.


Ako: Pakisabi na lang sa nanay nila kung ano nangyari sa mga kuting. Mahilig ka din pala sa mga birds.


Siya: Hindi ko kaya. Naaawa tlga ako e. Yup…Kalapati unang pet ko e. Napadami ko un dati nun dinala ko sa probinsya umabot ng 50+


Ako: Cool. Dami namang kalapati yun. Mababa lang ba ang lipad ng mga kalapati mo?


Siya: Nku hindi ah…Ung unang pair ko tinalian ko para dumami..Tapos the rest paikot ikot n lng dun sa bahay at lupa naming dun…Kkatuwa nga e parang luneta lang.


Ako: Eh di Masaya pala maging pet ang kalapati


Siya: Oo naman. Pde mo himasin anytime. Tapos nkkatuwa ung mga itlog parang pugo size lang.


Ako: Talaga. Malilit din ba itlog ng kalapati?


Siya: Sakto lang…Maliit sa itlog manok pero malaki onti sa itlog ng pugo  Tapos kpag naghatch na un tapos nakagat ng langgam ung sisiw mamamatay.


Ako: Oh really. Nakakamatay pala ang kagat ng langgam


Siya: Opo naman lalu na sa bagong pisang itlog. Hahaha..Puro itlog na usapan nten.


Ako: Oo nga. Haha. Pero nakakain ba ang itlog ng kalapati? Hehe


Siya: Ay that I don’t know…Never tried e. Pero may alam ako itlog na pde kainin..Mejo maitim color nun.


Ako: Anong itlog un? Wla naman aq alam na maitim na itlog na nakakain.


Siya: Ung sa pugo. Dba maitim-itim un. Pache pache nga lang.


Ako. Ah ganun ba. Hehe. Masarap naman un.


Siya: Tama! One of my fave eggs.


Ako: Mahilig ka rin pala sa itlog.


Siya: opo… Hehehe. Ikaw ba?


Ako: Hindi masyado


Siya: Ahhh..e anu ba ang hilig mo?


Ako: Hilig ko ang mamasyal. Haha


Siya: Ahhh..mamasyal, ako sakto lang. Masaya mamasyal kpag may pera


Ako: Tama. Balik sa usapang pusa, anuh na kaya nangyari sa mga kuting naun?


Siya: Hay…Sbi tinapon daw mga 5 streets away from here.


Ako: Oh. Not good to hear.hehe


Siya: Oo nga e…Tapos ung nanay na pusa andito samen. Dun sa spot na pinag-anakan nya.


Ako: Baka mabaliw ang nanay ng pusa nyan.hehe


Siya: Hay..Wag naman sna…


Ako: Affected ka naman.hehe


Siya: Oo kaya.Baka ksi mag amok ung pusa paglabas ko ng bahay e.


Ako: Ganun ba.haha


Siya: Kaka..Gawa mo?


Zzzzz…No replies from me. Mahimbing na akong natutulog.

2 comments:

Anonymous said...

hahaha! tinulugan! nami miss ko nang ma engage sa palitan ng text na parang wala nang bukas tungkol sa kahit anu lang na topic.

NoOtherEarl said...

bigla kasi akong inantok.haha. Text-text lang--trabaho ng mga walang magawa.

Duking, na-miss mo pala ha..try mong i-text ako..haha