Dahil nga Tetris battle is a challenging game on Facebook. Palagi ko itong nilalaro. Sa umpisa, basta lang ako patong nang patong kaya tuloy laging knock-out ako ng kalaban. But now, I learned some tricks of the game. Kailangan ko lang palang basahin ang trick and tips ng laro. Naalala ko tuloy ang brick game nu'ng bata pa ako. Hindi ako binilhan ng brick game dahil wala daw kami pambili kaya tuloy nanghihiram na lang ako sa mga kaklase at kaibigan na meron. Sa Tetris, minsan nakakainis 'yung tipong mataas na ang rank mo,tapos tapos sunud-sunod kang natalo ng kalaban, ouch 'yon kaya ang ending ay mara-rank down ka. Sayang naman ang pinaghirapang mga stars. At ito pa ang nakakainis, 'yung enjoy na enjoy ka na sa paglalaro at eeeenkkk naubusan ka ng energy. Dahil jan, hindi ka na makapaglaro. Humingi ka na lang ng energy sa mga FB friends mo. Minsan walang namimigay ng energy, damot naman kasi nila, kaya ang resulta ay 'to be continued tomorrow na lang'. Saka na laro ulit kapag may energy.
***
Ilang araw pa ba ang itatagal ng Impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona? Parang mahaba-habang inuman pa ang magaganap.Medyo naiinip na ako sa kapanonood ng question and answer portion sa mga witness, manifestation ng prosecution at defense counsel at kung anu-ano pang pinagsasabi ng kung sino na hindi ko naman gets.Dapat wag na silang mag-Ingles, nosebleed tuloy ako.Si Senator-Judge Miriam Defensor Santiago lang naman ang nagbibigay kulay sa magulong mundo ng Impeachment court. Kung si Miriam na ang nagsasalita, abah kabahan ka na. Award tuloy sa maaanghang na sermon ni Miriam ang prosecution panel dahil daw incompetent ang mga ito, hindi boyscout at nagsisinungaling under oath ang iba. Paano na lang kung wala si Miriam? ***
And yes, na-book ko na ang hostel na titirahan namin sa Singapore. Excited na ako. Pers taym ito. March 10,pers taym in World History na tatapak ako sa ibang bansa. Universal Studios at Sentosa lang ang alam kong gustong puntahan dun. Wala na akong alam na iba pang magagandang puntahan. Bahala na ang mga kasamahan ko mag-decide kong saan kami pupunta doon. Actually, nadamay lang ako sa invitation ng isang officemate na mag-book ng flight to SG, seat sale kasi noon ng Cebu Pac. Kaya go lang din ako. Bakasyon lang talaga. Bakasyon lang. Akala kasi ng ilan na pupunta ako dala-dala ang aking resume para mag-apply sa mga bangko ng SG. At kapag natanggap, pagbalik sa Pinas, bitbit na ang resignation letter at handang-handa ng ibibigay sa manager. Ganito kasi ang kasalukuyang nagaganap sa ibang mga empleyado na pumupunta ng SG. Alams na. Pero in my case, nagkakamali po sila. Wala pa sa isip ko ang magtrabaho sa ibang bansa. Dito muna ako sa Pinas. Dito muna. It's more fun in the Philippines, di ba?***
Hindi ko na tanaw sa kinauupuan ko sa office ang malaking billboard ni Ed Westwick sa may EDSA. Tinanggal na 'to sa dahilang hindi ko alam. Kaninong imahe kaya ang susunod kong masisilayan? Sana si Coco Martin na lang. Pwede na din si Angel Locsin."Oy nobela na 'yang sinusulat mo," sabi ng katabi kong si Greggy sa office.
Kaya itinigil ko muna ito. Hanggang dito na lang. Hanggang sa muli. Paalam!
No comments:
Post a Comment