Matagal ko ng plano ito. Ang itapon ang lahat ng review materials na meron ako, 'yung mga sandamakmak na handouts. 'Yung iba dun ay malinis na malinis dahil hindi ko na nabuklat, natambakan ako ng mga aaralin noong review days. Hinayaan ko na lang silang naging backlogs forever. 'Yung iba naman ay siyempre aral na aral ko,lalong lalo na ang computational subjects tulad na lamang ng Practical Accounting 1 and 2, Auditing Problems at s'yempre pa ang pinakapaborito kong Management Advisory Services (take note: nag-top ako sa subject na ito noong pre-board exam). Pero bahagi na sila ng nakaraan na ayaw ko ng balikan pa. Gugustuhin ko pa bang basahin/rebyuhin sila? Of course not. Ayoko ng duguin pa ang utak ko. Enough.Anyway, wala na silang lahat sa piling ko. Dahil binigay ko na sa labandera ko. Sosyal, may labandera ako! Haha. Of course, nakakatamad kaya maglaba. At isa pang of course, hindi niya aaralin ang mga 'yon. Sigurado akong hindi n'ya gets ang mga nakasaad doon. Hindi naman n'ya alam paano ang calculation ng depreciation using SYD method o kaya magkano ang net cash inflow ng company o kaya ang minimum transfer price at o kaya ang pagkakaiba ng Solutio Indebiti sa Negotiorum gestio. Kaya naman, sure na sure ako with matching check ng pink na ballpen abot hanggang langit na ipapakilo n'ya ang mga 'yon. Oh diba, nagkapera pa siya mula sa busilak na kalooban ng CPAR at RESA, dahil mga handouts nila 'yon.
Sana bibigyan n'ya ako ng share sa kinita n'ya. I thank you!
No comments:
Post a Comment