Thursday, March 1, 2012

Nagtatanong ang Isip

Hindi ko na talaga ano ang nangyayari o mangyayari sa career ko. Ayon sa isang masusing pananaliksik ng seatmate kong si George sa mga files sa shared drive, una niyang napag-alaman, at sinabi sa akin na wala na ako sa latest organizational chart ng team namin. Confirmed. Wala na nga nang tsinek ko. Bakit ganun? At ito pa, to be released na pala ako to a different process/team.

Wala pang kumakausap sa akin on what's going on. No words from management. Nanatiling tikom ang bibig ng lahat. Para bang pinagkaitan ako ng impormasyon. Karapatan ko atang malaman ang buhay na naghihintay sa akin sa dako pa roon. Bakit kaya?

Kahapon, habang lulan ako ng jeep at pauwi na nang biglang may tumawag. Si Boss. Nagtataka ako dahil tinatanong niya kung may passport ako at kung kelan ang expiration date nito. Sinabi kong meron akong passport. 'Yun lang at binaba na namin ang phone, medyo hindi rin kasi kami magkaintindihan dahil nga nasa jeep ako at maingay.

Nag-text si boss. Private and confidential daw.(Baka mabasa ito ni Zenaida, quiet ka na lang hija). Dalhin ko daw passport ko bukas sa opis. I replied: "Noted.Thanks". Ngayon, isa ng malaking palaisipan sa akin kung bakit hinihingan ako ng passport at kung bakit wala na ako sa organizational chart. What's going on?

Kinabukasan, nag-message sa akin si boss. I-send ko daw passport details ko sa kanya. At may pahabol pang, wag ko daw ipapaalam ito kahit kanino. Bakit kaya? Anu ba talagang meron?

Medyo naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Napi-feel ko na ako ang ipapadala sa Hongkong for training. Hula ko lang. Bali-balita kasing may dalawang empleyadong ipapadala sa Hongkong for training, maaaring ako ang isa doon. Subalit hindi ko pa narinig ang pahayag ng management tungkol dito. Kaya mag-aabang na lang ako sa susunod na mga kaganapan dito sa opis.

No comments: