Tuesday, March 20, 2012

Hawla

Hinihintay ko na lang ang approval ng training visa ko for Hong Kong. Dapat akong matuwa dahil mabibigyan ako ng pagkakataong magkapagtrabaho abroad kahit ilang buwan lang. Ang dapat ay hindi dapat. May mga plano na ako sa buhay bago pa man sumingit ang training na ito. Planong mag-move on sa iba, magpakalayo-layo, hahanap ng tinatawag nilang greener pasture, 'yung may career growth at very promising compensation. Magta-tatlong taon na ako sa kompanyang ito at wala man lang magandang nangyari.  Kasi naman sa corporate world, marami ding politicians na ang sarap pag-uumpugin. 'Yung tipong sino 'yung ka-close at favorite, siya ang ipo-promote, kahit na hindi dapat, pinipilit kahit hilaw pa sa kakayahan at kaalaman. Ganito talaga sa lipunang ginagalawan natin, kaya tanggapin na lang natin. It's okay to feel bitter. In few days, lilipas din naman 'yan. Ako naman kasi, masyadong ambisyosong maabot ang mga bituin sa langit. Sana lang hindi ako babagsak sa kangkungan.


Kapag na-approve ang visa application ko, tuloy na tuloy na ang mga eksenang ito. At nahuhulaan ko na ang mangyayari sa akin sa loob ng isang taon at ilang buwan. Una, pupunta ako ng HongKong para sa training ng apat na processes. Parang nalula naman ako. Plus nosebleed. At ubo. Sa Pinas nga, isang process lang ang ginagawa ko. Magliliwaliw din ako sa HongKong. Kunwari ang saya-saya ko mag-isa. Pipiktyuran ko na lang sarili ko o di kaya papapiktyur sa mukha namang mapagkakatiwalaan. Ooops teka lang, may tita pala ako at pinsan sa HongKong. Hahagilapin ko din sila one day para makapag-bonding moments at makahingi na rin ng libreng pagkain at konting maiinom. Kahit 'wag na barya.

Pagkatapos ng training (sana may na-gets ako), babalik ako ng Pinas, may dalang maraming pasalubong dahil maraming nanghihingi lalong-lalo na ang mga twitter followers ko. Ako na ang magtuturo sa mga baguhan (ang iba ay mataas pa ang position kesa sa akin) sa mga natutunan ko abroad, if any. Nakaka-stress sa bangs ang mga mangyayari. Parang sa umpisa pa lang, magsisisi na ako.

At ito ay pinakaayaw ko sa lahat. Bonded ako. Parang isang estudyante na pinagalitan ng magulang at hindi pwedeng lumabas ng bahay. Parang isang ibong nakakulong sa hawla. Parang isang librong nakabalot sa plastik. Dahil mananatili ako sa bahay ni Kuya ng mahigit isang taon (hula lang pero parang 'yan). At sa oras na aalis ako, naku mag-babayad ako ng limpak-limpak na salapi. At wala akong pambayad kapag nagkataon. Kaya sa ayaw at sa ayaw ko na, mananatili pa ring magtatrabaho hanggang matapos ang bond period.

Anuman ang mangyari (na sigurado namang makakalipad ako ayon sa survey), good luck to me in this new endeavor. Muk'ang aabot ako ng mahigit four years dito...Dito na ba ako tatanda? Huhu.

No comments: