Gutom.
Lumabas ako ng bahay.Sinigurado munang naka-lock ang pinto. Nakatanggap kasi kami ng notice na may mga nangyaring nakawan sa building na ito, kaya mabuti na 'yong secured. Kung sino man ang mga magnanakaw na 'yan, magsisisi lang sila kung unit namin ang mapagtripan nila.
Naglakad ako sa hallway. Lakad na parang namamasyal lang. 'Yung babaeng nasa katabi ng unit namin, effort na effort sa paglilinis ng floor ng hallway na katapat ng unit nila. At 'yung isa pang babaeng kasama niya sa loob ng bahay ay abalang- abala naman dun sa mga hanger, muk'ang maglalaba atah.
Lakad pa ako ng konti. 'Yung isa pang kapitbahay, videoke naman ang trip. At itong isang ale, nagsasampay ng mga damit sa wire ng kuryente habang pinapanood siya ng tatlong batang nakaupo lang sa may hagdan.
Tuluyan na akong nakababa ng building. Aba, business as usual pa rin. Si Aleng nagbebenta ng mangga, nagbebenta pa rin ng mangga. At ang nagbebenta ng halo-halo ay nagbebenta pa rin ng halo-halo. Biyernes Santo. Sabagay, sayang din naman ang Sales.
Pumunta ako sa talipapa. Malapit lang naman. Mabuti at hindi masyadong mainit ang tanghali. Business as usual din ang tindahang nagbebenta ng mga prutas. Ang water station. Ang karinderia. Ang tindahang bukas bente kwatro oras. Maaring nasasayangan sila sa mga bentang mawawala sa kanila. Kaya siguro sila bukas. Maganda rin naman, para may mapagbilhan ako.
Bumili ako ng dalawang ulam na gulay at dalawang kanin sa karinderia. Pwede ng pantawid-gutom, pang-lunch at dinner.
Umuwi ako ng bahay.
Kumain.
Busog.
Simba mode naman mamayang hapon.
No comments:
Post a Comment