Saturday, March 12, 2011

Dear Japan,

Kumusta ka na?

Alam kong hindi mabuti ang iyong kalagayan. Nabalitaan ko ang pagdating ng mapangahas na ni Lindol at sinundan pa ng walang-awang si Tsunami sa inyong lugar. Ikaw ang headline ngayon sa radyo,tv,newspaper at internet. Pati na rin sa twitter ay trending topic ang tungkol sa'yo. 

Malaki ang kinakaharap mong problema.Subalit lagi mong iisiping lahat ng problema ay may solusyon. Ituring mong ito'y isang pagsubok lamang. Ikaw ay magpakatatag at malalampasan mo rin ang lahat ng mga ito. Hindi ka rin naman papabayaan ng iyong mga kaibigan na masadlak sa dusa.

Ako'y nalulungkot at tanggapin mo ang taos puso kong pakikiramay kasama ng aking matalik na kaibigan na si Pilipinas sa mga nangyari.Ipagdadasal namin ang iyong mabilis na paggaling, na sana ikaw ay makabangon muli at magsimula ng panibagong buhay.

Hayaan mo at tumutulong naman si Lady Gaga sa pagtitinda ng bracelet sa kanyang mga fans para magkaroon ng pera para sa'yo.

Hanggang dito na lang. Dapat mag-ingat ka lagi at laging handa sa anumang pagsubok na darating.


God Bless You.

Lubos na Nagmamahal,
Pulubing Prinsipe

6 comments:

Anonymous said...

hello.

like ko 'to. talagang may mention pa si lady gaga, haha. :D


doon po sa amin

NoOtherEarl said...

ako din ay natawa at sinali ko pa si Lady Gaga..hahaha

uno said...

hi thanks nga pla sa pagbibigay ng commment at pag -add sa blog list mo...

malaking bagay na yon kasi napansin mo ako... wahahha

in return ill be your friend as well or shal i say follower...

NoOtherEarl said...

Salamat ng marami Uno...hehehe

jedi_randy said...

J-esus
A-Always
P-Protects
A-nd
N-ever fails!

The magnitude of prayer is greater that any earthquake :)

NoOtherEarl said...

J-Just
A-Always
P-Pray
A-At
N-Night

Japan rin!