Napatunayan ko na namang tama nga ang lagi kong naririnig na linyang: There's nothing permanent in this world except change. Heto ako ngayon, nag-aalsa balutan, naglilipat ng sariling gamit mga, dadalhin sa bagong titirahan.
Oo, iiwan ko na ang bahay na naging saksi sa mga kaganapan sa aking buhay sa loob ng isang taon at limang buwan. Nakakalungkot isipin subalit kelangan kong gawin dahil 'yon ang sa tingin ko ay nararapat.
Heto pala ang mangyayari sa aking paglipat:
1. Gagastos ng malaki. Bibili ng mga kagamitan kagaya ng kutsara't tinidor, kaldero't kawali atbp
2. Mahal ang downpayment. Tataas pa ang rent expense ko ng isang-libo isang buwan kumpara sa dati. Di naman tumataas ang sahod ko.
3. Ako ang magbabayad ng nagmamahalang kuryente at tubig. Wala akong naririnig na nagbibigay ang Maynilad at Meralco ng discount.
4. Buhay katulong.Ako ang maglilinis ng buong kabahayan. Asan na ang buhay prinsipe na pinapangarap ko?
5. Monasteryo.Nakakabinging katahimikan. Siguro magpapatugtog na lang ako ng Lady Gaga songs o rap ni Abra.
6. Walang internet. Mamimis ko si Facebook ,Twitter at ang aking di naman masyadong kagandahang blog.
7. Wala ng tagapaglaba. Ambaet kasi ni Tito at ipinaglalaba ako dati ng libre.
At higit sa lahat:
8. Kapag ako binangungot ay walang gigising sa akin. Sana naman sa langit bagsak ko kapag mangyayari ang bagay na kinatatakutan ko :)
No comments:
Post a Comment