Thursday, April 7, 2011

Si Markki Stroem at Ako

Nagwawalis ako ng mga files sa My Pictures nang natisod ko ang isang album na naglalaman  ng mga litrato namin ni Markki Stroem.

Nga pala, si Markki Stroem o Marcello Angelo Ledesma Stroem sa totoong buhay ay isang half-Norweigan na finalist ng Pilipinas Got Talent. Bente-tres at nakatira sa Antipolo.

Maraming beses ko na siyang nakita, nakausap at nakipagpiktyuran.Kesa naman itago ko lang sa mahiwagang baul ang aming mga litrato sa pader, buong-laya ko na lang ipo-post dito. Medyo nakakahiya ng konti kasi makikita ang tunay kong pagmumukha sa totoong buhay, pero paki ko naman. Haha.


JUNE 2010. Pilipinas Got Talent Grand Finals. Matapos ang patimpalak, bandang hatinggabi nang lumabas si Markki sa Araneta Coliseum para magpasalamat sa kanyang mga kaibigan at fans na sumuporta. Ang lakas ng loob kong magpa-piktyur. Haha.

 ***




JUNE 24, 2010. PGT You Got It Concert, Ynares Arena, Pasig. Ang eksenang papaalis na si Markki at sa amin ay nagpapaalam na. Naalala ko na nag-offer sa akin ang Manager ko na mag-half-day na lang sa work para mapanood daw ang concert.

***



JULY 10, 2010. Friends' Day. SM Sucat, Paranaque. Litrato ng minsang sumipot ako sa kanyang mall show. At nakipagpiktyuran din ako sa kapwa nya PGT Finalists na sina Keith Delleva at Sherwin Baguion.


*** 
  

JULY 18, 2010. Grand Fans Dsy. Group Piktur na lang. Wala akong nahalungkat na solo pix eh.


 ***


AUGUST 2010. Nang minsang gumala sa Bonifacio High Street kasama si Markki Stroem at kanyang mga kapatid. Ang araw kung saan nanlibre siya ng Krispy Kreme. Hehehe. 

***

SEPTEMBER 4, 2010. Sumipot ako sa launching ng 100 days of Christmas sponsored by Eden Cheese. Sa Starbucks ito nang pumunta kami matapos ang show. 

***

HANGGANG sa dumating 'yong oras na superbusy na ako at hindi na nakasubaybay sa mga lakad ng isang kaibigan. Babawi na lang ako pagdating ng araw.

Nakakamis.



2 comments:

elmerlovesoreo said...

Crush ko yang si Markki Stroem! Swerte mo naman, dami mong pictures with him. Mabait ba talaga s'ya in-real-life? :)

NoOtherEarl said...

Thanks. Yeah, mabaet si Markki Stroem.I've met him several times. Sama ka minsan sa mga gig nya. hehe