Friday, April 29, 2011

Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig


Masdan mo ang kapaligiran. Wala ka bang napapansin?
Hindi natin maitatanggi ang nagdudumilat na katotohanang unti-unti ng nilalamon ng polusyon ang ating kapaligiran. Dahil sa kagagawan nating mga tao. Tayo ang sumisira sa ating kapaligiran. Kaya nararapat lamang na gumawa tayo ng paraan para maagapan ang unti-unting pagkasira nito o para maibalik sa dati ang talagang sira na.

Kaya naman, kusang loob akong nag-volunteer sa isang kawang-gawa. Ayon, spirit of volunteerism.  Inihahandog ng ABS-CBN Foundation, Inc in partnership with JP Morgan Chase Bank na nagkakapit-bisig para sa Ilog Pasig bukas, April 30, 2011, 7am to 12nn.

Ilog Pasig Clean-Up, Landscaping at Community Interaction ang mga activities.
Basahin ang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig para sa karagdagang impormasyon.

Aabangan ko na lang bukas ang mangyayari!

2 comments:

Nortehanon said...

Nakatutuwang isipin na ang isang kabataang tulad mo ay nakikilahok sa makabuluhang gawain tulad nito. Keep on, iho.

NoOtherEarl said...

salamat po. gustong-gusto ko po kasi ang mga volunteer activities...khit anuh, basta may time ako,sasali ako.haha