Landscaping Group. Likod ng Paco Market ang Paco de Estero. Oo nga, sadyang maitim na talaga ang tubig sa ilog. Subalit wala naman akong napansing basurang lumulutang. Marahil ay nalinis na ng mga River Warriors. Ang River Warriors nga pala ay isang grupong tumutulong sa paglilinis ng Ilog Pasig simula noong inilunsad ang programang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig. Dati daw, ayon sa kwento, maraming informal settlers sa bahaging 'yon ng Paco de Estero. Pero ngayon, wala na ang mga ito dahil nai-relocate na daw. Cool.
Farmville lang pala ang gagawin ng Landscaping Group. Tataniman lang namin ng halaman ang gilid ng estero. Syempre, bago ang lahat, may demonstration muna kong paano ang tamang pagtatanim. Una, syempre, bubutasan mo ang lupa, 'yong tamang lalim lang para magkasya ang itatanim na halaman. Pagkatapos, tanggalin sa supot ang halaman ng dahan-dahan para hindi masira ang ugat. Tapos,ilibing na ang halaman sa lupa. Lalagyan ng fertilizer. 'Yon lang. Paulet-ulet. Siyempre pa, hindi mawawala ang pictorials sa kalagitnaan ng pagtatanim.
'Yon nagtanim lang ako nang nagtanim, umabot kami ng mga dalawang oras sa site.
No comments:
Post a Comment