Saturday, July 9, 2011

Flashback: After High School Graduation

Taong 2002,siyam na taon na ang nakakaraan, nakatapos ako ng hayskul sa Holy Cross Academy, isang katoliko, pribado at sikat na school sa aming lungsod. Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako nakasama sa mga list of honor rolls. Hindi naman ibig sabihin na hindi ako matalino, sa katunayan ay tumataginting na 90.16% ang nakuha kong general average. Sadyang may mga subjects lang talaga na ayaw makisama sa pagtupad ng mga pangarap at isa na rito ang Physics. Bokya ako sa subject na ‘to, below 85% ang grade ko ng first grading, umpisa pa lang ay eliminated na ako sa honor roll.Dapat kasi walang grade na below 85% from first grading to fourth grading. Idagdag pa ang terror naming teacher na mahirap magpa-exam.

Move on,’yon na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Tapos na ang tinatawag nilang hayskul life.Haharapin ko na ang panibagong kabanata ng aking buhay, ang college life. Noon, isang palaisipan pa sa akin kung makakapag-aral nga ba talaga ko ng college. Nagmula ako sa mahirap na pamilya, ika nga isang kahig,isang tuka. Malabong matustusan ng mga magulang ko ang aking pag-aaral sa college. Sa murang edad ko na disi-sais, nag-isip ako ng mga paraan kung paano makapag-aral. Hindi ko pinangarap ang tumambay at palamunin gaya ng ilan. May pangarap din naman ako. Gusto kong maging Journalists o broadcaster balang araw.

Hindi ko naman sinisisi ang aking mga magulang sa kahirapang dinaranas. Naiintindihan ko namang nagsisikap din sila para matugunan ang pang-araw araw na pangangailangan ng pamilya. Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay.

Sabi ng Mama ko, magpa-pari na lang daw ako. Dahil sagot din naman daw ng mga foundation ang pagpapa-aral sa gustong maging pari. Sabi nga nila, to become a priest is a call. Eh, parang wala naman akong naririnig na tawag para sa bokasyong ito. Ayos ang pagiging pari, hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko naman. Ayokong sundin si Mama dahil lang sa wala na kaming ibang choice. Baka hindi ko lang mapanindigan at baka lalabas lang din ako sa seminaryo ‘pag nagkataon gaya ng ilan sa nababalitaan ko.

Sa totoo lang, nainggit nga ako sa mga kaklase ko na mag-aaral daw sila sa malalaking schools sa aming lalawigan tulad ng University of Bohol, Holy Name University, etc. At ang iba ay dadayo pa sa Cebu para mag-aral sa University of San Carlos o kaya San Jose Recoletos atbp. Alam na rin nila ang kursong kukunin, ang iba ay choice nila at meron ding ibang gusto naman ng mga magulang nila. Lagi nga nila akong tinatanon kung saan ako mag-aaral ng college at kung ano ang kursong kukunin ko. Sagot ko lang lagi ay di ko pa alam eh.

Nabalitaan ko na ang TESDA ay may financial assistance scholarship program. Sinubukan kong mag-exam. Nag-exam din ako sa isang pribadong school sa aming lungsod for scholarship. Medyo mahirap ang mga exams pero nagbabakasakali din ako na pumasa.

Dumating ang results. Laking tuwa ko ng pumasa ako sa TESDA at pumasa rin ako sa isang private school. Dahil dito, naguguluhan na naman ako kung alin sa dalawang scholarship program ang kukunin. Siyempre, kinumpara ko ang dalawa. Sa TESDA, pwede daw ako mag-aral sa alin mang school na gusto ko, pero may limit nga lang sa tuition fee, ang excess ang siyang babayaran ko. May allowance din namang ibibigay for books.

Sa private school naman, buong tuition fee pati na miscellaneous fees ang sagot ng school. Wala akong babayaran, libro na lang at daily allowance ang puproblemahin ko. Kaya naman, hindi ko tinaggap ang offer ng TESDA at nag-enroll ako sa isang private school. Ang POP (Preferential Option for the Poor) Foundation ang susuporta ng pag-aaral ko hanggang sa ako ay makatapos. Laking tuwa ko sa blessings na ‘to. Kelangan ko lang mag-maintain matataas na grades para mapanatili ang aking scholarship. Mabuti na lamang at maraming may mga busilak na kalooban sa mundo na walang ibang hangad kundi ang makatulong sa mga mahihirap. Saludo ako sa mga taong ito!

Enrollment time. Hindi ko pa rin alam kung anong kurso ang kukunin ko. Tinanong ko sina Mama at Tatay kung ano ang suggestions nila. Kahit ano daw basta ‘yong gusto ko. Gusto ko Mass Communication o Journalism eh. Subalit, hindi offered ang mga ‘yon sa school.

It’s a close fight between Elementary Education and Secondary Education Major in Math. Sabi ng karamihan sa mga hayskul teachers ko, bagay daw sa akin ang magturo. Sige Secondary Education na lang.

At biglang nagbago na naman ang isip ko. May naririnig kasi akong kwento-kwento na matagal makapagtrabaho ang isang Educ grad kasi may mga ranking ranking daw ‘yan. At may mga kapitbahay kaming Educ grad pero matagal na panahon ding tambay. ‘Yon medyo nakapag-discouraged sa akin na kunin ang kursong ‘yon.

Karamihan sa mga kaklase ko ng hayskul ay Accountancy ang kinuha. Sabi nila,mahirap daw na kurso ‘yon. Kaya iniisip ko na Commerce major in Management o Management Accounting na lang. Mas maganda pakinggan kapag tinatanong ka kung ano ang course mo tapos may babanggitin kang major. Wala naisip ko lang.

Pero may nakapag-advise na isang kakilala na kung commerce daw kukunin ko, mas mabuting Accountancy na lang.

Kaya, final decision. Bachelor of Science in Accountancy ang kinuha kong kurso.

Simula noon, may naisasagot na ako sa mga tanong na:
Saan ka mag-aaral ng college?
Anong kurso ang kukunin mo?

2 comments:

Anonymous said...

hello, elton.

gusto ko ang kwento. :) ayon pala 'yon...

NoOtherEarl said...

Salamat po. Sadyang mahirap talaga ang maging mahirap...hahaha