Thursday, July 26, 2012

Ang Nawawalang Pedestal

Umagang-umaga ay 'yon agad ang aking napansin. Parang may kulang. Parang may nawawala. And oh no, 'asan ang pedestal ko dito?

Ganito kasi 'yon.
Lunes, nilipat ko ang pedestal 124 sa bago kong relocation area.
Martes, napunta sa kung kaninong pwesto kaya kinuha ko ulet at dinala sa pwesto ko
Miyerkules, nawawala na.
Huwebes, nawawala pa rin at kasalukuyan kong pinaghahanap
Biyernes, sana mahanap ko na



Kailangan kong makita ang pedestal sa lalong madaling panahon. Nasa akin pa ang susi nun. Importante ang mga laman nun gaya ng:

  • Name tag
  • Kalendaryo
  • Post-it
  • Mga basurang papel
  • Notbuk na abuloy ng bangko
  • Starbucks tumbler na may snowman na bigay ni Anthony noong Pasko 2010
  • Isa pang tumbler na ibibigay ko sana kay Alvin (aka Jake Cuenca) pero hindi ko ibinigay dahil nagandahan ako

Pinaka-importante sa lahat ang name tag. Dahil apat 'yon. Name tag ko sa dati kong team. Name tag sa bago kong team.Name tag ni George. Name tag ni Armeda.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko natatagpuan ang pedestal 124 na 'yon. Kahit Nguso Ko Ay Masaktan!

No comments: