Walang
pasok. Students, ito na ang katuparaan ng matagal n'yo ng wish. Next time, be
careful of what you wish for, because you might just get it. Masaya ka dahil walang assignments, walang exams, at walang class recitations? Pero wala ka namang baon. Masaya ka dahil pwede ka ng mag-facebook, twitter at youtube bente-kwatro oras? Nag-aaksaya ka ng kuryente samantalang sa ibang lugar ay black-out? Sa tingin ko, mas maganda pa na may pasok pero walang baha kesa naman wala ka ngang pasok pero may baha naman.
On Noah's Ark. Usap-usapan ng mga tropa nating tambay sa
mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter ang tungkol sa Noah's Ark. Noong kasagsagan kasi ng
ulan mo, ang petsa ay 8/7/2012. At ‘yong tungkol sa Noah’s Ark, mababasa raw sa
Genesis 8:7-12. Hindi naman hiniling na maniwala ako. Hayaan na lang nating pagtsismisan nila ang nananahimik na si Noah.
Ang Mahiwagang Mensahe. Naniniwala ako na meron at meron talagang mensahe si God sa nangyaring ito. Nais lang n'ya sigurong ipaalala sa ating lahat (baka lang naman nakalimutan na natin) ang responsibilidad bilang tao na alagaan ang kapaligiran. Ang pagputol ng mga puno, ang pagtapon ng mga basura sa kung saan-saan, ang pagkupit ng budget para sa maayos na drainage system, mga usok ng sasakyan, global warming....Lahat ng ito ay gawa ng tao at alam natin na may kapalit ang lahat ng kawalang-hiyaan natin sa kalikasan. Grade 1 pa lang tayo ay itinuro na sa atin 'yan. Alam kong mahirap ng ibalik ang nawala, pero pwede pa tayong gumawa ng mabuting paraan para hindi tuluyang masira ang mundong ginagalawan natin. Ngayon, nagsimula ng maghigante ang kalikasan. We should start doing something within ourselves. Hindi pa huli ang lahat.
The Bourne Legacy. Now Showing! Oo napanood ko sa unang araw ng showing, August 8, 2012. Thanks to my boss for the free tickets. Sa uulitin. We have 5 extra tickets dahil hindi nakarating sa opisina ang iba pa naming ka-opisina. Alam n'yo naman ang mga kaganapan sa kapaligiran. Lulusong ba sila sa baha para lang manood ng libreng sine? Ibubuwis ba nila ang kanilang buhay para lang sa The Bourne Legacy? Nag-isip sila. At dahil gusto ko rin na mapanood n'yo ang movie, silent mode lang ako sa kwento ng mga pangyayari. English movie kasi ito, nosebleed ako at hindi ko na-gets ang kwento. Pero syempre inabangan ko lumabas ang Manila setting, ang matinding habulan at barilan sa squatters area at kahabaan ng Taft Avenue ata 'yun. Dinedma ko lang ang komento ng isang kakilala na nagsasabing: May gana pa kayong manood ng palabas samantalang binaha na tayo.
Touch Point. Community of College and Young Adult Believers. First time ko dito noong Sabado 6pm. Salamat at niyaya ako ni Fill para mapakinggan ko ang magandang balita ng Diyos. Maraming dumalo, siguro karamihan ay highschool at college students. Parang ako lang ata ang naligaw dun. Pero hindi naman halata dahil with my looks and personality, batang-bata at fresh na fresh, para lang akong 18 years old. Masaya at may konting kwela ang preacher na kung tawagin nila ay Coach Robert. Hindi boring. May sense ang mensahe na tagos hanggang laman. May banda pa. Dahil hindi ko alam ang tono ng kinakanta nilang worship songs, nanonood lang ako. Siguro naman matutunan ko rin 'yon habang tumatagal para makasabay sa jamming nila at talon-talon.
Please Help. Masarap sa pakiramdam kapag nakatulong ka. This is the perfect time for us to help other people who are in need.
On a Final Note. No matter what we've been through. Binaha ka man, hanggang tuhod man o hanggang chest o umabot na sa leeg o lagpas-tao na ang baha sa inyo. Nawalan ka man ng bahay, kotse at mga appliances. Naranasan mo mang ma-stranded sa kung saan. Hindi ka man nakapanood ng Bourne Legacy dahil sa baha. Sardinas man ang ulam mo. Baha lang 'yan, 'wag nating kalimutang tumingala sa higit na makapangyarihan sa lahat. Kahit ano pa yan, no one can separate God's love to us.
No comments:
Post a Comment