Dumating na naman ang judgment day. Ang araw na huhusgahan ako bilang isang empleyado ng dambuhalang bangkong ito.
Mid-year Performance Evaluation na!
Hindi naman ako kinabahan. Hindi rin excited. Na-amaze lang ako sa mga ipinakitang mga grades sa scorecard. Parang school lang at may grading system pang nalalaman. May matataas na grades at meron ding mabababa.
At superbaba ako sa attendance. Ang hirap naman kasi gumising ng maaga. Alas-sais ng umaga ang pasok ko. Magpuyat man o hindi, late pa rin gumising, ano ang aasahan mo? Atsaka, late rin naman pumapasok ang mga boss. They should serve as role models, di ba? Pero mali pa rin pala ang paniniwalang okay lang ang ma-late dahil late rin ang mga boss mo.
Hindi ko na kinuwestiyon ang aking mga grades. Mas pinili kong manahimik na lamang dahil baka bawasan pa. Alam mo naman, uso din ang dagdag-bawas. At saka, hindi ako naniniwala na sa grades nakikita kung gaano kagaling ang isang empleyado. Dahil tulad ng grades sa recitation sa school, hinuhulaan lang din 'yan.
Basta ang importante, ginagawa ko ang trabaho ng super-ayos at bonggang-bongga.
No comments:
Post a Comment