Thursday, June 14, 2012

Saan Hahantong ang Tagpong ito?

Madilim. Mahangin sa labas. Nililipad ng hangin ang aking bangs, malaking tulong para hindi ito ma-stressed sa mga nangyayari sa ating bansa. Inaabangan ko siya sa may bintana sa dulo ng hallway, kanina pa at sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito pag-ibig, 'wag kayong assuming!

May dumating. Iba ang dumating. Hindi ko kilala. Tumambay sa may bintana sa dulo ng hallway. Katabi ko. Magkatabing nakatayo. Nakatingin sa dilim. Parang nangangarap...at hinahanap ang inangking bituin sa langit.

Actually, hindi ako affected at wala akong pakialam sa naka-paa at kulot kong katabi. May maipagmamalaking ganda pa naman siya pero wala akong nararamdamang kabog. Walang spark. Wala talaga eh. Marahil hindi siya ang nakasaad sa kasulatan, dahil ayoko rin.

Sinimulan n'ya akong kausapin.

Siya:  Kuya, ano'ng pangalan mo?

Ako: Ako si Elton. Siya naman daw si Jingjing.
Siya: Saan ka nagtatrabaho?
Ako: Sa tabi-tabi lang.
Siya: Sa tabi-tabi? Ano 'yun bumu-booking?
Siya ulit: Mga kapatid mo ba 'yung mga babae sa bahay?
Ako:  Hindi lahat. Isa lang dun. Pinsan ko ang dalawa.
Siya: Pinsan mo ba si James?
Ako: Hindi. Kapatid ko.

May lumapit sa pwesto namin.
...ang ale sa kalapit na apartment na nagtitinda ng RC cola
...ang batang lalake na makulit sakay ng kanyang malaking laruang broom broom
...ang batang babae na makulit din at laging tumatakbo sa hallway
...ang kulot na dalagita na singganda ng mga bituin sa langit

At may humabol pa sa eksena
...ang lalakeng mukhang mayabang, hindi naman kagwapuhan, hindi masyadong maganda ang katawan pero nakahubad at naka-boxer shorts lang na para bang ipinagyayabang ang kanyang....

Magulo ang marami. Umalis ako. Bumaba. Iniwan ang ika-limang palapag ng gusgusing building na 'yon. Bumili ng tinapay na ewan ko kung kasingsarap ko at Hans Pork and Beans na sigurado akong masarap na masarap. Naalala ko tuloy ang paper jam ng buhay ko. Kalungkot na iniwan ako. Naroon pa rin ang kirot. Baket di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso?

May nagtext. Siya. Siya na nga.

Nasaan na? Palinga-linga ako. Hinagilap ang kanina pang hinihintay. Wala siya. Hindi naman halatang excited ako. Ilang saglit lang, nagpakita naman. Nakangiti. Assuming ako na kinilig nang makita ako. Ayiii. Bukad man sad atong atay bisag di-tinood.

Konting bolahan. Konting tapunan ng banat quotes. Konting harutan. Konting kilig moments. Konting katahimikan. Pakunte-kunte lang muna. At saan naman kaya hahantong ang tagpong ito?

No comments: