Minsan kailangan mo talagang mag-give up. Hindi dahil 'yun ang tama. Dahil 'yun ang hinihingi ng pagkakataon. Para kang nasa daan na hindi alam kung kakaliwa o kakanan o magpapasagasa na lang. Pero sa bandang huli, magpapasagasa ka na lang talaga!
Tinanong ako: Tutuloy ba ako sa training sa HongKong o hindi? 'Okay lang' tapos bigla akong nag-oo tapos hanging muna ang sagot ko. Kunwari wala pa akong sagot. Hihintayin muna ang resulta ng xray at CBC. Na makalalipas ang isang linggo, napag-alamang maysakit ako. Kaya hindi na ako tumuloy sa HK. Medyo handa pa naman ako at naka-set na ang utak ko na pupunta ako dun. Ipapakain ko na lang sa pusang itim ng kapitbahay namin ang Visa label ko. Hindi ako bitter, ha. Sadyang hindi ko lang tanggap ang sakit na ito.
Nagsasawa na ako, puro kadramahan ko na lang sa sakit ang mga post ko lately. Parang wala na akong maisip na ibang ikwento o pag-usapan. Marahil ay dahil sa dami ng gamot na pinainom sa akin at sa tusok ng karayom , feeling ko naapektuhan ang takbo ng pag-iisip ko.
No comments:
Post a Comment