Hindi ako maka-relate sa kwentuhan at tawanan ng dalawang magagandang dilag na sina Zenaida at Ara. Palibhasa napanood nila nitong huling weekend ang KimmyDora and the Temple of Kiyeme. Maghihintay na lang sana ako na may makitang naka-display na pirated dvd sa may footbridge na dinadaanan ko tuwing umuuwi at bibilhin ko.Subalit nanaig ang curiosity na mapanood ng mas maaga, habang mainit-init pa at maka-relate din kahit papaano sa kwentuhan at tawanan nila. Peer pressure ito!
Matapos ang isang makasaysayang magpapanggap na busy sa opisina kahapon, dumaan muna ako sa isang mall para manood ng sine. First time na mag-isa ako. At ayos din pala manood mag-isa. Dahil wala akong biniling popcorn, kaya naglalaway tuloy sa kinakaing popcorn ng dalawang babaeng nasa unahan na mas malakas pa sa akin kung bumuhakhak. Sa hirap ng buhay ngayon, gagastos pa ba ako para lang sa popcorn? Haha.
Maganda ang movie. Tumawa ako sa mga eksenang nakakatawa at pati na rin sa hindi nakakatawa. Magaling ang bida. Kering-keri ni Eugene Domingo kanyang ang mga roles. At higit sa lahat, bigatin ang mga extra.
Tumatak talaga sa aking isipan si Sang Kang Kang. Paano ba kasi, pangalan pa lang ay natatawa na ako. Sa hindi pa nakakapanood, panoorin n'yo na ang movie dahil kung hindi, mumultuhin kayo ni Sang Kang Kang!
No comments:
Post a Comment