“Good Morning Sir,pwedeng bang ikaw muna ang sub sa Kinder. Absent ang dalawang titser, eh,” nakikiusap ang tono ng pananalita ng school principal. Hindi nang-uutos, may halong paglalambing, pero napi-feel ko na wala akong karapatang tumanggi. Bagitong titser lang ako sa pribado at katolikong school na ‘yun . Bawal munang magreklamo,hindi pa ako regular.At sa tingin ko ay kaya ko naman o kakayanin ko na lang.
Wednesday, August 10, 2011
Kindergarten Class
Labels:
Teacher's Life
Wednesday, August 3, 2011
Pers Taym
Lahat naman tayo, nakaranas ng tinatawag nilang ‘pers taym’. Sabi nga nila, lahat ng tao, bagay,lunan, pook o pangyayari ay may kanya-kanyang simula. At ito ang aking pers taym…ang pers taym na tiyak kong magkakaroon pa ng sekond taym, tird taym at iilang tayms.
Ang ‘pers taym’ na iniisip ko ay hindi gaya ng iniisip ng ibang maruruming mag-isip d’yan sa tabi-tabi. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang unang beses ng aking pagwo-work out sa gym. Hindi ko lubos akalain na may ganitong eksena pala ang mangyayari sa buhay ko. Bahala na si Batman, Superman, Wonderwoman, Darna, Captain Barbel at lahat ng superheroes sa buong daigdig sa isang desisyong sana ay mapanindigan ko bilang isang tunay na Pilipino ng walang pag-iimbot at ng buong katapatan sa isip, sa salita at sa gawa.

Health and Fitness
Subscribe to:
Posts (Atom)