Kaya, “okay, sige po, ako munang bahala” ang naisagot ko.
Kakarating ko lang sa school, diretso sa Faculty room, inilapag sa table ang dalang bag na may lamang mga libro, lesson plan at kung anu-ano pang ginagamit ng isang ulirang guro. Hinihingal pa dahil halos lakad-takbo na ang ginawa para hindi lang ma-late sa flag ceremony. Walking distance lang naman ang apartment na tinutuluyan ko sa school.
Medyo nabigla pa ako ng konti sa naisagot. Ano daw ‘yon? Ako muna ang bahala? Bahala na nga si Batman!
***
Sa Klasrum, andun ang mga yaya, binabantayan ang mga alaga nila, pero umalis naman nang makita ako. Siyempre, gaya ng sabi ko, ako na ang bahala. Kinse ang mga bata sa loob ng klasrum, siyempre binilang ko. May nagtatakbuhan, may mga nakatayo, may tahimik at nakaupo lang, may naglalaro, may nagsusulat sa pisara, may nagkukulay na ng colouring book,may nagdadaldalan at kung anu-ano pa ang ginagawa.
Nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. Iniisip ko pa kung paano makuha ang atensyon ng mga batang ito at nang makapagsimula na at nang makauwi na sila at nang matapos na ang aking pagpapanggap. Pers taym ko i-handle ang Kinder 1 kaya testing muna ang klase na ito. Kilala ko na rin halos lahat ng mga bata, lagi kasi ako tumatambay sa Kinder room kasi malamig at nakikipagkwentuhan sa mga kinder teachers.
Una,sinaway ko muna ang dalawang batang lalaking naghahabulan. Pinaupo at umupo naman ng maayos. Ang mga nakatayo, ay kusang umupo na rin. Hanggang ang lahat ay maayos nang nakaupo.
Ako: Ako si Teacher T. Wala si Teacher Joy ngayon, kaya ako muna ang teacher n’yo ngayong araw.
Nagtaas ng kamay si Alec. Ito ‘yong batang pinakamakulit sa klase.
Alec: Teacher, teacher, bakit wala si Teacher Joy? Sabi niya kasi, bibigyan nya ako ng maraming stars ngayon kapag nag-behave ako.
Siyempre hindi ko alam kung bakit wala ang teacher nila. Para saan pa at inembento ang imbento.
Ako: Ah, si Teacher Joy ninyo ang pinuntahan lang, may gagawin lang siyang importanteng-importante. Sige Alec, kapag nag-behave ka today, bibigyan din kita ng maraming stars. Mga bata, gusto nyo ba ng maraming stars?
Klase: (sabay-sabay) Opo…
Ako: Sige basta behave lang kayo lagi. Okay ba ‘yon?
Klase: Opo.
Alec: Teacher, teacher, hindi pa tayo nagpi-pray.
Ako: ‘Yun ang next nating gagawin, Alec. Everybody stand. Let us bow our heads, close our eyes and put ourselves in the presence of God. In the name of the Father, the Son, the Holy Spirit. Amen…Angel of God, my guardian dear…..
Umpisa lang ang alam ko sa dasal. Siyempre, memorize na nila kaya sila na lang ang nagpatuloy.
***
Tinignan ko ang program of activities na naka-paskil sa bulletin board. Morning exercise, Reading, Story Telling, Recess, at Math ang pagkakasunod ng mga gagawin para sa araw na ‘yon. Hmmp, pwede ko namang hindi sundin mga lahat ng mga ito, total wala namang makakaalam.
Ako: Mga bata, sino sa inyo ang kabisado na ang lahat ng exercise tuwing morning?
At halos lahat nagtaas ng kamay. Siyempre, kelangan ko mamili ng magli-lead ng morning exercise. Hindi ko kaya kabisado ang mga steps at pagkakasunod. Pinili ko na lang si Gab, ang anak ng co-teacher ko. Hindi naman ako nabigo dahil kabisado nya talaga ang exercise, palibhasa araw-araw na nilang ginagawa sa klase. Ako ay nakikigaya na rin lang sa bata. At natawa naman ako sa sarili.
Reading Time. Nag-isip ako kung ano ang gagawin. Siyempre, dun na ako sa mas madali. May flash card ng alphabet si Teacher Joy, kaya ‘yun na lang ang pinapabasa ko sa mga bata. Tinatanong ko rin isa-isa kung anong letra ang nasa card. May nakakasagot. May hindi alam. May mali ang sagot. May ayaw sumagot.
***
Storytelling time.
Ako: Mga bata, gusto nyo bang magkwento si Teacher?
Klase: Opo!
Ako: Hindi ako magku-kwento hangga’t hindi nagbi-behave si Alec. (Bigla kasi itong umalis sa upuan at kinuha ang bola at nagdribol-dribol sa likuran) Alec, go back to your sit.
Alec: Teacher, gusto kong maglaro ng basketball,eh.
Ako: Mamayang recess na laro Alec. Di ba sabi mo, gusto mo ng maraming stars? Ang mga behave lang ang binibigyan ko ng maraming stars. Behave ba si Alec today?
Klase: Hindi po…
Si Alec, patuloy pa rin sa paglalaro….
Ako: (inis na pero hindi pa rin pinapahalata. Kelangan kong idaan sa maayos na usapan ang Alec na ‘to) Alam n’yo bang si Alec ay pinasukan na ng bad angel today. At mawawala lang ang bad angel sa kanyang katawan kapag umupo siya ng maayos.
Pagkarinig ni Alec, bigla siyang bumalik sa upuan. Natakot ata sa bad angel. In fairness, umepekto ang panakot ko sa kanya.
At nagsimula na akong magkwento tungkol kay ‘Little Red Riding Hood’
2 comments:
ahaha! ang galing ng kwento. like. :)
hahaha..
true to life story. 5 years ago, when I was 20. ^.^
Post a Comment