Wednesday, August 3, 2011

Pers Taym

Lahat naman tayo, nakaranas ng tinatawag nilang ‘pers taym’. Sabi nga nila, lahat ng tao, bagay,lunan, pook o pangyayari ay may kanya-kanyang simula. At ito ang aking pers taym…ang pers taym na tiyak kong magkakaroon pa ng sekond taym, tird taym at iilang tayms.

Ang ‘pers taym’ na iniisip ko ay hindi gaya ng iniisip ng ibang maruruming mag-isip d’yan sa tabi-tabi. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang unang beses ng aking pagwo-work out sa gym. Hindi ko lubos akalain na may ganitong eksena pala ang mangyayari sa buhay ko. Bahala na si Batman, Superman, Wonderwoman, Darna, Captain Barbel at lahat ng superheroes sa buong daigdig sa isang desisyong sana ay mapanindigan ko bilang isang tunay na Pilipino ng walang pag-iimbot at ng buong katapatan sa isip, sa salita at sa gawa.


Okay pers taym ko. Namin pala. Kalakip ng dalawang opismeyt ko na laging sinasabi nilang ‘Maganda sila kaya lang chubby’. Pagbabawas ng timbang ang trip ng mga babaeng ito. Iba naman ang trip ko, ang kabaliktaran ng sa kanila.

Isang taon ang kinuha naming membership sa isang fitness gym sa loob ng Megamall. Sa halagang mahigit pitong-libo ay masasabi kong mura na ‘yon. Ang usapan, alas siyete pa lang ng umaga ay andun na kami para sa isang nakaka-excite na tagpo. Pareho kaming pers taym eh. Ayoko namang wala akong kasama, medyo shy type pa ako sa mga ganitong kalakaran.

Sarado pa ang mall. Malamang. Alas diyes pa magbubukas. Pinakita ko lang sa guard ang resibo para makapasok sa mall. Ayon, pinapasok naman. Wala pa akong ID kasi. Molecules red t-shirt, light-blue na basketball shorts, Otto rubber shoes at Penshoppe back pack ang aking napag-tripan na isuot. Salamat sa aking mga sponsors.

Sinabi ko sa receptionist na unang araw ko para mag-gym. Ayon, pinahintay lang ako ng konti. Nag-sign up ng form. At ilang saglit lang ay pinakilala na sa akin ang isang trainor. Siya daw si Jake. Okay. Pogi naman. Haha.

Una, kinuha muna ang aking timbang. Ano pa nga bang aasahan ko sa sarili ko, halata naman, hindi ako mabigat. Kulang ang timbang sa edad ko. At kaya nga ako nandito para sana at maraming sana na sana masolusyunan ng kahit konti ang hindi naman masyadong kabigatan na problemang ito.

Kinuha ang body measurements. Lahat ng nasa listahan. Ayon. Konting orientation.Tapos umpisa na. Stretching daw muna sa harap ng malaking mirror mirror on the wall. Sabi ni Jake, gayahin ko lang daw lahat ng mga stretching exercises na naka-post sa pader. Eh, di gayahin. At mahirap pala ‘yung ibang exercises, di ko magaya-gaya kaya kung anu-ano na lang ang pinagagawa ko. ‘Yung mahihirap,skip ko na. Haha.

At sabi ni Jake, threadmill na daw ako. 15 minutes lang. Sinunod ko naman. Ayon, panay lakad lang ang ginawa ko. Mahina muna ang speed na pinili ko kasi baka mabigla ako kapag superbilis.

Siyempre, pa-sulyap-sulyap din ako sa kapaligan. Konti lang naman ang tao. May sumasayaw sa dance floor, may nagda-dumbbell, at kung anu-ano pang eksena na mai-imagine mo sa isang gym.

At ang huli, mga abs exercises na ang itinuro sa akin. Wah…ang sakit sa tiyan ‘yung mga eksena. Pero ginawa ko naman.

At sabi ni Jake, ‘yun daw muna at pwede na akong umuwi. Next session na lang daw ‘yong iba pa. Umpisa pa lang pero medyo masakit na mga buto at muscles ko.

Hayy…kapagod ang pers day.

2 comments:

Anonymous said...

oki. in no time, medyo tataba ka, pramis. hindi kahirapang magpataba.

ang mahirap ay yong kabila, prinsepe. kumusta? :)

Ka-Swak said...

buti ka nga magpapataba. mas mahirap ang magpapayat at yan ang problema ko ngaun, lumulubo ako hehehe pero slight lang naman