Wednesday, May 25, 2011

CPA na ako. Yehey!


Konting patalastas at konting pagmamayabang lang po.

Salamat at nagbunga din ang aking paghihirap....
It's official, 
CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT (CPA) 
na po ako.


Tuesday, May 24, 2011

Kakabakaba

Kung may taong kinakaahan sa mga oras na ito, AKO yon. Apat na araw ang CPA Board Exam (May 15,16,23,24 2011) at kahapon lamang ito natapos. At ngayon ay ilalabas na ng PRC ang result, NGAYON mismo, sa araw na ito, sa mga oras na ito. Kaya naman, kanina pa ako naka-online, nag-aabang,na sana matagpuan ko ang aking pangalan sa LIST of PASSERS.

Let's Pray!

Friday, May 6, 2011

Landscaping sa Ilog Pasig

Hinati ang grupo sa tatlo. Clean-Up, Community Interaction at Landscaping. Hindi ko alam ano ang gagawin sa Landscaping, pero 'yon ang pinili ko. Sa Clean-Up group, isang daang porsyentong maglilinis talaga sila sa may bandang ilog. Sa Community Interaction naman, mga bata sa Paco de Estero ang aasikasuhin, malamang may story-telling at food feeding na mangyayari.

 Landscaping Group. Likod ng Paco Market ang Paco de Estero. Oo nga, sadyang maitim na talaga ang tubig sa ilog. Subalit wala naman akong napansing basurang lumulutang. Marahil ay nalinis na ng mga River Warriors. Ang River Warriors nga pala ay isang grupong tumutulong sa paglilinis ng Ilog Pasig simula noong inilunsad ang programang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig. Dati daw, ayon sa kwento, maraming informal settlers sa bahaging 'yon ng Paco de Estero. Pero ngayon, wala na ang mga ito dahil nai-relocate na daw. Cool.


Farmville lang pala ang gagawin ng Landscaping Group. Tataniman lang namin ng halaman ang gilid ng estero. Syempre, bago ang lahat, may demonstration muna kong paano ang tamang pagtatanim. Una, syempre, bubutasan mo ang lupa, 'yong tamang lalim lang para magkasya ang itatanim na halaman. Pagkatapos, tanggalin sa supot ang halaman ng dahan-dahan para hindi masira ang ugat. Tapos,ilibing na ang halaman sa lupa. Lalagyan ng fertilizer. 'Yon lang. Paulet-ulet. Siyempre pa, hindi mawawala ang pictorials sa kalagitnaan ng pagtatanim.

'Yon nagtanim lang ako nang nagtanim, umabot kami ng mga dalawang oras sa site.