Aminado ako, katulad din ng iba, ayoko sa networking business. It’s too good to be true ang earnings na pinapakita ng mga speakers during the business orientation. Of course,they want to entice people to join them in the business. Being a (proud) accountancy grad, one of the qualities that I believe I have is being a skeptic (parang sagot lang sa beauty pageant).Kumbaga ‘Professional Skepticism’. Turo yan sa Accounting lalo na kapag nag-conduct ng audit of Financial Statements versus supporting evidence. Ang ebidensya ay pwedeng pagdudahan, kelangang malaman kung ito nga ba ay genuine evidence. Sabi nga ni Tuesday Vargas sa kanyang kanta: ‘Nililinlang ka lang ng iyong paningin’.Meron nga d’yan ,gwapo,astig, malaki ang katawan, namumutok ang mga maskels, ‘yun pala CONFIRMED! Oh, di ba? Sa panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo. May huwad. May nagpapanggap.May nagkukunwari.
I’ve been into several business opportunity meetings since I was 20. Hindi ako nakaligtas sa matatamis na salita ng DXN, NuSkin at kung-anu-ano pa. Lagi kasi akong sinasama ng isa kong friend na networker din. As a sign of friendship, sumasama ako pero hindi akong sumali. Never.
Nagpatuloy ang aking buhay.Trabaho.Sweldo.Gastos.The cycle continues. Ganun palagi. Walang pagbabago.Minsan napapaisip ako. Bakit kaya hindi na lang ako mag-business? At muli’y napaisip at tinanong ang sarili: May capital ba ako? Sa kakarampot na kinikita ko, wala nga akong naiipon. So,kinalimutan ko ang iniisip. At ipinagpatuloy ang ikot ng buhay. Trabaho.Sweldo.Gastos.
Sa kakahanap ng magandang opurtunidad na magbibigay ng mas malaking sahod, napadpad ako sa isang international bank. Maayos naman ang kitaan kumpara sa dalawang kumpanyang aking napasukan dati. Gayunpaman,hindi pa rin nagbago ang ikot ng buhay ako. Trabaho. Sweldo. Gastos pa rin. Mula noon, hanggang ngayon.
After shift.
“May ipapanood ako sa’yong video,” sabi ng isang kaibigan/opismeyt (pero sa totoo lang, taximate ko lang talaga siya na itago na lang natin sa kanyang tunay na pangalang 'Bernadette'.Wala akong ideya kung ano ang videong ‘yon. Dahil sa tinatawag nating due respect, kinuha ko ang inaabot niyang C3 phone at pinanood at pinakinggan ang nasa video. 8 minutes lang ‘yon.
“Hi Friend,may tanong ako sa’yo. Happy ka na bilang isang employee? Okay lang ba sa’yo na mag-work mula…..blah…blah…blah.” Hanggang natapos ang almost 8 minutes. Binalik ko na ang phone nya. Wala akong comment. Hindi ako nagtanong. Hindi rin siya nagpaliwanag. Parang walang nangyari.Ang sabi lang n’ya, member daw siya nun. Okay. Ikaw na ang member! Hindi ako nagkaroon ng interes.
Lumipas ang apat na buwan. Sa dahilang hindi ko alam….sa dahilang hindi ko maipaliwanag…kung bakit bigla na lang akong nagyaya sa kanya na pumunta sa opis nila sa Ortigas para sa isang business opportunity meeting. Minsan na rin kasi nyang nabanggit na they do conduct free business orientation sa opis nila. Pero before ako umattend ng BOM, I did some research online. And I found out that the business is good. To think na target mo ang isa sa mga basic needs ng mga tao sa modern generation which is ang cellphone load nga. Nagbasa ako ng mga blogs. Pinanood ang mga success stories via youtube. It’s promising. Kumikita ka na, nakakatulong ka pa.Right then and there, gusto ko na agad sumali. At ito pa, ngayon ko lang nalaman na ang Avon, SaraLee etc. ay mga networking business din pala gaya ng VMobile.
And it all started there.
Nakaupo ako sa training room. Katabi ang kaibigan/opismeyt (pero sa totoo lang, taximate ko lang talaga siya). Nakikinig kay John Rey sa kanyang mga house rules (parang bahay ni Kuya lang ang drama). Isa sa mga house rules na hindi ko makalimutan: Kapag may tumunog na cellphone, ipapa-raffle! Di ba ang kulit? Umpisa pa lang, hindi na boring.
Ipinakilala si Alpha. Dating government employee. Ipinaliwanag n’ya ang business. Tama nga siya. Reality check! I’ve been working for more than 5 years. May nangyari na ba sa buhay ko? Empleyado pa rin ako na kahit kailan hindi makakawala sa trabaho-sweldo-gastos na takbo ng buhay.
Naalala ko tuloy when I was in college.May seminar. Sabi ng speaker: “One’s goal after graduation should be to provide employment to people rather than looking for a job”. I totally agree. Sabi kasi ng nanay ko: “Anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo para kapag nakatapos ka, makakahanap ka ng trabaho.” At sa school din, I don’t remember na tinuturo ang pagtatayo ng negosyo after graduation. Teachers would always say: “After graduation,you have to look for a job”. Kaya ako, gaya naituro, gaya ng sabi ng nanay ko, gaya ng karamihan, naghanap ako ng trabaho pagkatapos ng graduation. Naging Computer Teacher, Accounting staff, call center agent at ngayon banker. Umasenso ba ako? Reality check ulet!
Nagbago ang pananaw ko sa buhay. Bakit hindi ko ito subukan? Malay natin, ang negosyong handog sa atin ni VMobile ang makakapagbago ng ikot ng simpleng buhay ko. Walang masama kung maniniwala ako. Hindi na ako nagduda pa. Iniisip ko kasi, habang ako ay nagdududa, ang iba naman ay kumikita na. Kung hindi ko papatulan ang negosyong ito, kung ano ako ngayon, yun pa rin ako bukas at malabong magbago ‘yun. Sumali ako dahil sa posibilidad na magpabago ng takbo ng buhay ko. Ipagdadamot ko pa ba ang halagang 3,988?
And now, I am a proud VMobile Technopreneur!
I started sharing the business to others. Testing lang sa kauna-unahang pagkakataon. Nag-present ako sa kapatid ko. Hindi man lang nag-isip ang loka, sumali agad. Ako pa ang nagulat…mas nauna pa pala siya sa akin sa VMobile dahil isa pala siyang ganap na TechnoUser under her officemate.
Iba’t iba rin ang feedback ng mga tao na na-kwentuhan ko about the business. May mga sumali. Dahil gaya ko, nagustuhan din ang business.And the list goes on….and on. Magpapahuli ka pa ba?
May hindi sumali. Scam daw. Pyramiding. Lokohan.Wala silang time. Hindi nila maasikaso. Hindi nila linya. Walang pera. Busy sa work. Ayaw sa networking. Hindi kikita. Kesyo ganito. Kesyo ganyan. Nauunawaaan ko sila. Dahil minsan din akong naging tulad ng pag-iisip nila.
And yes, kumikita na rin ako. Naniniwala ako na gaya ng ilan, magiging successful din ako in this business in the future. Hindi imposible. One day, I’ll be posting my own VMobile Success story. Gaya ng CPA Board Exam Story ko, na nagsilbing inspirasyon ng ilan. Na bandang huli, naging successful ako after all those struggles dahil sa determinasyon, sipag , tiyaga at todong dasal.
Ikaw? Hanggang kelan ka magdududa?
Kami, kumikita na. Magpapahuli ka pa ba?
Sa VMobile, kikita ka rin!
1 comment:
hello po. Gusto ko lang malaman kung kailan kayo nagsimula (month&year)? And ano na update sa income mo (sorry, if this question sounds rude)?? Ininvite kasi ako ng friend ko. Gusto ko lang malaman how successful it is from other people. :)) Thank you.
Post a Comment