Umagang-umaga ay 'yon agad ang aking napansin. Parang may kulang. Parang may nawawala. And oh no, 'asan ang pedestal ko dito?
Ganito kasi 'yon.
Lunes, nilipat ko ang pedestal 124 sa bago kong relocation area.
Martes, napunta sa kung kaninong pwesto kaya kinuha ko ulet at dinala sa pwesto ko
Miyerkules, nawawala na.
Huwebes, nawawala pa rin at kasalukuyan kong pinaghahanap
Biyernes, sana mahanap ko na
Thursday, July 26, 2012
Ang Nawawalang Pedestal
Wednesday, July 25, 2012
IQ Test
Sagutin ng matino at matapat ang mga sumusunod na tanong:
1. Nag-away kayo ng kaibigan mo, ano ang gagawin mo para maibalik mo ang dating sigla ng Mindanao?
2. Naiwan mo ang I.D. mo sa bahay, ano ang sasabihin mo sa guard para i-follow ka niya sa twitter?
3. Sa sitwasyon ng gobyerno natin ngayon, may pag-asa pa bang tumamis ang asin?
4. Oo o Hindi. Ano ang nararamdaman mo ngayon?
5. Libing ng pusa mo eh may outing ang barkada mo, ano ang una mong isusuot? Pantalon o t-shirt? At baket?

Labels:
Questions
Tuesday, July 24, 2012
Nawawalang Isda
Litratong nakaw sa di ko na matandaan kung kaninong facebook account |
Hay salamat! At sa wakas, nahanap na rin ang apat na nawawalang isda.
Labels:
Animals,
Current Events
Sunday, July 22, 2012
Tag-ulan
Ano na naman itong lagay ng panahon sa Pilipinas? Parang si Pokwang lang, hindi maganda.
Isang mahalagang paalala, hindi pwedeng balewalain. Kung wala namang importanteng lakad, mainam na manatili na lang sa bahay. At kung may importanteng lakad, 'wag kang magpapigil sa ulan at bagyo. Iwasan lang maging basang sisiw baka ikaw ay magkasakit. H'wag lang kaligtaang magdala ng payong o kapote, ekstrang damit, ekstrang panty o brip, salbabida, ekstrang payong at extrang condom.
Larawang nakaw sa http://www.ekstranghero.com/ |
Isang mahalagang paalala, hindi pwedeng balewalain. Kung wala namang importanteng lakad, mainam na manatili na lang sa bahay. At kung may importanteng lakad, 'wag kang magpapigil sa ulan at bagyo. Iwasan lang maging basang sisiw baka ikaw ay magkasakit. H'wag lang kaligtaang magdala ng payong o kapote, ekstrang damit, ekstrang panty o brip, salbabida, ekstrang payong at extrang condom.
Labels:
Current Events
Saturday, July 21, 2012
Resignation Letter 2
Muntik ko ng maipasa 'to noong mga panahong nagtitiis sa kirot at hapdi ng karamdaman. Bigla na lang nagbago ang aking isip dahil na-realize ko na hindi pa ito ang takdang panahon at darating din tayo d'yan.
Mabuhay ako!!!
Friday, July 13, 2012
Three Years
July 13,2009 to July 13,2012. Three years na akong alipin empleyado ng dambuhalang bangkong ito.
At simula noon, hindi na ako pwedeng makialam sa account na 'yun. Nadala sila sa kamalian ko.
8. Kumakain ako ng lunch sa cafeteria nang minsang sinugod ng poging manager. Kailangan ko daw tapusin ang ginagawa dahil may deadline. Ang kawawang ako, itinigil ang pagkain at tinapos ang dapat tapusin. Nawalan na tuloy ako ng gana.
9. Maraming beses akong natakot i-press ang 'enter' sa pag-process ng transaction lalo na kapag hindi ako sure na sure sa ginagawa ko. Akala ko kasi kapag na-enter mo na, hindi na madi-delete. Ang hindi ko lang alam, pwede pa lang i-delete kapag nagkamali.
At nais ko lang balikan ang mga masasaya, malulungkot at nakakainis na mga eksena sa buhay ko sa loob ng tatlong taon bilang isang bangkero.
1. Na-interview ako sa loob ng Jaka building sa Makati. Ipagpaumanhin at hindi ko mapigilan ang sarili sa paglait sa nasabing building. Mainit ang lobby area, hindi gumagana ang ibang elevators, luma na at mukhang fully-depreciated (laspag na laspag) at konti na lang ang salvage value sa katapusan ng kanyang buhay. Dahil d'yan, naimbento ang bansag na 'Chaka Building' .Pero sa kabila ng lahat, memorable para sa akin ang building na 'yon dahil dun nagsimula ang lahat. Tatlong set of interviews ang pinagdaanan ko. In-interview ako ng Vice President (VP), ng Assistant Vice President (AVP) at ng Process Manager (PM) sa magkakaibang araw. Kaya pabalik-balik ako sa Chaka building.
2. Hindi ako pumayag na ilagay sa kol sintir ng bangko. Mas bagay daw ako dun dahil may 2 years call center experience ako at mas mataas daw ang sahod sabi ng HR manager. Over my dead and beautiful body! Sumumpa na ako na hindi na kailanman babalik pa sa kalait-lait na mundo ng kol sintir.
3. Patience is a virtue.Naghintay ako ng mahigit isang oras sa loob ng maliit na room na 'yon para sa job offer at mukang nakalimutan na akong balikan ng HR manager. Dalawang buwan din akong naghintay bago nakapagsimula sa trabaho. Buwan ng Mayo ako nag-apply pero Hulyo pa ang start date.
4. Isang malaking problema ko ang isusuot. Pormal-pormalan kasi ang drama. At hindi nauso sa buhay ko ang magsuot ng longsleeves/shortsleeves at slacks sa opisina. At sa putik na kol sintir kung saan ako nanggaling, hindi rin uso ang ganung suot dahil simpleng shirt at jeans ay pwede na.
5. Marami akong mga naging kaibigan sa training at kumakain kami ng lunch ng sabay-sabay. At lunch pa rin ang tawag kahit sa gabi na kumakain.
6. Pinaka-ayaw namin dumating ang Biyernes dahil exam day at pinapatawag sa principal's office ang mga mabababa ang scores. Isang beses kong nai-perfect ang exam at feeling ko, ang tali-talino ko na. Kahit papano, sumikat din ako! Pero bumagsak naman ako sa ika-sampung exam at feeling ko ang bobey ko talaga.
7. Pinagalitan ako ng isang SME (subject-matter expert daw), babaeng indian na mahilig magsuot ng itim kaya halata tuloy na may kung ano na nahuhulog galing sa kanyang buhok.
SME: Elton come here. Why did you do this?
Ako: I thought what I did is right.
SME: No, no. That's wrong.
8. Kumakain ako ng lunch sa cafeteria nang minsang sinugod ng poging manager. Kailangan ko daw tapusin ang ginagawa dahil may deadline. Ang kawawang ako, itinigil ang pagkain at tinapos ang dapat tapusin. Nawalan na tuloy ako ng gana.
9. Maraming beses akong natakot i-press ang 'enter' sa pag-process ng transaction lalo na kapag hindi ako sure na sure sa ginagawa ko. Akala ko kasi kapag na-enter mo na, hindi na madi-delete. Ang hindi ko lang alam, pwede pa lang i-delete kapag nagkamali.
10. Pinasikat ko ang mga linyang, 'And that is correct!', 'Your sorry will not bring me to London!', 'Bakit? Maganda ka ba?', at 'Nakaka-stress sa bangs!' May kanya-kanyang kwento ang mga linyang ito.
11. Nakatanggap ako ng 'Pringles award' ng dalawang beses. Ito ay award na binibigay sa mga magagaling sa team at sipsip sa manager. At ang premyo ay pringles.
12. Feeling ko lang nainggit sa akin mga officemates dahil lagi akong binibigyan ng projects ng manager. Tanggap naman ako ng tanggap at hindi nagrereklamo. Ginagawa ko naman ang lahat sa abot ng aking makakaya.
13. Nawala ako sa Baguio noong minsang may team outing kami. Hinanap nila ako ng mahigit isang oras at galit na galit sa akin lalo na 'yung TL ko dahil kung saan-saan daw ako nagpupunta at uuwi na kami dapat. Muntik na akong maiyak nun. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin inaaming kasalanan ko. Sila pa ang sinisi ko dahil iniwan nila ako. So,ang lumalabas eh kasalanan pa nila.
14. Bitter ako nung hindi matanggap as TL sa sariling team. Na-promote kasi 'yung TL as manager. Dapat ako ang next in line pero sa kabilang team sila kumuha ng kapalit. At ang kapalit ay matabang panget na maitim.
15.Hindi na ako bitter nung hindi natanggap as TL for the second time na nag-apply ko dahil alam kung sa umpisa ka lang ay .01% na ang tsansa kong matanggap. Sumakay lang ako sa laro na sinimulan nila.
16. Tuwang-tuwa naman ako dahil hindi ko inasahan nang ipinaghanda ako ng cake at spaghetti na binili sa Red Ribbon noong pumasa sa CPA Board exam. Salamat kay AVP (ngayon VP na siya sa ibang team). Tats ako. Sobra.
17. Fan ako ni Coco Martin at alam 'yan ng management.
18. Kahit maraming workload, pinayagan akong mag-half day ng manager para manood ng concert ni Markki Stroem and other PGT finalists. Very supportive lang!
19. Bitter na naman ako ulit. Dahil nag-apply ako ng TL sa isang newly-organized team. Tuwang-tuwa ako ng sinabing tanggap ako. Pero nang dumating ang oras ng pirmahan ng kontrata, napag-alaman kong hindi pa daw pwede akong maging TL dahil may bagong HR policy na ayaw ko ng ipaliwanag pa dahil nakakainis talaga. Pera na sana naging bato pa. Masarap ibato ang bato sa noo sa kung sinumang HR ang gumawa ng policy na 'yun na ayaw ko ng ipaliwanag pa. Tinanggap ko ang offer kahit hindi TL post (one level down lang) dahil morning shift ito at mukhang promising naman.
20. Nasa malubhang kalagayan ako at out of the office for more than a month. Dinaig ko pa daw si Elisa sa pagkawala. Nag-alala na silang lahat ('yung iba panggap lang).
21. Sayang 'yung opportunity na nawala sa akin. Ako sana ang ipapadala sa HongKong para sa isang training pero dahil sa number 20, hindi ako natuloy. Si George ang pumalit sa akin at dahil dun, isinumpa ako. Ayaw niya sana pero wala na siyang magagawa pa dahil wala ng ibang pwede kundi siya lang. Pero nag-sorry naman ako dahil hindi ko naman kasalanan ang lahat ng mga nangyari.
22. Muntik na akong magpasa ng resignation letter at magsimula ng panibagong buhay sa probinsiya. Nagbago ang ihip ng hangin at hindi na itinuloy dahil sa tindi ng pangagailangan ng salapi.
23. 'Yung ibang mga eksena ay nakalimutan ko na. Pero isa lang ang tiyak ko, ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko ay nakatulong ng malaki sa kung ano at sino ako ngayon, isang superbaet at supergenius na nilalang sa mundo ng mga tao.Haha.
Monday, July 9, 2012
Husgahan mo ako!
Dumating na naman ang judgment day. Ang araw na huhusgahan ako bilang isang empleyado ng dambuhalang bangkong ito.
Mid-year Performance Evaluation na!
Hindi naman ako kinabahan. Hindi rin excited. Na-amaze lang ako sa mga ipinakitang mga grades sa scorecard. Parang school lang at may grading system pang nalalaman. May matataas na grades at meron ding mabababa.
At superbaba ako sa attendance. Ang hirap naman kasi gumising ng maaga. Alas-sais ng umaga ang pasok ko. Magpuyat man o hindi, late pa rin gumising, ano ang aasahan mo? Atsaka, late rin naman pumapasok ang mga boss. They should serve as role models, di ba? Pero mali pa rin pala ang paniniwalang okay lang ang ma-late dahil late rin ang mga boss mo.
Hindi ko na kinuwestiyon ang aking mga grades. Mas pinili kong manahimik na lamang dahil baka bawasan pa. Alam mo naman, uso din ang dagdag-bawas. At saka, hindi ako naniniwala na sa grades nakikita kung gaano kagaling ang isang empleyado. Dahil tulad ng grades sa recitation sa school, hinuhulaan lang din 'yan.
Basta ang importante, ginagawa ko ang trabaho ng super-ayos at bonggang-bongga.

Wednesday, July 4, 2012
Have a Rockin' 4th of July!!!
Today is an Independence day in the United States.
Today, they commemorate the adoption of the Declaration of Independence on July 4,1776,
declaring independence from the Kingdom of Great Britain.
declaring independence from the Kingdom of Great Britain.
God Bless America!
Labels:
Current Events
Subscribe to:
Posts (Atom)