Larawang nakaw sa http://www.ekstranghero.com/ |
Isang mahalagang paalala, hindi pwedeng balewalain. Kung wala namang importanteng lakad, mainam na manatili na lang sa bahay. At kung may importanteng lakad, 'wag kang magpapigil sa ulan at bagyo. Iwasan lang maging basang sisiw baka ikaw ay magkasakit. H'wag lang kaligtaang magdala ng payong o kapote, ekstrang damit, ekstrang panty o brip, salbabida, ekstrang payong at extrang condom.
Tag-ulan. Ito ang panahon kung saan tayo ay nakakatipid dahil naiiwasan ang paggala. Narito ang ilan sa mga pwedeng gawin sa loob ng bahay.
>Matulog nang matulog. Kapag ginutom, nakakatamad bumangon para kumain kaya itulog na lang din ng gutom dahil lilipas din naman 'yan.
>Mag-post sa facebook o twitter ng "Anlamig, kayakap, anyone?" o kaya "Ansarap matulog ng may katabi".
>Maglinis ng bahay lalo na sa loob ng kwarto at banyo, magluto, maglaba, magpakain ng alagang aso, pusa, ibon o ahas. At h'wag kaligtaang wasakin ang sapot ng gagamba at patayin ang mga ipis gamit ang rubber shoes o kaya high heels.
>Makipag-text at pag-usapan ang lagay ng panahon. Alamin ang NASL ng ka-text at i-schedule na agad ang pakikipag-eyeball.
>Movie marathon. Panoorin lahat ng movies na laman ng 12-in-1 pirated dvd. Panoorin din ang favorite indie film at favorite porn movie. H'wag pagpantasyahan si Coco Martin, humanap ka ng iba.
>Manood ng palabas sa TV. Kung brownout, h'wag ng tangkaing manood pa. Kung walang tv, hiramin ang tv ng kapitbahay.
>Gumawa ng sariling video at i-upload sa youtube at umasang magkaroon ng maraming hits.
>Ubusin ang pagkain sa loob ng ref. Unahing kainin ang chocolates, noodles at itlog na maalat. Kung walang pagkain, uminom na lang ng malamig na tubig.
>Uminom ng kapeng barako para mas lalo pang mag-init ang katawan.
>Mag-show sa YM, skype, person o camfrog para makahanap ng sponsor ng load at pagkain. Siguraduhing may maipagmamalaki ang haba para tangkilikin ng mga viewers.
>Mag-eemo. Isiping wala kang kakampi sa mundong ito. Maglagay ng black eye-liner para maganda ang effect. Pero h'wag isiping mag-suicide, mahal ang pampalibing pati na ang tinapay at kape.
>Sa kusina, subukan ang
>Pagmasdan ang ulan sa labas habang madamdaming kinakanta ang 'Tuwing Umuulan' ni Regine Velasquez o 'It's Raining Meni ni Geri Halliwell para lalo pang lumakas ang ulan.
>Mag-isip ng iba pang magawa. 'Yung nakakatulong sa sarili, sa kapwa at sa Inang Bayan.
Happy Rainy Days!
2 comments:
bakit hindi pwedeng pagpantasyahan si Coco Martin?..hehe
dahil may magagalit ^,^
Post a Comment