Lagi akong nagigising pgsapit ng hatinggabi. May kung
anong hinahanap ang aking katawan. Nauuhaw ako pero hindi tubig ang kailangan
ko. Hindi rin dugo. At lalong hindi alak. Dahil ang kailangan ko
ay gatas. ‘Yung hindi mainit na gatas. ‘Yung malamig na malamig na gatas. Yung galing sa dede ng cow. ‘Yung nabibili sa suki
kong convenience store sa may bandang C5 road na Treats (na ewan ko ba kung
bakit Food Avenue na ngayon).
Umupo ako sa tabi nila. Nagpakilala sila. Si Jomar,
bente-uno, moreno ,matangkad, marahil nagbubuhat sa gym kaya malaki ang mga maskels
sa katawan. Si Ryan, disi-otso, moreno,medyo chubby at parang gangster manamit.
Parehong taga- pamayanan ng Diego Silang. Tahimik lang ako habang nagku-kwento
sila ng kung-anu-ano. Anything under the moon. Nakikinig ako. Nakikiramdam.
Nagmamasid. Alerto sa mga susunod na mangyayari. Ekstranghero pa rin para sa akin
ang dalawang ito. At siguro nang maramadamang parang pinagpyestahan na kami ng
mga lamok sa oras na ‘yon ay naglakad-lakad sa parking area ng pamayanan. Hanggang
sa inabot kami ng alas-kwatro ng umaga sa kakatambay. Nasundan pa ng maraming beses ang minsang pagtatambay.
Pa-iba-iba ng pwesto. Kung anu-anong trip ng mga walang magawa sa buhay.
Nakilala ko rin minsan sa isang inuman session ang
katropa nilang si Ace, disi-syete,matangkad,payat, makulit at sobrang kulit
kapag lasing.
Abangan sina Jomar, Ryan, Ace at syempre pa Ako dito
sa walang kwentang tambay-serye ng bagong henerasyon, ang Tirador.
No comments:
Post a Comment