Saturday, August 17, 2013
Bakit ka Bumagsak sa CPA Board Exam?
Ang CPA Board ay isang mahirap na pagsusulit (madali lang daw para sa mga henyo) na kailangang ipasa ng mga accountancy graduates para maging isang Certified Public Accountant sa Pilipinas. Bilang mahirap nga o sabihin na lang nating isa sa pinakamahirap na pagsusulit, higit sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga examinees ang umiyak, nalungkot o na-depress dahil wala sa ‘List of Successful Examinees’ ang pangalan. Na kahit anong hanap ay wala talaga. Pero may posibilidad pa na ‘Conditioned’ ka lang at may posibilidad din na bagsak ka nga. At nang makuha mo ang results, nagdudumilat ang isang malinaw na katotohanang nakasulat sa isang pirasong papel : FAILED. Oo, tama ang hinala mo. Confirmed na confirmed, bagsak ka nga! Sabi na nga ba. Tama na ang pag-emote at iinom mo na lang ang lahat! At bukas, umpisahan mo na ang tinatawag nilang ‘Move on’ o ‘Change for the better’.
Labels:
Board Exam,
CPA
Subscribe to:
Posts (Atom)