Masakit talaga ang magmahal. Ewan ko ba kung bakit ganu’n. Magmahal para masaktan lang. Mahirap na masakit. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo titiisin ang sakit.Basta masakit. Kung may magagawa lang sana para mapawi ang sakit nararamdaman ,kaya lang wala eh. Suntok sa buwan ang mahalin ka ng taong mahal mo.Umaasa ka sa wala. Umiibig ka para sa wala. Magmamahal ka para balewalain lang. Grabe ang sakit ng magmahal na alam mong ang mundo man ay magugunaw ay wala pa ring mangyayari.
Bakit ba kasi may pag-ibig pa? Kung matuturuan lang sana ang puso. Kung may kapangyarian ka lang sanang gawing posible ang mga imposible. Pero imposible talaga eh. ‘Yon yong masakit. Alam mong imposible maging kayo eh nagmamahal ka pa rin at umaasa na maging kayo sa bandang huli. Mahirap ‘yong mag-invest ng emotion tapos sa bandang huli ay mapupunta lang sa wala. Walang patutunguhan ang magmahal ka ng taong may mahal na iba. Sana matuturuan ang puso, pero hindi eh.
Hindi kayang diktahan ng isip ng puso dahil ang puso ay may sariling isip. Hindi mo mapipilit na mahalin ka rin ng taong mahal mo. Bakit ganu’n? Hindi mo naman ginusto na mahalin siya. Bigla na lang. Bakit ka ba iibig sa taong alam mong walang pag-ibig sa’yo di ba? Walang pinipili kasi ang pag-ibig. Pwede kang main-love kahit kanino. Mahal mo siya. Pero hindi ka naman niya mahal, hindi kayang mahalin,hindi matutunang mahalin at hindi kailanman mamahalin. Ang sakit, di ba? Maraming nasasaktan dahil sa pag-ibig.
Pesteng pag-ibig na ‘yan!
No comments:
Post a Comment