Tuesday, September 27, 2011

Hindi Lalaban Ang Payong Ko Pedring!


Litratong hango sa www.talakayanatkalusugan.com
 Alas kwatro y medya ng madaling araw.Tumunog ang alarm clock.Nagising ako.Bumangon.Binuksan ang ilaw.Kinuha ko ang alarm clock.Ini-off para tumigil na sa pag-iingay.Tahimik na ulit.Humiga ulit sa kama. Malamig, pinindot ko ang off button ng electric fan.Nagkumot.Bukas pa pala ang ilaw.Bumangon ulit.Dilim.Binalot ang sarili ng kumot.Ipinikit ang mga mata.Tulog.

Sunday, September 18, 2011

Rambulan sa Kalsada

Hindi ang nasa isip ko ang pinangarap kong maging dahilan ng aking pagkamatay. Isang gabi.Isang madilim na gabi. Binalot ang aking pagkatao ng milyon-milyong kaba at takot. Ayoko sanang pumunta sa gusgusing lugar na ‘yon. Ayoko sana. Subalit nanaig ang tinatawag nilang ‘Pakikisama’ sa mga ka-tribong nagmula pa sa malayong lugar kung saan binuo ang aking isinumpang pagkatao.


Wednesday, September 14, 2011

Oprah Winfrey's Famous Comment daw

“I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion…, after having been trimmed down to 5, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink of her answer as she had no interpreter to break the ice. The rest had their i nterpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point.”

Monday, September 12, 2011

Sumayaw, Sumunod

Gaya ng lagi kong ginagawa, dadaan muna ako sa Market Market pagkatapos ng isang makasaysayang pagpapanggap sa opisina. Palibhasa petiks mode lagi, na wish ko lang ay tuluy-tuloy na. Ayon sa isang ka-opisina, dapat daw akong parangalan na ‘Best Employee of The Year in a Most Pretending Role’. Okay na ang award na yun kesa naman ‘Most Stressful Employee of The Year’ ang igawad pa sa akin.

Thursday, September 8, 2011

Bagong Anyo ng Accounting Books

Sa kaartehan ng isang opismeyt ng magpabili ng Green na bolpen, napadpad ako sa isang bookstore ng mall. Bago bumili tumingin-tingin muna ako ng mga books. Nang magpapansin ang mga nakahilerang Accounting books, muli'y naalala ang mga sandaling minsan ko silang nakapiling sa hirap at maraming hirap.