Wednesday, November 9, 2011

Tinimbang Ko!

Sobrang natuwa ako. Kasi naman nagdagdagan na ang timbang ko. Isang magandang senyales na dapat ipagpatuloy ang mabuting ginagawa.

Salamat  kay God dahil nakakain ako ng apat o limang beses sa isang araw.

Salamat sa bago kong trabaho na Petiks Mode Lang.

Salamat sa pagpunta ko sa gym at sa gym trainer na nagtiyaga sa aking mga konting reklamo, sa motivation na kahit maliit katawan ko, may pag-asa pa rin daw na lumaki.

Salamat din sa mga members ng http://www.pinoybodybuilding.com/ para sa mga nakakatulong na posts, tips and advices.

Salamat sa Whey Protein na pinag-ipunan ko pa ang pambili kasi mahal naman.

At higit sa lahat, salamat sa aking sarili!

Noong Pers Taym ko sa gym, tinimbang ako ni Jake, 35 kgs lang daw. Pero kanina, naglakas-loob akong pumunta sa clinic ng bangko upang harapin ang mapaghamong timbangan. Nagdadasal ako na sana tama ang timbangan dahil 44kgs na ang bago kong weight.

Before: 35 kgs or 77 lbs
Now:    44 kgs or 97 lbs
Gain:       9 kgs or 20 lbs

 Panalo!



2 comments:

iambillstumor said...

Gusto ko lang sabihin na naiinggit ako sa baba ng timbang mo. Kung pwede lang mag donate eh sana nabigyan na kita ng ilang bag per kilo pa matutulungan pa natin ang isa't isa. Haha.

Anyways, congrats! Yey!

NoOtherEarl said...

Salamat...Pero gustuhin man nating magtulungan sa ganung paraan, hindi maaari. Ikaw ay ikaw. At ako ay ako. haha.

Kung pde lang sana eh matagal na bumigat ang timbang ko. haha ^,^