Wednesday, November 2, 2011

Petiks Mode Lang

Sa dinami-dami ng mga pagsubok na dumaan sa aking buhay, kailangan ko muna ng kahit konting pahinga.


Sa Trabaho. Sa Pag-aaral. At higit sa lahat, sa Lablayf. Kahit pansamantala lang.

Hindi ako martir. Lumipat na ako sa ibang team/process/department dahil kinatok ako ng isang mailap na oportunidad.

At tamang tama naman. Sa trabaho ko ngayon, wala na akong masyadong ginagawa. Petiks lagi, ika nga. Hindi na katulad ng dati na ihi lang at mabilisang kain ang pahinga (exag pero totoo). Hindi ako tamad, pero ayoko ng pagudin ang sarili sa trabaho. ‘Wag muna sa ngayon.

Ayokong magutom. Hindi ako nagtatrabaho para magutom lang. Kaya naman break lang ng break at kain lang ng kain ngayon. Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na balang araw, tatangkad at lalaki din ako. Seryoso na ako sa pagpupunta sa gym.

Puro internet na lang halos ginagawa ko sa work. Bawal lang naman kapag nahuli na eh. Hangga’t hindi pa nahuhuli, sige lang ng sige. Hehe. Minsan, kwentuhan lang ng mga kalokohan o showbiz balita kasama ang mga kapwa petiks din.

Pa-text-text din minsan. Bawal ang CP sa trabaho sa dahilang hindi ko maintindihan dahil ayokong intindihin. Iniiwan ko lang sa locker ang CP at binalik-balikan ko na lang every now and then. Gawaing hindi ko nagagawa noon dahil sa sobrang dami ng ginagawa.

Pass muna din ako sa pag-aaral. Pahinga muna ang utak at katawan. Nakakapagod din. Mahigit dalawang dekada na akong nag-aaral. At hindi pa ako yumayaman. Wala naman daw yumayaman sa pag-aaral. Na parang gusto ko ng paniwalaan. Matapos akong makipagsapakan sa kapalaran maging CPA lang, gusto ko na namang humirit pa ng isa. MBA o Law ang aking pinagpipilian. Pero hindi muna ngayon. Hindi muna. Pagod pa ako.

Pinakamatinding usapin ang usapang lablayp. Ayokong magkwento tungkol ditto dahil wala rin naman akong kwentong ikukwento. Isa lang ang masasabi ko, Friends lang kami (Kilig much).

Overall, masasabi kong masaya ang buhay ngayon.

At sa tingin ko IKAW na lang ang kulang sa buhay ko!

No comments: