Thursday, November 17, 2011

Elisa, Ramona, Gloria at Dora!

Nasaan ka, Elisa?
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap si Elisa Altamira. Ang misteryo ng kanyang pagkawala ay tinutuklas. Hindi alam kung buhay pa siya o patay na. Hindi rin alam kung nakidnap ba siya o naglayas. Ang bawat tao sa buhay ni Elisa, maaaring may kinalaman sa kanyang pagkawala.


Habang hinahanap si Elisa, isinabay na rin ang paghahanap kay Ramona Bautista. Hindi kaya may kinalaman din si Ramona sa pagkawala ni Elisa?


Si Ramona ay isa sa mga suspek sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen. Nag-iwan siya ng taped video at napanood ng madla ang kanyang drama tungkol sa totoo daw’ng nangyari nung araw na pinatay si Ramgen. Sino kaya ang kanyang scriptwriter?


Suot ang red scarf na simbolo ng kanyang katapangang tumakas, lumagra ang bruha papuntang Hongkong at dumiretso sa kanyang asawa sa Turkey. At ngayon, nasa Cyprus na daw si Ramona. Balak ata nyang mag-tour all around the world. Hindi kaya nasa loob lang talaga ng bahay ni Kuya si Ramona?


At balak namang sundan ni Gloria Macapagal- Arroyo ang mga yapak ni Ramona na tumakas papuntang ibang bansa. Tatalunin nila si Dora the Explorer sa larangan ng paglalakwatsa.


Magkakunstaba at may kinalaman kaya sina Gloria at Ramona ...


Sa biglaang pagkawala ni Elisa?


Sa pagpaslang kay Ramgen?


Sa pagkamatay ng ama ni Charice?


Sa pagkabaril ng PBA player na si Ali Peek?

At sa hiwalayang John Lloyd at Shaina?


Hindi natin alam.

Hindi ko alam.

No comments: