Saturday, December 31, 2011

Huling Araw ng 2011

Ilang oras na lang ay magpapaalam na tayo sa taong 2011 at sasalubungin nating masaya ang taong 2012. Salubungin natin ang bagong taon ng matiwasay at payapa. At wala sanang gumamit ng mga delikado at ipinagbabawal na paputok.Hindi kanais-nais na mapanood sa tv ang mga kababayan natin na isinugod sa ospital dahil naputukan.

Sunday, December 25, 2011

Masayang Pasko 2011

Tatlong pasko ding hindi ko nakasama ang aking pamilya. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong makapag-leave ng mga panahong iyon. Mas importante pa kasi sa kumpanya ang negosyo nila kesa sa maisakatuparan ang kahilingan ng mga empleyadong makasama ang pamilya sa Araw ng Pasko.

Friday, December 16, 2011

Birthday Boy!

Ano kayang magandang regalo sa sarili?


House and lot?
Condo unit?
Kotse?
Cellphone?
Ipad?



Birthday ko kasi ngayon. December 16, 2011

Thursday, December 15, 2011

Servathon 2011

Novemember 26,2011. Napadpad kami sa BASECO Compound.Ang aming misyon ay upang tulungan ang nasabing lugar para gumanda at maging makulay. Mahigit 400 volunteers galing sa aming mayamang kumpanya ang nagtitipon-tipon para tuparin ang isang mahalagang  misyon.

Napabilang ako sa grupo ng magpipinta sa pader (Mural Painting) ng Entrance ng BASECO. Ang iba naman ay naka-assign pagandahin ang Barangay Hall, Day Care Center, Nursery Gardens at kung saan-saan pa.

Sunday, December 11, 2011

Honda-Dot Award!

Mr. Honda-Dot: Alas-Dos Na Award

is hereby presented to

Elton Johan Martin

Thursday, December 1, 2011

Poker




Larawang kuha sa
http://www.donkeypoker.me/
EKSENA 1.
Sumakay ng taxi papuntang Metrowalk sa Ortigas

Ako: Sa Metrowalk po
Taxi Driver: Sa Ortigas?
Ako: Opo. Dun sa Metroclub. 'Yung may laruan ng poker. Alam n'yo po ba 'yun?
Taxi Driver: Ah hindi. Saan ka ba talaga? Metrowalk o Metroclub?
Ako: Metroclub po pero sa Metrowalk yun
Taxi Driver: Magkaiba ba ang Metrowalk at Metroclub?
Ako:Di ko din kabisado 'yun eh. Sa Metrowalk n'yo na lang po ako ibaba, ako na bahala maghanap kung saan ang Metroclub