Friday, December 16, 2011

Birthday Boy!

Ano kayang magandang regalo sa sarili?


House and lot?
Condo unit?
Kotse?
Cellphone?
Ipad?



Birthday ko kasi ngayon. December 16, 2011

Ambilis naman ng panahon. Parang kailan lang may handang cake ang mga opismeyt ko para sa akin. Parang kailan lang nung nanlibre ako sa kanila. Parang kailan lang ng binilang ko lahat ng FB greetings. Parang kailan lang ng personal (as in face to face) na nag-message siya sa akin (in English), nag-blush ako,kinilig pero mas kinilig ang nakasaksi sa eksenang ‘yon isang gabi. Parang kailan lang ‘yung 25th birthday ko.


Ngayon 26 na ako.Pero parang 19 lang sa personal. Buti na lang age is just a number daw. Good thing, hindi halatang 26 na ako.


Happy Birthday to me!


Ano kayang magandang regalo sa sarili?
House and lot?
Condo unit?
Kotse?
Cellphone?
Ipad?


Wag na lang kaya ang mga ito. Sadyang wala lang talaga akong pambili.


Good health na lang.Haha.


Naka-leave ako on my birthday. Isa ring magandang birthday gift ang pagpahinga muna sa trabaho.


….personal (as in face to face) na nag-message siya sa akin (in English), nag-blush ako,kinilig pero mas kinilig ang nakasaksi sa eksenang ‘yon Iang gabi…


Ngunit hindi na mabibigyan ng pagkakataong maulit ang eksena noong Decemeber 16, 2010.Hindi maiwaglit sa aking isipan. Hinding-hindi.


Tama na ang drama!


INUMAN NA!!!!!

No comments: