Saturday, December 31, 2011

Huling Araw ng 2011

Ilang oras na lang ay magpapaalam na tayo sa taong 2011 at sasalubungin nating masaya ang taong 2012. Salubungin natin ang bagong taon ng matiwasay at payapa. At wala sanang gumamit ng mga delikado at ipinagbabawal na paputok.Hindi kanais-nais na mapanood sa tv ang mga kababayan natin na isinugod sa ospital dahil naputukan.


Maaring gumamit na lamang ng mga hindi delikadong pampaingay sa pagsalubong ng bagong tao. Takip ng kaldero, Torotot, Loud music ay pwede na. Sa ganung paraan, sakuna ay maiiwasan.

***
Sa mundo naman ng Accounting, nagsara na ng libro ang mga kumpanya na gumagamit ng calendar year as time period. Malamang naghahanda na rin sila ng financial statements tulad ng Balance Sheet for the year ended December 31, 2011. Ang Financial Stements ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa financial position, performance at changes ng financial position ng isang kumpanya na gagamitin sa economic decisions ng mga interested users. Ito ay kailangang suriin ng isang independent CPA para malaman kung ang financial statements ng kumpanya ay fairly presented ayon sa Philippine Financial Reporting Standards.

Happy Balance Sheet Day Folks!

***
Mamamasyal na lang siguro ako sa mall saglit mamaya. Tapos sa apartment na lang ako tatambay kasama ang kapatid ko. Natatakot ako lumabas ng bahay kapag gabi na, baka ako ay maputukan. Mahirap na. Ibang putukan na lang, pwede pa. Haha.

Happy New Year!

1 comment:

Bino / Frameless World said...

Thanks for explaining to us the essence of Financial Statement.. Cool! :)Have a happy and prosperous new year to you and your family. :) Cheers!