Thursday, December 1, 2011

Poker




Larawang kuha sa
http://www.donkeypoker.me/
EKSENA 1.
Sumakay ng taxi papuntang Metrowalk sa Ortigas

Ako: Sa Metrowalk po
Taxi Driver: Sa Ortigas?
Ako: Opo. Dun sa Metroclub. 'Yung may laruan ng poker. Alam n'yo po ba 'yun?
Taxi Driver: Ah hindi. Saan ka ba talaga? Metrowalk o Metroclub?
Ako: Metroclub po pero sa Metrowalk yun
Taxi Driver: Magkaiba ba ang Metrowalk at Metroclub?
Ako:Di ko din kabisado 'yun eh. Sa Metrowalk n'yo na lang po ako ibaba, ako na bahala maghanap kung saan ang Metroclub



#SabiNila. Kapag sumakay ng taxi na hindi alam kung saan mismo ang pupuntahan, magpanggap na alam para hindi ka idaan sa malalayong ruta o iikot sa kung saan-saan…para hindi kayo kunyaring naliligaw… para hindi din malaki ang babayaran.


#SabiKoNaman. Kailangan pala ng acting skills kapag sumakay ng taxi.
***


EKSENA 2.
Bumaba ng taxi at nagtanong kay Mamang guard na palaboy-laboy sa kalye.


Ako: Guard, saan po ba yung Metroclub? 'Yung may naglalaro ng POKER FACE.
Guard 1: Diretso ka lang d'yan. Tapos kaliwa. Tapos may guard, itanong mo na lang.



#SabiNila. Don’t talk to strangers!


#SabiKoNaman. Okay lang basta guard ‘yung stranger at may kailangan ka lang itanong. Mas okay kapag cute ‘yung stranger. Pumi-fairytale na naman ako!
***

EKSENA 3.
Nagtanong sa isa pang guard


Ako: Sa'n po ba ang Metroclub?
Guard 2: Dito
Ako: Pwede pumasok kahit hindi maglalaro?
Guard 2: Ilang taon ka na? Bawal dito ang underage.
Ako: Twenty-plus na po.



#SabiNila. Bawal ang mga bata/teenagers sa pasugalan

#SabiKoNaman. Kapag nakita ako, underage na agad?, di ba pwedeng muk’ang teenager lang.

***

EKSENA 4.
Pina-check sa guard ang dalang backpack

Guard 2: Maglalaro ka ba sa loob?
Ako: Ah hindi po. May kaibigan po ako na naglalaro sa loob, pupuntahan ko lang.

#Sabi Nila. Masama ang magsugal!

#SabiKoNaman.  Kapag papasok sa pasugalan, maglalaro agad? Di ba pwedeng manonood muna.
***

EKSENA 5.
Nakasalubong ang kaibigan ko sa pinto

Ako: Hi!
Kaibigan: Hi! Wait! CR lang ako.

#Sabi Nila. Friendly at cute daw ako

#SabiKoNaman.  Agree ako d’yan
***
EKSENA 6.
Umupo katabi ng kaibigan ko

Kaibigan: Marunong ka ba ng poker?
Ako: Ah hindi
Kaibigan: Madali lang 'to. Manood ka na lang

#SabiNila. Masaya at masarap daw maglaro ng poker

#SabiKoNaman. Mas masaya kung pitik na lang sa tenga ang pusta.
***

EKSENA 7.
Nanonood habang naglalaro ang mga poker players sa isang mesa

Kaibigan: Ang panget ng baraha
Ako: Okay

#SabiNila. Kapag panget ang baraha, talo na!

#SabiKoNaman.  Kapag talo na, umuwi na at humanap ng pera.
***

EKSENA 8.
Naubos ang buy-in chips ng kaibigan

Kaibigan: Wala na. Tara na. Nood na tayo sine
Ako. Tara

#SabiNila. Kapag talo ka na, umuwi na

#SabiKoNaman. Talagang uwian na!
***

EKSENA 9.
Naglalakad palabas ng poker house

Ako: Magkano na talo mo?
Kaibigan. Ngayon 1,300. Kahapon 2,000
Ako: Sayang. Ganun talaga ang sugal. Minsan talo. Natalo ka ata dahil dumating ako.
Kaibigan. Kaninang ka-text kita, nananalo pa ako. Simula ng dumating ka, natalo na. Haha
Ako: Sana pala 'di na ako pumunta dito

#SabiNiya. Malas daw ako.

#SabiKoNaman. Okay lang at least hindi salot!
oOo




No comments: